LMA: AlGot

308 18 9
                                    

LMA : Tenth Shot

'Alyas Spray Girl'

-Agot Isidro-Albert Martinez-

AlliahBaltazar3

Albert's POV

Nakakabwisit! Umagang - umaga ito ang sasalubong sakin sa trabaho?!

"Umarangkada na naman si Spray Girl?" Tanong ko ng medyo napasigaw sa galit.

"Opo sir." Sagot ng isang tao ko.

Hepe ako sa Philippine National Police at isa sa kasong hawak ko ay ang 'Spray Girl' na kilala sa matinik na pagnanakaw sa iba't ibang lugar. At base sa informant ko sa barangay Alba daw ito namemerwisyo ngayon. Nakakabwisit, halos tatlong buwan na itong kaso na ito sa mesa ko hindi pa rin natatapos. Napakatindi ng babaeng ito. Take note ha? Lahat ng hinawakan kong kaso isang linggo o dalawa lang lutas na, pero ito? Pucha ang tinik ah?! Mukhang matindi ang pangangailangan ng babaeng 'to!

Tinawag ko ang mga taong inatasan ko sa proyektong ito...

"Sir." Sabay sabay silang sumaludo sakin pagkapasok pa lang sa opisina ko. Sumaludo naman ako pabalik.

"Yung ibang proyekto na lang muna na nakalinya ang asikasuhin nyo ako na ang bahala kay Spray Girl!" Sabi ko saka umalis.

Umuwi muna ako para magpalit ng sibilyan na damit para sa gagawin kong patibong sa malupit na magnanakaw na 'yun. Nahihiwagaan ako sa mga pakana nya sa pagnanakaw eh. Kailangan bago matapos ang buwan mapasakamay ko na sya!

Nagpa-print ako ng ilang poster na ididikit ko sa Barangay Alba at mga katabi pa nitong barangay na pwedeng daanan ni Alyas Spray Girl.

Mga ilang gabi na rin akong naglalagi sa kalye nang barangay alba, dito sa mismong tumpok na daanan palusot sa barangay Edanes at barangay San Simon, kahit saan dito makikita ko sya kung saan sya lulusot dahil gitna ito at hugis lollipop ang barangay. Ibig sabihin kahit saan sya pumasok iisa lang ang daan palabas.

Agot's POV

Alas tres ng hapon habang namamalengke ako, may isang tatanga tangang dalaga ang nakabunggo sakin. Inirapan pa nya ako pero hindi ko na pinansin. Ha?! Asa syang pansinin ko sya. Mas uunahin ko na ang wallet nyang nahulog noh! Mabilis ko itong dinampot saka tumakbo.

O, teka! Wala akong kasalanan ha? Sya ang nangbunggo sa akin kaya sorry sya at nakuha ko ang pitaka nya.

"520.00, okay na 'to!" Sabi ko sabay silid ng pera sa bulsa ko at hinagis sa kung saan ang pitaka. Agad ko ng binitbit ang pinamili ko at naglakad pauwi.

Simple lang ang damit ko, tokong na brown at white t-shirt saka Islander na itim ang tsinelas ko. Hindi pa ako nagmamaskara. Maaga pa naman. Si Agot ako sa araw at nabansagang Spray Girl sa gabi.

Sa kahabaan ng aking paglalakad ay may nakita akong poster ng bahay, simple pero maganda. Nakasaad doon na nanalo daw sa raffle draw ang may ari kaya ki-nonggratulate ng mga kabaranggay. Ayos! Kinuha ko ang poster at saka naglakad maya maya ay nabunggo naman ako ng isang lalaki na umiinom ng gulaman.

"Ano ba naman 'yan! Pwede namang uminom sa gilid ah? Bakit kailangan pang gumitna?" Sabi ko sa lalaking nabangga ako.

"Pasensya naman! Pwede naman kasing sa bahay magbasa hindi sa daan habang naglalakad!" Sagot naman nya.

"Antipatiko!" Sabi ko saka sya iniwan at umuwi, ihahanda ko pa ang mga kakailanganin ko para sa pagsalakay ko mamaya.

***

"Bwisit na babae 'yon! Natapunan pa tuloy ako ng gulaman!" Sabi ko habang nagbibihis dito sa sasakyan.

***

TOTGA STORY: Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon