Crazy True Love -thedrift1988

58 8 2
                                    

Name: thedrift1988
Title of story: Crazy True Love
Genre: Non-fiction/Romance/Drama
Status: On going
Summary: Sadya nga bang nakapagpapabago ng isang tao ang pag-ibig?

Ito ang kuwento ng isang manager ng isang malaking kumpaniyang pinamamahalaan ng kanilang pamilya. Mayaman, matalino at bata pa para sa kaniyang posisiyon. Subalit sa kabila nito ay kilala siya bilang mataray, short-tempered, at kung minsan ay may katigasan ang ulo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, may isa siyang sikretong tanging iilan ang nakakaalam - Siya ay mayroong Bipolar disorder.

Isang araw, sa isang hindi inaasahang pangyayari, magtatagpo sila ng landas ng isang lalaking may kakaiba ring kalagayan.

Dalawang taong magkaiba ng kapalaran, subalit parehong hinuhusgahan dahil sa kanilang kondisiyon. Paano nilang mamahalin ang isa't isa?
Link of your story:  https://www.wattpad.com/story/38394759-crazy-true-love-thedrift1988

What exactky you want me to look for in your work/story?:
I just want your take on its plot. Gusto ko pong malaman kung may nakikita kayong plot holes, and what to do to fix it. Gusto ko rin malaman yung mga suggestions niyo para maging maganda ang flow ng story. Ayos lang sa akin kung anuman ang sabihin niyo because I trust you. Salamat po.

REVIEW: You have typo errors, you need some editing.

Wala pa naman akong nakitang plot holes or inconsistencies sa story mo. Well we know that plot holes ay iyong mga impossible events, mga statements at pangyayari sa mga nauna or earlier na pangyayari sa story mo na sasalungat sa mangyayari sa susunod at pagtakbo ng story.

Mga plotholes na mapapakamot ang mga readers mo sa ulo.

Example: Gaya ng minor plothole sa Teenage Mutant Ninja Turtles... The ninja turtles are huge 8 feet tall green monsters – and yet they fit effortlessly in the sewers and man-holes.

Isang example lang pero madami kasi pag sinabing plot holes.. Mga tipong "ano daw?!" Mga maiiwan silang nakanganga! Kamot batok at ulo sama mo na ang baba! Hahahah!

Since wala pa naman akong nakita, konting ingat na lang at pag-isipan maigi. Pag may naisip kang kasunod na pangyayari, balikan mo lagi yung scenes mo para walang mag-contradict.

Your plot should be smooth and tightly woven - a hole in that ruins your story.

Isa naman sa mapapayo ko para maging maganda ang flow ng story mo is about sa magandang story lines. Kailangan laging may sense ang mga binibitawang linya, mga story lines that lack logic is never good. Sama mo na din yung kailangang ingatan mo ang pagsasalita ng isang character mo. Kailangang ma-maintain mo ang character's personality with his words sa mga dialogues. For example: yung character niya loose and easy tapos bibigyan mo ng dialogue na formal and fancy words na if you have to look up the word, it's likely that such a character wouldn't know it and certainly wouldn't use it when he was emotional. Pwede maging creative pero ulit ibagay mo ang salita niya sa character niya.

Got it?

By the way your story is good and magandang basahin. Ang lawak ng kaalaman mo at alam mo talaga yung sinusulat mo. Yung tipong pag may binigay kang isang issue or something kaya mo siya pangatawanan broadly.

-undauntedheartkim/cat_ones

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Undauntedheartkim's CritiquesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon