LMA: Coco-Jul

108 9 4
                                    

LMA : Sixth Shot

'The Forgotten'

-Coco Martin-Julia Montes-

It's been 3 years since my ex-girlfriend left me, Si Mia. Nung una mahirap, masakit pero unti unti ay naging okay rin ang lahat. Nakalimutan ko rin sya at naging masaya ako, I have my job at nakukuha at nagagawa ko lahat ng gusto ko. Pero may isang bagay akong hindi makalimutan at hindi ko rin kayang iwan. Yun ang nag-iisang bagay na kulang sa buhay ko, si Julie. My childhood bestfriend, my first love, my missing piece.

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan ko sya iniwan. Ilang taon na ba simula nung huli akong pumunta dito? May mga konting pagbabago. Si Jue kaya? Kumusta na kaya sya? Nandito pa rin ba sya? Magaling na ba sya? Ano na ba ang nangyari sa kanya? Andami daming tanong sa isip ko na hindi ko masasagot kung hindi ako papasok sa loob ng ospital na ito. Kinakabahan man ay tumuloy pa rin ako at nagtanong sa nurse na nasa front desk.

"Ahm, excuse me, miss." tawag ko sa nurse na nag-aayos ng mga folders. Tumingin naman sya sakin at ngumiti bago sumagot.

"Good Morning, Sir. Anong kailangan mo?" tanong nya sakin

"Ako si Coby yung nagdala dito kay Julie, gusto ko sana syang dalawin." sagot ko nang may ipakita syang folder.

"Sya ba?" tumango naman ako ng makita ang picture ni Jue, "Hindi mo kasi binanggit ang apelyido nya eh. Halika sumunod ka sakin." Sabi nya at kinuha ang tray na may lamang gamot at tubig, sumunod naman ako sa kanya. Habang naglalakad kami ay nagkukwento sya. "Ako si nurse Abby. Ako ang nurse na in-charge kay Julie. Magkasing edad kami." kwento ni nurse Abby.

"Talaga? Kumusta na sya?" tanong ko

"She's getting worse. Madalas syang magwala specially during 1 A.M.," sagot nya. Akala ko pa naman may improvement si Jue. "Kapag 1 A.M o kaya bago mag-ala-una pinupuntahan ko na sya para dahil alam ko na ang mangyayare sa mga oras na 'yun. Nagsisisigaw sya na akala mo may kausap sa cellphone kahit na walang cellphone. Madalas ko rin marinig na sinisigaw nya ang pangalan mo sa kunwaring hawak nyang cellphone. Tapos magwawala bigla maghahagis ng mga gamit na parang nagbabasag kahit wala naman syang hawak." dagdag ni nurse Abby. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit walang improvement sa kalagayan ni Jue. Dahil sakin. Dahil sa mga pangakong binitawan ko sa kanya na hindi ko natupad.

Tumigil kami sa tapat ng kwarto ni Jue, "Dito ka muna hindi ka kasi pwedeng pumasok. Papainumin ko lang sya ng gamot nya tutal tapos na rin syang pakainin." iniwan nya ako sa labas pero may maliit na bintana doon kaya nakikita ko rin si Jue. Ang payat nya na at malalim ang eyebags nya, yung buhok nya hindi na kasing ayos ng dati pero para sa akin, maganda pa rin sya. Habang pinagmamasdan ko sya bumibilis ang tibok ng puso ko. Maya maya ay lumabas na rin si nurse Abby.

"Ganyan lang sya kapag umaga hanggang gabi. Nakasandal sa pader minsan inuuntog ang sarili habang sinasabi na "sabi mo tatawag ka." siguro ikaw yung tinutukoy nya." nurse Abby

"Nung dinala ko sya dito nangako ako sa kanya na tatawagan ko sya palagi pero hindi ko 'yun natupad. Akala ko kasi kapag hindi ko na sya kinausap makakalimutan nya ako at magiging maayos sya pero yun pa pala ang magpapalala sa kundisyon nya." kwento ko sa nurse habang naglalakad kami papunta sa may labas kung saan pwedeng mag usap kami. Hindi kasi pwede sa hallway ng ospital.

"Pinanghawakan nya ang mga pangako mo. Dapat hindi mo ginawa 'yon, dapat hindi ka nangako sa kanya. Mahal ka nya at ikaw ang naging sentro ng buhay nya kaya kahit anong sabihin mo sa kanya sa ganyang kalagayan panghahawakan at aasahan nya. Nakita mo naman ang resulta ng maling akala mo, Coby. Lalo lang s'yang lumala. At kung may tao man na tutulong kay Julie ikaw 'yun." sabi nya sakin, tama sya dapat hindi ko ginawa 'yon.

TOTGA STORY: Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon