Discovering The Other Realm

9 3 0
                                    

  Ako si Xander. Isa akong normal na bata nuon. Wala akong pakialam sa mundo. Basta makapanuod lang ako ng Polar Bear Cafe na anime ay masaya na ako. Lagi akong naglalaro sa labas kasama ng mga kalaro ko at minsan naglalaro ako ng games sa phone ng ate ko. 

Ngunit simula ng magbukas ang third eye ko ay marami na akong nakikitang multo at iba pa. Pero wala akong pinagsabihan dahil baka kung ano ang isipin nila sa akin. Tumalino naman ako dahil sa third eye ko pero lagi nila akong kinukulit. Tulungan ko daw sila. Minsan nga may nakita akong batang babaeng sugatan sa kwarto ko. 

"Tulungan mo ako." 

 "Wala akong magagawa. Maghanap ka ng mas malakas kaysa sa akin." ang sabi ko. 

 Bigla syang naglaho. Buti na lang masunurin sila. Simula nuon, nagliwanag na ang mundo ko. Naintindihan ko na kung bakit malas ang ibang tao na nababalitaan ko dahil masama sila nung past life nila at iba pamg kaalaman. Ngunit kung may liwanag ay may dilim.

 Habang naliligo ako ay may nakatingin sa aking black lady. Puti ang buhok nya at pula ang mga mata nya. 

Sumigaw ako."Ahh!" 

 "Bakit Xander, okay ka lang?" ang tanong ni mama sa labas ng CR. 

 "Wala po, may nakita lang po akong pusa sa bintana. Malaking itim pusa!" 

 "Tulungan kita." 

 "Ano? Kaya ko ng maligo mag-isa." bulong ko. 

 "Hindi yun. Gusto kong maging spirit guide mo."

 Ilang araw nya akong kinukulit. Hanggang sa nakilala ko ang anak ng isang dalawang psychic na nasa ibang section. Isang tanghali, lunch break, kinausap ko sya. 

 "Annie, pwedeng patulong?" 

"Sige. Ano bang problema? Basta wag tungkol sa pera at love life." 

 Binulong ko ang problema ko sa kanya. Uwian, pumunta kami sa bahay nila para magpatulong. Konting lakad lang pala ang layo sa bahay namin ang bahay nila. Wala ang nanay nya dahil nasa trabaho samantalang nasa bahay ang tatay nya dahil nagtatrabaho sya sa bahay bilang writer. 

 "Pa, si Xander po. Xander, si papa Natsume."Nagshake hands kami. 

Naramdaman ko ang malakas ngunit balanseng enerhiya nya. 

 "Mukhang may nakasunod nga sayo na babae. Wag kang mag-alala. Kakausapin natin sya." sabi ng tatay nya. 

 Umupo kami sa carpet at nagsindi kami ng isang kandila sa platito. 

 "Ano ang kailangan mo?" 

 Pumikit ako pero parang nakatingin ako sa sarili kong likod at nakikita ko sya. Lumitaw sya sa likod ko. 

 "Tutulungan kita sa mga pangangailangan mo." sagot ng black lady. 

 "Anong kapalit nito?" tanong ng tatay ni Annie. 

 "Wala kung di pagkakaibigan." 

 "Saan ka galing?" 

 "Sa isang kaharian." 

 "Anong posisyon mo?"

 "Duchess." 

 Pagkatapos ng pag-uusap, dinismiss namin sya ng maayos at sinabi ni Sir Natsume ang findings sa akin habang nagmemeryenda kami ng cookies at juice. 

 "Galing sa mapayapang kaharian at malinis ang hangarin ng kaibigan mong ispirito. Kaya wag kang mag-alala." 

 "Hay... Akala ko po kung ano na." 

 Biglang naging puti ang black lady at gumanda sya. 

 "Kita mo na? At kung gusto mo, sasanayin kita na i-manage ang clairvoyance o intuition mo." 

 "Sige po!" ang sagot ko.  

Clio's Scroll of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon