Author: Loida Bauto
Title: MEMENTO: Galaw-galaw Baka Ma-stroke
GENRE: NON FICTIONPROLOGUE
Smooth na sana ang buhay. Masarap ang buhay. Maganda na ang takbo. Naka-graduate at nakapasa na siya sa board exam. Nakapagsuot na rin siya ng five inches na wedge sa kanilang oath taking ceremony. Naka-limang buwan siya sa trabaho. Nang bigla siyang nagkasakit. Sakit na pisikal. Hindi broken-hearted. Hindi ito love story.Wala naman siyang special powers ngunit may karanasan siya na maaaring kapulutan mo ng aral.
Taong 2013 nang magkaroon siya ng pakiramdam na unti-unti na niya marahil makakamtan ang kanyang mga ninanais, bukod sa pwede na siyang mag-boyfriend dahil NBSB siya. Agosto 7, 2013 nang bigla siyang atakihin ng isang karamdaman. Tinatawag itong AVM. Brain AVM ang kaniya. Wala man lang pasabi. Biglang nagkaganito ang kanyang buhay. Pero ngayon ay buhay pa naman siya. Naisulat pa niya ito.
Nanatili siya sa Ospital ng 50 araw. Ngunit hindi pa pala tapos. Noong Nobyembre 2013 din ay na-diagnose naman siya ng Stenosis. Hindi parin pala tapos dahil matapos ang 2 major surgeries ay nalaman pa niya noong Disyembre 2014 na may AVM pa sa kaniyang utak.
Sa kasalukuyan, hindi pa siya nakakalakad. Sino'ng mag-aakala na ang masigla't masayahing tulad niya ay magkakaganito?
Review: You wrote it well enough!
Pag true to life stories mas maganda talaga to make it as a memoir kasi it make sense gaya ng story mo. 'Yung iba kasi kahit gusto ng i-libro ang buhay nila they are not strong enough na gawin 'yon kaya they make it as a novel. Kaya lang pag mula sa real life at gagawin nilang fiction you have to be willing to discard details that have mattered deeply, blur mo yung truth, to shape newly.It's nice na pinili mong maging memoir ito lalo na at relate 'yung story mo sa social issues. Eye-opening and nakaka-motivate sa mga readers.
I can see that you have an active writing styles, kasi nararamdaman 'yung sulat mo. My impact. Nagagawa mong magpalungkot at magpasaya.
Ewan ko kung ito ang first mong naisulat. Pero kung ito nga, tama rin 'yung ginawa na nagsimula ka sa small piece as a beginner, not like the other na gusto eh nobela na agad, good that you didn't do that kasi 'yung writing process ang hard doon na kailangan pag-aralan. Pero sa nakita ko sa'yo mukang kayang-kaya mo.
Para ka na ding natural novelist, one prone to drawing on his own experience for inspiration.
Typo errors wala naman akong nakita. Wonder if it's been edited already? Alam mo naman pag maraming errors nakakatamad basahin. Kaya good thing na pinublished mo siya na smooth na.
Since you right it well enough, readers will be too enthralled and moved to care much whether it comes from real life or not.
BINABASA MO ANG
Undauntedheartkim's Critiques
De TodoI made this book solely for the purpose of critiquing the works of the authors on wattpad.