Academy for Lymphians
Chapter 7: HistoryPagdating namin sa room bumungad samin ang isang robot?
wow! sobrang na amaze ako, ngayon lang ako naka kita ng robot sa personal."Hai smiley!" bati nila dun sa robot. smiley? meron syang name?
"Smiley give this to P. Hugo." sabi nung babae na may peklat sa mukha. i think she's our history teacher. pero ano yung peklat sa mukha nya?
"Good afternoon ma'am Santiago."
bati nila kay ma'am"Good afternoon. take your seats!"
Umupo naman agad kami,
"Bro. bat dika pumunta kanina? talo tuloy kami." Sabi ni Carlos dun sa lalaking nakaupo katabi nya. diko sya nakita kanina ah.
"hindi ba talaga kayo marunong manalo?" sabi nung lalaki sumimangot naman agad si Carlos.
"Alam nyo na naman siguro about sa history nina Fuego at Agua diba?"
"Yes ma'am!"
"Pero sasabihin ko parin sa inyo."
"Once upon a time, there was a girl named Alice- joke! " nagtawanan naman kami dun. joker pala tong si ma'am eh!
"There was a princess named Agua, She was the strongest, bravest and so beautiful. And she had a bestfriend named Fuego."
"yeeh! kinikilig talaga ako." sabi ni Jenna.
"Agua has the ability of water. "
"water?" bigla kong nasabi.
"yes! water. Sya lang ang may kakayahang tubig. She is unique, very very unique.
on the other side Fuego, he was a Femians, he has the ability of fire, sya lang rin ang may roong kakayahang apoy. Naging magkasintahan sila ni Agua. Sobrang saya nila nun, walang harang, walang tutol, walang sagabal. Kasi nga sobrang close pa ng Lymphians at Femians nun. Hanggan sa nalaman nila ang sekreto ni Fuego. Si Fuego ay isang Half Damien and half Femian. Sobrang nagalit si Sino, father of Agua. Dahil dun nagkaroon ng malaking alitan ang mga Femians at Lymphians, hindi na sila pinayagang magkita pa ni Agua. Hanggang sa nalaman nilang buntis si Agua, at dahil hindi matanggap ni Sina na meron syang apo na Damien plinano nyang ipapatay ang anak ni Agua at ni Fuego--'""Teka! ano ang mga Damien?" lahat sila tumingin sakin at para bang sinasabi ng mga mata nila na really? hindi mo alam?..
"Damiens is our biggest enemy. Hindi lang natin, pati narin ng mga Femians."
"Takot na takot sina Agua and Fuego that time." pagpapatuloy ni ma'am.
"Pero natigil yun dahil sa sinabi ng oracle. sabi dun 'no one can kill the god of darkness. for he is the strongest. But the daugther of Fire and Water will rise and will slay the strongest. for she, will become the strongest.' pero may isa pang sinabi ang oracle 'Or she will be killed'. Dahil si Agua lang ang may kakayahang tubig at si Fuego lang ang may kakayahang apoy. pumasok agad sa isip nina Sino na ang batang tinutukoy ng oracle ay ang dinadala ni Agua. Dahil dun hindi niya tinuloy ang pagpatay sa bata. Pero wala paring nagbago, mahigpit parin ang pakikitungo nya kina Agua at Fuego.
Nalaman ng mga Damien ang sinabi ng oracle na ang anak ni Agua ang makakapatay kay Deborah. ang diyos ng mga Damien. Nilusob ng mga Damien ang Lymphian city, at nangyari ang biggest war. Lahat ng Lymphians at Femians nagtulongan para proteksyonan ang anak ni Agua at Fuego, maraming namatay. Pero kahit na ginawa na nila lahat. nakuha parin nila ang bata at pinatay." napatakip ako sa bibig ko."Pero ma'am! diba sabi nung oracle 'she will slay the strongest'. " sabi ko.
"' yes! 'or she will be killed" napatigil ako dun. or she will be killed. ibig sabihin nagkatotoo yung isang sinabi ng oracle.
"Diba ma'am kasali kayo dun sa war?" sabi ni Vanessa. napatingin ako kay ma'am at parang nagulat sya sa sinabi ni Vanessa.
"Y-yes! kasali ako dun. Pumunta na kayo sa training section nyo." pagkatapos nyang sabihin yun lumabas na kami sa room at pumunta patungo sa Training room.
"Nasali si ma'am dun sa war?" tanong ko. hindi kasi talaga mawala sa isip ko.
"Oo naman! pati nga mga parents natin. baby pa lang tayo nung nangyari yun. 14 years palang ang nakakalipas." Sabi ni Thalia, kaya pala. siguro pati si P. hugo kasali dun.
"Eh asan sina Fuego at Agua?" tanong ko ulit.
"Si Fuego, patay na! pinatay sya ni Deborah. si Agua naman, sabi nila na curse lang daw si Agua. Hinanap nila si Agua pero hindi nila nakita." sabi ni Ethan.
"Meron kayang nakakita. sabi nya nasa tubig si Agua." Sabi ni Jenna.
"naniwala ka naman. sabi nung baliw nakita daw nya si Agua sa isang tubig. pano naman nangyari yun?" sabi ni Carlos.
"Baliw?" tanong ko.
"Hmm. may isang baliw na nakakita kay Agua sa tubig. Sabi nya naging taong tubig daw si Agua. Pero wag kang maniwala di totoo yun." sabi ni Carlos.
"Totoo yun!" sabi ni Jenna.
"hindi nga!" sabi ulit ni Carlos
"Totoo"
"Hindi!" haay.. hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko dito sa dalawa. Pero kung totoo nga yun. bakit hindi sya nagpapakita?
"Totoo yun!" napatingin kami kay Clio.
"Pati ba naman ikaw bro?" tanong ni Carlos.
"She was cursed. Buhay sya pero hindi na sya isang tao. isa syang tubig."
Lahat kami napa 'huh?' sa kanya.
"Baliw ka narin bro?" sabi ni Carlos.
"Kinulong nya si Agua sa tubig because he can't kill her."
"Bakit?" tanong ko.
"Deborah love her." Sagot ni Simon.
Deborah love Agua? So tao si
Deborah? ang gulo gulo na ng isip ko. bakit ba ako na curious dito?"Guys! Natatae ako." Napatingin kaming lahat kay Drake.
"Hehe.. joke lang! sobrang seryoso nyo kasi.. " Binatukan naman sya ni Vanessa.
"Napaka walang sense mo talaga kausap." Sabi naman ni Thalia.
Pumasok na kami sa Training room at tumambad sa amin ang napaka daming weapons. iba-iba, yung iba hindi ko nanga kilala eh.
THANKS FOR READING!!
VOTE AND COMMENT :-):-)
BINABASA MO ANG
Academy for Lymphians
Mystery / ThrillerAn academy that would teach to enhance your skill. An academy that suits for you. are you ready to experience a real life? well, you are welcome here in Academy for Lymphians..