The Maze Trial

1 0 0
                                    


           Academy for Lymphians
           Chapter 6: The maze trial

"Samantha! Jasmine! tara na!"
Tawag samin ni ma'am. Nagkatinginan muna kami ni Jasmine at tumayo nalang.

Grabe para kaming mga tanga dito. Wala kaming alam sa mga nangyayari. Hindi manlang kami winarningan ni Fara.

Pagdating namin sa battle area as usual na amaze na naman ako. Sobrang laki nya, para syang museum sa laki. Ang dami pang mga Battle equipment sa mga corners. Like swords, archery and guns. wait-- GUNS? gagamit kami ng baril?

"Alam nyo na naman siguro diba? ang unang makakuha ng flag, sya yung panalo." Sabi ni ma'am.

"Ma'am Aguilar, Sasali ba sila?" Tanong ni Thalia. Oo nga sasali ba kami? wag naman sana.

"No! "

Napahinga naman kami ng maluwag ni Jasmine. Thalia smiled at us at pumasok na sa battle area.

"But next time, sasali na kayo ok? " Sabi ni Ma'am Aguilar at nginitian kami. Napa OO nalang kami ni Jasmine. naku nakakatakot naman yang next time na yan.

"Ok! The game starts now!" Sabi ni ma'am Aguilar dun sa microphone. nandun kasi sila sa loob ng battle room habang kami nandito sa labas at tinitingnan sila through glass yung parang sa hunger games, yung tinitingnan nila si katniss na nag p'practice ng archery.

Nung sabi ni ma'am na start ay biglang nag transform ang battle room into a maze. Wow! akala ko simpleng paunahan lang sa pagkuha nung flag. may mga trials pa pala. well, what would i expect. This is Academy for Lymphians.

Nakita ko namang napa 'ooww' sila. Na eexcite pa sila nyan ah?

Nasa left side yung 4 na boys at nasa right side naman yung 3 na babae. bali yun yung starting line nila. Pero ba't hindi pa sila gumagalaw? eh sinabi naman na ni Ma'am Aguilar na start.

"Once na lumagpas sila sa starting line, lalabas yung mga totoong kaaway nila." Sabi ni Jasmine. Tingnan ko sya. paano?

"Nabasa ko sa mind ni ma'am!"

Pagtingin ko kay ma'am nakita kong naka ngiti sya.

"very good Ms Ferrer!"

Tiningnan ko ulit sina Thalia pati narin yung boys, pagkatapos nilang mag circle eh nag hiwa-hiwalay sila. ganun din ang ginawa ng mga girls. The moment na lumagpas si Thalia sa red line, biglang may lumabas na unknown species sa harap nya. Nakita kong nagulat sya pero mas nagulat ako sa ginawa nya biglang nag red yung mata nya at may lumabas na parang lazer galing sa mata nya. WHAT DA! Nawala naman agad yung unknown species na yun. Dun ko nalaman na hologram lang pala sya.

Woah! ang cool naman nun. Huminto sya sa pagtakbo ng nakita nya ang lane ng maze. at feeling ko nalilito sya kung san sya dadaan. may dalawa kasing way left and right. Bigla nalang syang lumiko sa right side. Wrong move. Dapat sa left side sya, kita kaya namin dito yung buong battle area na ngayun ay maze na. syempre alam ko kung saan dapat sya liliko. Naku naman, gusto ko pa naman manalo yung girls.. 

Tiningnan ko naman yung ibang girls at katulad ni Thalia, maling lane din yung pinuntahan nila. Except dun sa isa. yung brownish hair, dere-deretso lang kasi sya sa paglalakad na parang alam na nya yung daan. Siguro kung wala yung mga unknown species nayun nakuha na nya ang flag.

Tumingin naman ako sa side ng mga boys, nakita kong inaatake si Carlos ng isa sa mga hologram alien. Pero bigla nalang nag froze yung hologram at nawala.
Wow! froze? He has the ability of ice?. Cool.

Pero natoon yung atensyong ko sa isang lalaking lumalagpas lang sya sa maze,. Tao ba sya? malamang hindi. pero wow! bakit ang gaganda ng mga ability nila?.

Academy for LymphiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon