Witch and Wolf

2 1 0
                                    

Mayroon akong ate na witch. Mabait naman siya at tanggap ng lahat. Marami siyang client dahil dun kaya hindi niya ako pinagbibigyan pag may kailangan ako at dahil dun kaya kinukulit ko siya minsan. Habang nanonood ng TV...

"Sige na, ate May, mag-cast ka ng beauty spell sa akin." sabi ko.

"Hindi pwede! Matulog ka ng maaga at kumain ng gulay para mawala ang pimples mo. Mahina ako ngayon kaya huwag muna. Waning gibbous na ang buwan kaya mahina din ang effect ng spell."

"Hmmp!" tugon ko.

Mula sa sala, padabog akong umakyat sa second floor ng bahay para pumunta sa kwarto.

"Hoy, Kirsten Hastings! Huwag kang maglakad na parang halimaw. Baka mabulabog ang mga natutulog na ispirito." sigaw ni ate.

"Wala akong pakialam."

Nalakas kong isinara ang pinto at humiga ako sa kama. Nakaisip ako ng idea.

Kinabukasan, maagang pumasok si ate sa university bilang mag-aaral. Buti na lang at hindi niya dala ang Book of Shadows niya.

Pumasok ako sa kwarto ni ate May. Nakapagtataka kung bakit amoy lavender ang kwarto niya. Maingat akong naghanap sa book shelve, sa kama, at sa cabinet. Baka kasi mahalata ni ate na nagkalkal ako dahil may pagka-detective din siya. Nahanap ko din sa wakas. Nakita ko sa ilalim ng damitan niya. Umupo ako sa lapag. Mukhang ordinaryong itim na notebook lang ito. Ganun din ang pagkasulat nito pero may pentacle na nakaguhit sa loob ng hardbound na cover nito. Hinanap ko ang mga beauty spells. Nang may nakita na ako, inilabas ko ang aking maliit na notebook at kinuha ko ang blessed pen ni ate at sinulat ang recipe. Pagkatapos, inayos ko ang mga nakalkal ko at binalik ang ballpen at ang Book of Shadows. Lumabas ako na parang walang nangyari.

"Hey!" sabi ni mom.

"Wah?!" gulat ko.

"Anong iyan?" tanong ni mom.

"Ah, wala po."

Pagkatapos ng klase ko sa highschool, kinausap ko ang bestfriend kong si Tanya Ackerman.

"Tanya, hindi ba may grocery store kayo? Pasama naman." sabi ko.

"May shopping list ka?" tanong niya.

Inabot ko at binasa niya...

Cauldron, posporo, belladonna, hemlock, henbane, opium, wolfsbane, parsley.

"Parsley at posporo lang ang meron kami. Palayok na lang ang gamitin mo. Puro poisonous ang nakalagay dito, anong gagawin mo dito?"

"Gagawa ako ng lotion." sagot ko ng may ngiti.

"Mayroon kaming mini garden. Pumitas ka na lang."

"Yey! Salamat, bestie."

"Basta ikaw!"

Pagkatapos ng klase at paghahanda sa beauty spell, pumunta kami ni Tanya sa gubat. Nagdala kami ng palayok, posporo, belladonna, hemlock, henbane, opium, wolfsbane, parsley. Pumwesto kami kung saan nasisinagan ng buwan. Eighty-nine percent na lang ang buwan pero ayos lang. Ang sabi ni ate May, ang tiwala sa sarili ang pinakamahalaga sa isang spell at ritwal.

Sa pamamagitan ng ng daliri, gumuhit ako ng pentacle sa silangan, tinawag ko ang apat na elemental watchtower para protektahan kami sa mga ibang uninvited na spirit. Habang ginagawa ko iyon, niluluto ni Tanya ang mga sangkap. Nang lumapot na ang lotion o salve. Pinalamig na namin ito at nagpaalam sa mga apat na elemental watchtower. Binukas na namin na namin ang circle.

"Parang may mali." sabi ni Tanya.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Naramdaman ko na sinabi nila na may mali."

"Wala iyun. Ilagay na nga natin ito sa bote."

Naglagay din ako ng beauty salve na galing sa palayok. Binabad ko sa mukha ko habang nagka-camping. Hinugasan ko ito sa ilog nang matuyo ang aking pinahid.

Kinabukasan, gumising ako ng maaga. Inaantok pa ako. Pumunta ako sa banyo para maghilamos ng maligamgam. Nang tinignan ko ang mukha at kamay ko. Ako ay nabigla.

"Anong nangyari sa akin? Naging kamukha ko na yung shinigami sa anime! Hinde!" sigaw ko.

Naghowl din ako. Buti natakpan ko ang aking malaking bibig na may mga pangil. Mukha akong pulang lobo katulad sa isa pang anime. Nabigla ako nang nakita ko si ate na nagbabawas at nagbabasa ng novel.

Kaya pala ang baho...

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni ate.

Nakwento ko sa kanya ang buong pangyayari.

"Baka nag-hallucinate ka dahil sa lavender incense ko at nang nakita mo ang Wolf Transformation Spell ko? Pasalamat ka at hindi permanent ang epekto. Natutuwa ako dahil nagawa mo ng tama ang experiment ko." sagot ni ate.

"Hay... Pakisabi na lang kay mom na may sakit ako at 'di ako makakapasok."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clio's Scroll of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon