LMA: AshBoo

180 8 4
                                    

LMA : Seventh Shot

'A Sad Love Story'

-Sarah Geronimo-Bamboo Mañalac-

Year 2040

Sabi nila nag-uumpisa raw nating malaman ang halaga ng buhay kapag nakilala na natin ang true love natin.

May nagtanong nga sakin kung nalaman ko na raw ba kung gaano kahalaga ang buhay ko at kung nakilala ko na raw ba ang taong gusto kong makasama habang buhay. Sagot ko "Oo naman. Sobrang halaga nya, pero iniwan nya na ako." Pagkatapos nuon may bigla na namang lumipad sa mukha ko na puting pakpak. Unti-unti kong itinaas ang kamay ko para saluhin ito. Naipikit ko ang aking mga mata. Naalala ko na naman sya.

Ako si Bamboo, bokalista sa isang banda. Nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa puso ko nung college ako. Si Sarah Ashley Geronimo, Ash ang tawag ko sa kanya.

1998

Transfer student ako sa Arellano University. Third year college sa kursong BSMath.

"Class, we have a new student." Sabi nung prof. na medyo napapanot na ang tuktok at ang salamin ay nasa bandang gitna ng ilong, tumingin sya sa mga estudyante bago tumingin sakin. "Pakilala mo na ang sarili mo." Sabi ulit nito tapos ay sabay kaming nagpunta sa harapan. Tumayo kami sa flatform, ako sa gilid nya, sya naman ay naupo sa mesa.

"My name is Bamboo Mañalac. From Alesana University. Nagtransfer ko because my dad's job was tranfered here last month." Huminto ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Sige maupo ka na sa likod." Sabi nung professor.

Naupo ako sa likod, may babaeng nakapwesto sa tabi ng bintana. Bilugan ang mukha, brownish ang buhok, payat at maputi.

"Hi." Sabi ko ng makaupo ako sa tabi nya. Ngumiti lang sya sakin.

"Okay, class bago ang lahat magchecheck muna ako ng assignment nyo." Sabi ng prof. Tapos ay nag-umpisa na itong mangolekta ng mga papel. Ng makalapit ito sa akin ay... "Excempted ka dahil first day mo." Tapos ay lumapit sa katabi ko.

"Geronimo, wala ka na namang assignment?" Tanong nito sa babae. Geronimo? Siguro apelyido nya yun.

"Nalimutan ko po." Mahinang tugon nito.

"Sige, punta sa harapan! Tayo!" Utos ng professor. Sumunod naman ang babae.

Kinabukasan ganoon na naman. Nag-check na naman si Sir Vito ng assignment. Well, sya lang naman ang bukod tanging bigay ng bigay ng home works araw araw eh. Nag-umpisa na itong mangolekta ng papel.

Narinig ko ang katabi kong si Ashley na bumulong. "Nakalimutan ko na naman." Kaya ayun napatayo na naman sya sa harapan.

Mga ilang araw pa ang lumipas ay ganoon na naman ang nangyari. Lumapit si Sir Vito sa hanay ng upuan namin palapit na ito ng palapit sa amin ni Ashley.

"Nakalimutan ko na naman." Bulong ni Ash, maya maya ay naisipan kong iabot ng mabilisan sa kanya ang papel ko.

"Himala." Sabi ni Sir sabay kuha ng papel sa mesa ni Sarah. "May assginment ka ngayon, Sarah ah?" Pagkatapos ay lumingon ang prof. sakin. "Ikaw, Mañalac?" Umiling ako. "Sige, tayo!" Sumunod ako sa utos nya at tumayo ako sa harapan hanggang matapos ang klase.

Nakita ko si Sarah na naglalakad sa hallway habang nakayuko. "Hi." Bati ko.

Unti-unti syang tumingin. "Hello." Sabi nito at wagas kung ngumiti na halos matabunan na ng pisngi ang mga mata nya. "Anong name mo?"

"Ha? Eh. Hindi mo pa ako kilala? Ilang araw mo na akong katabi di ba? Di mo ba naririnig ang pangalan ko kapag nagtatawag ng attendance?" Nagtataka kong tanong.

TOTGA STORY: Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon