Faye of Waves

10 5 0
                                    

  Isang malamig at mahangin na umaga. Nakatanaw kami ni Loric sa magandang ilog habang nakaupo sa ilalim ng puno. 

 "Ano kaya ang pakiramdam ng maging priestess ng Water Magic Department?" 

 "Hindi ko alam, Faye. Gusto mo ba?" 

 "Hindi pero susubukan ko. Hindi lang para maging priestess kundi para maging malakas."

 Nagtraining at nag-aral ako araw-araw kasama ni Loric. Cleansing, meditation, practice at tiwala sa sarili, pag-aaral sa healing at poisonous potion, lahat ginawa ko para maging magaling sa water magic. Hanggang sa dumating ang araw na aking inaasahan. Pero nakalimutan ko yun dahil nalibang ko sa aming training. Pinatawag ni Lady Arethusa Azure, ang matandang priestess ng aming department, ang buong Water Magic Department ng Mystic Arts. Inipon nya kami sa assigned room sa kastilyo ng academy. Ang kwartong iyon ay may mga gamit na may kinalaman sa tubig katulad ng kabibeng disenyo at iba pa. 

 "Matanda na ako pero kaya ko pang magturo ang isa sa mga magaling na department ng academy. Pero kailangan ko ng iwan kayo dahil matanda na ako Gusto ko pa sana pero ayaw na ng katawan ko." 

 Nalungkot kami. Nagsalita ang assistant nya. 

 "May pipiliin kami sa isa sa inyo. Una ay may elimination, pangalawa ay performance ng mga natitira. Elimination na, ipatong nyo lang ang kamay nyo sa ibabaw ng malaking kabibe at bubuka ito pag malakas ang manna o magic energy nyo. At liliwanag ang perlas depende sa level nyo." 

 Nakatalikod ang malaking kabibe sa amin. Hindi lahat ay sumubok dahil kuntento na sila kung anong meron sila. Sumali naman ako para malaman hanggang saan ang manna ko. May nauna sa akin at halos mabulag kami sa sobrang liwanag ng perlas. Ibig sabihin malakas ang manna nya. Nang ako na ang susubok, ganun din ang resulta. At kinain ng liwanag ang kamay ko. Kahit nakapikit ako ay maliwanag pa rin. Masama ang tingin sa akin ng kapantay ko. 

 "Hindi ka ba susubok?" ang tanong ko kay Loric. 

 "Susuportahan kita kaya hindi na. May nararamdaman akong masamang enerhiya na nakatingin sayo kaya tutulungan kita kung sakali." sagot nya. 

 "Salamat. Nararamdaman ko rin yun." 

 Makalipas ang isang araw, tinawag ang mga kasali sa performance. Natawag ako. Pinapunta ang buong Water Magic Department sa daungan. Hinihintay namin ang assistant ni Lady Arethusa. Nagrelax muna kami sa beach. 

 "Sabi ko na makakapasok ka!" 

 "Ehehe... Kaya nga." sabay kamot ng ulo. 

 "Kaya mo yan, Faye!" 

 "Salamat, Adney-boy." 

 May dumating na dalawang babaeng kambal. 

 "Sumaiyo ang Diyos at Diyosa, pati na si Lord Poseidon!" ang masayang bati nila. 

 "Salamat, Nerida at Nixie!" 

 Biglang sumulpot ang mahinhin ngunit malakas at fierce na assistant ng priestess. 

 "Sumakay na kayo sa galleon at sa mga ilang sandali ay nasa pinakamalapit na isla na tayo. At dun gagawin ang performance." 

 Sumakay kami sa galleon. Nang nakarating na kami, magpaliwanag ulit ang assistant. 

 "Simple pero nakakaubos ng lakas ang gagawin nyo. Palakihan ng alon at pababain ito pagkatapos.Halos magkasinglaki ang mga nauna. Nauna ang babaeng masama ang tingin sa akin. Napakalaki ng nagawa nya kumpara sa mga nauna. Pumalakpak ang iba na walang kinakampihan at kampi sa kanya. Walang imik ang mga kasama ko. 

 "Ha! Kayanin mo yun, Faye." ang sabi nya na may kayabangan. 

 Ako na ang huling contestant. Nang ako na ang sumunod, pinakamalaking alon ang nagawa ko. 

"Malinaw na. Ikaw na ang priestess!" 

 Pumalakpak ang lahat maliban sa kakompetensya ko.  

Clio's Scroll of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon