LMA: Jadine-1

168 7 4
                                    


Love Me Again: Fifth Shot

'Dear Diary'

-James-Nadine-

Dear Diary,

Panimula ko sa unang pahina ng diary na binili ko.

My name is Deniese, isang NBSB na 3rd year college, Medicine Student. Hindi ko akalain na bibilhin kita, alam mo ba 'yon? Dahil hindi ko naman akalain na maiinlove ako sa lalaking hindi pasok sa standards ko. Minahal ko sya, pero dahil na rin ayokong madisappoint ang parents ko pinigilan ko ang pag-ibig ko sa kanya. I kept on pushing him away, dito na nga lang ako makakabawi sa mga magulang ko eh. And diary, just so you know, I am the black sheep of the family. Puro problema at sakot sa ulo ang dulot ko sa kanila, at sa bagay na ito ko lang sila mapapasaya. Ang hindi magboyfriend habang nag-aaral. Ito ang pinaka-importanteng bagay sa buhay ko na sa bahay na ito, ikaw at ako lang ang may alam.

"Hoy! Babaita! Late ka ah?" Sabi sakin Liza, classmate ko. Oo na-late ako ngayon. Kahit naman puro ako kalokohan masipag akong mag-aral eh. Ngayon lang ako nalate, traffic kase! Lumapit ako sa kanila. Buti hindi ako napansin ng prof. ko kung hindi boplaks na ako dun, first day of school pa naman. Ms. Vee hates late pa. "Dito ka." Sabi nya.

Nakabilog sila, meaning may groupings.

"Anong meron? Bakit may groupings?" Tanong ko agad pagkaupo ni hindi ko pa natitingnan ang mga groupmates ko.

"May presentation tayong gagawin para sa Ami Case for Cardiopulmonary." Sabi ni kagrupo ko, wait! Who's this jerk? Newbie? Oh, well papel! Bad boy image... I don't care!"

"Ah..." Sagot ko

"Si Brialey nga pala. Transferee from Eulogio University. Kagrupo natin sya, obvious naman siguro. Hahaha!" Tawa ni Janella.

"K." Sabi ko and after that, never pa kaming nag-usap.

Ilang meetings na din ang nagdaan pero hindi pa rin kami nagkikibuan tulad ngayon. Kagrupo ko sya sa isang topic at kami lang namang dalawa ang magkagrupo. Oh!

Nandito kami sa library because we have to research every details regarding Surgery for the patient with left sided heart failure. At hindi lang 'yon we need to explain everything in the video that Ms. Vee showed us.

Napansin ko sina Liza at Janella na nagbubulungan habang nakatingin samin ni Brailey kaya sinita ko sila.

"Ano bang problema nyong dalawa?" Tinaasan ko rin sila ng kilay.

"Wala, pansin ko lang girl na hindi kayo nagpapansinan. Siguro crush nyo ang isa't-isa. Yieeeeh!" Puna ni Liza at ito namang si Janella na mukhang de baterya sa ulo tango ng tango habang nakangiti.

"Tumigil nga kayo! Crush agad? Agad-agad? Hindi ba pwedeng hindi lang kami close." Sagot ko sabay tingin kay Brailey na kumindat bigla. I rolled my eyes on him. At itong dalawa kilig na kilig.

"Yiiieeeeeeehhhh!" Sabay nilang sabi with matching hampasan pa.

"Quiet!!!" Hala, buti nga! Nasaway sila ng mahaderang librarian na Mrs. Demalanta. "Kayong apat dyan!" Turo nya ng ruler nyang kahoy habang nakaupo sa may entrance ng library. "Wala kayo sa palengke kaya tumahimik kayo!" Pagkatapos ay sumubo na naman sya ng ilang pirasong pringles.

Tumahimik naman itong dalawa pero halata pa rin ang pagpipigil ng kilig. Haist! Hindi ko na lang pinansin.

Pagkatapos naming magresearch ay nagpasya na kaming umuwi. Naunang magpaalam si Brailey dahil kaming tatlo ay halos iisang way lang naman ang dadaanan pauwi.

TOTGA STORY: Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon