Ako si Bickford, isang assassin. Inutusan ako ng isang prinsesa Gunnhild para patayin si prinsesa Fira ng kabilang kaharian. Ang balita ko, matagal na silang nag-aaway. Nag-aagawan sila sa prinsepe ng Aventurine kingdom. Gusto nilang maging reyna ng mayamang kaharian na yun.
"Bibigyan kita ng mapa para matunton ang bruhang yun. Patayin mo sya at ibigay mo sa akin ang mga nakakainis na mata nya. Atsaka kita babayaran ng isang supot ng ginto."
"Masusunod kamahalan."
Napakadali ng misyon na ito kumpara sa mga naunang misyon. Naglakbay ako ng apat na araw. Nang nakarating na ako, umakyat ako sa tore ng walang nakakapansin kung saan nandun ang prinsesa. Nagsuot ako ng Japanese style na maskara. Nakita ko ang prinsesa na mahimbing na natutulog at nakatalukbong. Dahan dahan akong lumapit at nilabas ko ang kutsilyo ko. Kinakabahan ako. Tinanggal ko ang kumot nya. Nang nakita ko ang prinsesa, tumibok ng mabilis ang puso ko. Pinagpawisan ako kahit malamig. Pati kili-kili ko basa. Hindi ko sya mapapatay.Nagising sya at dali dali kong tinakpan ang bibig ko dahil muntik na syang sumigaw.
"Pasensya ka na. Naligaw ako. Alis na ako, paalam!" paliwanag ko.
Tinanggal nya ang kamay ko sa bibig nya.
"Naligaw? Ang taas ng tore ng palasyong ito tapos naligaw ka lang? Yung kamay mo basa pa! Eew!"
Sinubukan kong tumakas pero bigla kong nakita ang kisame. Ni-wrestling nya pala ako ng di ko namamalayan sa sobrang bilis ng prinsesang ito. Pakiramdam ko ay buhol-buhol na ang katawan ko. Hindi ako makagalaw.
"Ha! Hindi ka na makakatakas sa akin. Guards! Guards!" ang sigaw ng prinsesa.
Humingi sya ng tulong samantalang kayang kaya naman nya ako. Umupo pa talaga sya sa katawan ko at tinanggal ang maskara ko. Napatitig sya sa akin at namula. Bigla syang tumalikod at hinawakan ang namumula nyang mukha.
"Sandali lang!"
"Ahem! Prinsepe pa rin ang mamahalin ko kaysa sayo. Alam kong pinadala ka ng pangit na yun kaya ipapatay kita! Nakita ko sa crystal ball ko kaya wag ka ng magsinungaling. Mamatay ka maliban na lang sa isang kondisyon."
"Anu yun, kamahalan?"
"Mahalin mo ako."
"Ano?!"
"Este, protektahan mo ako laban sa mga kaaway. Hindi ako nagsusumbong kay papa dahil baka madamay ang dalawang kaharian at ang mga inosenteng mamamayan nito. Kaya kailangan ko ng tagabantay bukod sa magaling na akong lumaban. Kailangan sikreto o mukhang away bata ang pag-aaway namin ng pangit na yun." ang sabi nya na may tonong pagmamayabang.
Prinsesa pa lang makapangyarihan na. Paano pa kaya ang mga ama nilang hari?
Kumatok ang kawal at bigla na lang akong tinalukbungan ako ng kumot ng prinsesang wrestler. Saka umupo ulit sa akin ang prinsesa.
"Ano yun prinsesa?"
"Ah, wala. Daga lang pala. Pinatay ko na! Sige, alis na!"
Mukhang hindi magiging madali ang mga susunod na mga araw ko, pero ayos lang, basta kasama ang kakaibang prinsesang ito ay masaya na ako. May direksyon na ang boring na buhay ko.
BINABASA MO ANG
Clio's Scroll of One Shots
RomanceIto ay mga one shot collection ko galing sa Wattpad Undiscovered Stories group... Enjoy!