My Ability

1 0 0
                                    


            Academy for lymphians
             chapter 2: My Ability
          

Anong nangyayari? wala akong makita. Umaga pa naman ah!
Naramdaman kung may humigit ng braso ko at hinila ako papunta sa hindi ko alam..
Hindi ako naka angal dahil sa sobrang dilim at wala akong makita..

Huminto kami at biglang lumiwanag ang paligid.

"asan ako?"

Nakita ko ang babae. yung babae kanina.. sya yung humila sakin.

"easy.. nandito ka parin sa earth!"

"sino ka?"

"ikaw sino ka?
nakita ko yung ginawa mo kanina dun sa eraser..
pano mo nagawa yun?"

Bigla akong kinabahan..
nakita nya?

"I dont know. and please.. wag mong sabihin sa iba,"

"dont worry katulad mo rin ako.."

huh? anong sabi nya?

"katulad?"

"hmm.. sabi ko na nga ba hindi ako nag iisa eh!"
sabi nya habang naka ngiti.

"Anong ibig mong sabihin?"
tanong ko! nagugulahan parin talaga ako sa kanya..

"Ang slow mo.."
sabi nya habang nginunguya yung kinakain nya..

nandito kami ngayon nakaupo sa isang bench sa park. hindi ko alam kung pano ako napunta dito.

"Naalala mo kanina.. yung biglang dumilim."

Oo.. wag nyang sabihing..

"kagagawan ko yun."
sabi nya habang tumatango,.

"kaya mong padilimin ang paligid?"

"hindi.. kaya kung padilimin ang mata mo."

"huh?"

"teka ang hirap e explain..
ganito nalang...
Ikaw, kung kaya mong mag palipad ng mga bagay bagay!
ako naman kaya kong kontrolin kung ano ang mga nakikita mo..
tulad nung kanina. akala mo dumilim.. pero hindi, paningin mo lang yun, para lang syang trick.."

Ano? kaya nyang kontrolin ang mga nakikita ko? Ang gulo..

"''di mo parin ba gets?"

nabasa nya siguro ang ekspresyon ko.. tumango nalang ako!

"bibigyan kita ng example!"

Pagkatapos ay bigla sya naglaho.
She just vanished in front of me!

"boo!"

napatalon ako sa gulat dahil bigla nalang syang nag appear!
I dont know kung pano nya nagawa yun! pero alam ko na kung ano ang kakayahan nya..

"Gets na?"
sabi nya habang naka ngiti.

"you have a trick ability,  nakokontrol mo yung nakikita ko, its like a trick... kanina, hindi ka talaga nawala, paningin ko lang yun."

"tama! nakuha mo rin!"
She said while clapping..

"cool.."
sabi ko!

"By the way, Im Jasmine!"
at inabot nya yung kamay nya.

"Samantha!"
kinuha ko naman yung kamay nya!

"Ikaw? pano mu nagawa yun?"
tanong nya sakin.

"ewan ko! I can control things.. except metal."

Oo.. lahat nakokontrol ko except sa metal, ewan ko pero pag humahawak ako ng metal napapaso ako..

"talaga?"
sabi nya habang naka ngiti..

Academy for LymphiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon