Panaginip

1 1 0
                                    

Ako si Nicholas Naranja, labing-dalawang gulang. Dalawang taon na ng nakipaghiwalay si mommy kay daddy. Sabi ni mommy nuon magbabakasyon lang daw siya ngunit hindi na siya bumalik. Pinagbawalan kami ni kuya Max na makipagkita sa kanya. Huwag daw naming kikilalanin ang anak ni mama sa labas kung sakali mag-asawa siya ulit. Ngunit hindi namin magagawa iyon. Pagkatapos ng isang linggong makabag-damdaming tagpo, tuloy pa rin ang buhay namin. Nagtatrabaho si daddy habang si kuya Max naman ay naghahanap ng trabaho at inaasikaso niya ako. Ayos na ang pamumuhay namin. Hindi ako nanghinayang kay mom dahil nabawasan ang mananakit ng damdamin ko. Napanuod ko na ang mga ganitong tagpo sa mga drama. (Nanonood kasi ako ng drama kapag walang cartoons.)

Isang mainit na hapon, sinundo ako ni kuya Max mula sa isang high school. Pinakain niya muna ako sa isang snack bar bago umuwi.

"Tara, punta tayong KTV bar." sabi ni kuya Max.

"Puro ka kalokohan, kuya. Maaga pa at nagbago na ako." sagot ko.

"Aha! Isusumbong kita kay dad!"

"Hala, biro lang."

Pinakain niya muna ako sa isang snack bar bago umuwi.

"Kulas, hindi mo ba nami-miss si mommy?" tanong ni kuya Max.

"Hindi." sabay kain ng wasabi popcorn.

"Hindi nga?"

"Oo nga! Hahah, biro lang..."

Masama ang tingin sa akin ni kuya ngunit alam kong hindi siya galit sa akin. Nilagay niya kasi ang nakakatawang pamaypay sa mukha niya.

"Napanaginipan ko si mommy kahapon lang."

"Hindi mo nararamdamang miss mo na siya ngunit nakikita sa panaginip ang katotohanan. Ang katotohanang gusto mo siyang makita." sagot ni kuya.

"Dalawang taon na pala ng umalis si mommy... Ngunit hindi ako nanghihinayang sa sumama siya sa ibang lalaki. Ayaw ko sa kanya at ayaw ko rin kay daddy. Mabuti nang nabawasan ang nang-iinis sa akin. Lagi akong minamaliit ni dad samantalang si mom naman ay kinukumpara ako sa iyo at sa mga pinsan natin."

"Magkatulad pala tayo. Magkatulad tayo ng pinagdaanan nung wala ka pa sa mundong ito."

"Hahah! Ganun ba?"

"Hindi ka ba naiinis sa akin?" tanong ni kuya.

"Hindi naman masyado. Karamay naman kita sa hirap at kalokohan. Galit kasi ako sa kanila. Ang pinakaayaw ko lang ay pinapaalala nila si mommy."

"Nakita kitang lumuluha bago ka gumising kahapon." pabirong sabi ni kuya.

"May hawak akong sibuyas nu'n!"

"Hahah! May palusot ka pang nalalaman."

Hinampas ko siya at gumanti siya sabay nagtawanan kami ng mukhang mga tanga. Gumaan ang loob ko ng nakasama ko si kapatid. Pagkatapos kumain, masaya kaming umuwi ni kuya Max.

Clio's Scroll of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon