Quen.
"Eey, dude! 'Musta? Tagal mong 'di nagawi dito ah."
Nakangiting bati sa'kin ni Trix. Owner nitong bar na pinuntahan ko ngayon. He's my college friend. Sila nina Drix na kakambal nito, si Flynn, si Sky, at kapatid nitong sina Cloud at Star at wala ngayon na si Duke. May business 'ata sa ibang bansa.
"Busyng-busy dude. Natural lang kasi yan sa mga poging tulad ko." Nakangising sabi ko bago umupo at nakipag fist bump sa kanila.
"Tangna. Kadarating mo lang nag-ihip ka agad ng hangin dito ah." Si Drix. May kandong itong babae. Ewan ko kung sa'n na naman niya napulot yan.
"Ang sabihin mo 'tol, itinali yan ni Mitch sa kama. Kaya 'di makaalis agad." Sky said at nagtawanan silang lahat. Napailing ako at napangiti na lang. Na miss ko ang mga gagong 'to.
"Seriously, ba't nga ba ang tagal mong 'di nagpakita dito ha?" Tanong ni Flynn. Siya ang mas matino sa amin. Mas matanda kasi siya ng mga 3 years at kami naman ay magkaka age lang. Maliban kina Star at Cloud na nakababatang kapatid ni Sky.
I took a deep breathe at kumuha muna ng beer sa lamesa bago sumagot.
"Dad is training me to take over our company. And I have no choice but to take it." Nilagok ko ang alak. Dad's retiring and he wants me to replace him. Wala namang ibang papalit sa pwesto niya kundi ako lang. Nag iisang anak lang ako eh.
"Tsk. Perks of being the only child. Buti na lang andyan sina Cloud. May mag tetake over ng company namin in case our father decides to retire." Sabi ni Sky. Umangal naman si Cloud.
"Ano'ng ako?! Eh ikaw ang panganay! You're the one who's responsible for it. May negosyo din ako. Pwede rin naman si Star ah." Reklamo ni Cloud.
"And what makes you think na sa'kin ipapa take over ni dad? I'm sure na sa inyo yun dahil mas matanda kayo." Di papatalong sabi naman ni Star.
Natawa kami sa kanila. Patay tayo diyan. Mukhang mahihirapan si Tito Samuel pag nag retiro ah. Walang balak ang mga anak niyang mag take over eh.
Nagpatuloy kami sa mayasang kwentuhan at tawanan. Nasa kalagitnaan na kmi ng inuman ng mag vibrate ang cellphone ko.
Mitch Calling...
Napabuntong hininga ako. Kailan titigil ang babaeng 'to?
I ignore her at nagpatuloy sa pag inom. Maya maya ay nag vibrate ulit ang cellphone ko.
Fuck!
I have to answer it dahil alam kong 'di ako titigilan nito buong gabi.
"Excuse me, guys. I have to take this first." Paalam ko sa kanila. Pumunta ako sa labas ng bar para hindi masyadong maingay.
"What do you want Mitch?!" Singhal ko matapos kong sagutin ang tawag niya. Ang kapal ng mukha niyang tumawag tawag matapos ng masaksihan ko! Fuck her.
"You. Please, let's talk baby. I'll explain. Please, hear me out. I'm begging you." Umiiyak na sabi nito. Napapikit ako ng mariin.
"Listen, Mitch. Wala na tayong dapat pang pag-usapan. What I've witnessed on your unit explains everything. Stop fooling me! And don't dare to call me again."
"B-but---"
Pinutol ko na ang tawag. I have enough of her lies.
Kinalma ko muna ang sarili bago napagpasyahang pumasok ulit sa loob.
Kaya nga ako napunta dito ngayon kahit na pagod at busy ako dahil gusto kong kalimutan ang ginawa ng babaeng 'yun, tapos tatawag tawag pa.
Pinatay ko na rin ang cellphone ko matapos iyon.
Pumasok ulit ako.
Papunta na ako sa pwesto namin nang may mahagip ang paningin ko.
Shit! Is she a Goddess?
BINABASA MO ANG
The Virgin Seductress
عاطفيةShe's the master of Seduction. And oh, she's a Virgin. Story Started: January 23, 2016