LMA: Vice-Rylle

147 11 3
                                    

LMA: Eighth Shot

'Repaired Love - Kapag Naglaro ang Tadhana'

-Vice Ganda-Karylle-

Kapag naglaro ang tadhana, maganda man o masama wala ka ng magagawa.
Hindi mo ito mauutusan na itama ang anumang mali.

Mali nga ba? Sa tingin ng kauri mo mali talaga, pero sa tingin ng iba tama naman pala.

Ako si Keeno - Keena sa gabi, isang bakla na umibig sa kaibigan kong si Jana. Hindi nya alam 'yun, natatakot akong sabihin.

Madalas ko syang tingnan habang may kasamang iba. Nasasaktan ako kapag nasasaktan sya. Sa nakikita ko sa mata nya tuwing magbe-break sila ganito: sHE'S brOKen.

Sobrang nasasaktan ako, doble sa sakit na nararamdaman nya.

"Jana, iniwan ka na naman nya?" Tanong ko ng makita ko na naman syang tulala na halos maputol na ang ballpen na hawak nya.

"Oo, pwede na kayo." Sagot nya, tingnan nyo ugali nyan, ganyan yan eh dinadamayan mo na pinag-iisipan ka pa ng masama.

"Don't let the same old flame burn you twice." Sabi ko pero nilayasan lang nya ako. Pupuntahan daw nya si Niccolo. Magmamakaawa na naman sya para sa wala.

When you love someone and she rejects you for someone else. All you feel is an enormous pain inside you. Ang bottomline magiging si Eponine ka na lang at masasabi mong I Love Her...but only...on...my...own.... Yung with feelings pa.

Jana's POV

My boyfriend and I dated for three years until he fell for someone else and broke the news to me. He said We had to talk. The only thing that describe how I feel after we talked is that I am completely and utterly Heart-Broken. This had happen to me too many times. I can't help but fall for it, I'm such a fucking idiot.

Ako si Jana, isinilang na tanga sa pag-ibig.

Nakita ko na naman syang umiiyak. Nilapitan ko sya at inabutan ng panyo. Tinanggap nya 'yun tapos ay kinantahan ko sya.

Why can't it be...
Why can't it be the two of us...
Why can't we be lovers...
Only friends...

-Keeno

You came along at the wrong place...
At the wrong time...

- Jana.

"Ang ganda talaga ng boses mo." Puri ko sa kanya.

"Thanks. Ikaw din medyo okay ang boses mo." Sabi nya.

"Hindi ka ba nagsasawa? Madalas ka na lang umiyak. Hobby mo ba 'yan?" Biro ko sa kanya, tumawa sya ng mapait.

"Sanayan lang yan, Ken." Sagot nito sakin.

"Alam mo, kung ako ang naging boyfriend mo hindi kita paiiyakin. Aalagaan kita pati ang feelings mo." Sabi ko sa kanya. Napatulala sya sa sinabi ko. Oo umamin na rin ako sa wakas. Baka kapag hindi pa ako umamin mapatay na ako nina Rachel at Lea isama pa ang mga jowa in crimes nilang sina Ariel at Chad.

Flashback

"Keeno, umamin ka na ba kay Jana?" Tanong ni Lea habang kalong sya ni Ariel tapos sinusubuan nya ang bf nya ng strawberry. Ang sweet nila kahit minsan nagbabangayan sila. Yung tipong batuhan sila ng kaldero. Joke!

"Oo nga, tol! Aminin mo na. Baka mamaya mahuli ka pa. Tingnan mo si Jana oh, nagmumukha lang tanga kay Rhenz hindi naman sya pinapahalagahan." Singit naman si Chad habang hinahalikan ang kamay ni Rachel. Eto ring dalawang 'to nakakainggit ang sweetness parang walang problema sa grades dahil nafocus na sya sa sports. Basta andyan sa tabi nya si Rachel, okay ang lahat.

TOTGA STORY: Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon