Youngest Son of Hades

2 1 0
                                    

  Ako si Hades. Nagka-anak ako kay Clytemnestra ng Thessaly. Dadalawin ko siya ngayon para kausapin.

"Persephone, mahal ko, aalis muna ako. Mayroon akong aasikasuhin." 

"Mag-iingat ka. Huwag kang mag-alala, walang makakatakas sa hanay natin." 

 Pumunta ako sa Thessaly, isang rehiyon sa Greece. Lumitaw ako sa harap ng isa sa mga anak ko. Si Acamas ang pinakabata sa mga magkakapatid. Habang wala si Clytemnestra, ina ni Acamas, dinalaw ko ang binata pero ayaw nya akong makita. 

 "Acamas, pakiusap, maging isa ka sa aking taga-bantay sa Underworld." sabi ko habang inaabot ko ang kamay ko. 

 "Hindi! Hindi ako sasama at ituturing ama ko." galit na sagot nya. 

 "Balang araw ay matatanggap mo rin ako bilang ama mo." 

 "Bakit hindi pa sila Zeus o Poseidon ang naging ama ko? Bakit hindi na lang ako naging tao?" 

Kailangan ko nang maglaho dahil paparating na si Clytemnestra. Nakakalungkot pero kailangan ko ng umalis. 

 "Acamas, sino kinausap mo dyan?" 

 "Wala po. Kumakanta lang ako." 

 Pag balik ko sa underworld, may masamang balita.Sinalubong ako ni Persephone at nataranta sya. 

"Anong nangyari?" tanong ko. 

 "May ibang nakatakas buti na lang at napigilan ko ang iba." 

 "Kung ganun, ikaw na ang bahala dito. Ako na ang huhuli sa mga nakatakas." 

 Pumunta ulit ako sa lupain ng mga mortal. Naramdaman kong nasa Thessaly ang mga kaluluwang nanggugulo. Hindi man nakakasakit ang mga kaluluwa, niloloko naman nila ang mga tao. Nagpapanggap akong tao at nilipol ng pasikreto ang mga kaluluwa. Nilagay ko ang mga nahuli ko sa brown na sackcloth. May natanaw ako sa isang bahay. Nakita ko sa malayo si Acamas na pinoprotektahan ang kanyang ina. Wala syang magawa. Tinangka nyang hatiin sa dalawa ang kaluluwang nasa harap nya gamit ang kutsilyong binigay ko kay Clytemnestra. Pero biglang nawala at bumalik sa underworld ang natamaan nya. 

"Sa wakas, nadiskubre mo na ang iyong kakayahan." 

 "Hades." ang sabi ni Clytemnestra Niyakap ako niya ako. 

 "Hindi pa rin ako sasama sa iyo." sabi ng binata. 

 "Sumama ka na, anak." pakiusap ni ina nya. "Ayos lang ako dito." 

 "Hindi maaari, ina. Aalagaan ko kayo dito." 

 Naglaho ako sa paningin nila. Balang araw, papayag din sya at sasama sa akin para magbantay.Isang araw, nakita ko si Clytemnestra sa aking nasasakupan. Ibig sabihin lang nun ay patay na ang ina ni Acamas. Naramdaman kong nasa panganib naman ang anak ko sa Thessaly. Nagpaalam ako kay Persephone at pinuntahan ko agad sya. Nakita kong nakatayo sya sa bangin at umiiyak. 

 "Wawakasan ko na ang buhay ko! Hindi ba ito ang gusto mo?" ang sabi ni Acamas. 

 "Hindi ko kagustuhan na mamatay ang iyong ina. Wag mong gawin yan. May iba pang paraan para makasama mo sya ng walang nilalabag na batas ng langit. Maaaring ka bang sumama sa akin at ipapakita ko sya?" 

 Pumayag na sya. Pumunta kami sa sikretong daan. Ito ay mga hagdang pababa sa underworld. Nadaanan namin ang alaga kong Cerberus ko. Sumakay kami ng bangka sa ilog Styx. Para malibang si Acamas, nakikipag-usap siya kay Charon, ang nagpapa-andar ng bangka.Nang nakarating na kami, hinahanap ko ang lugar kung saan nandun si Clytemnestra.Nagyakap ang mag-ina na parang di nagkita ng ilang libong taon.Simula ngayon ay may isa pang masayang magbabantay sa akin nasasakupan.  

Clio's Scroll of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon