"oh? bahala kana umuwi mag isa ha? iiwan na kita" sabay sakay ni Nathalie sa sasakyan nya. ang sama talaga nun! di man lang ako sinabay pauwi! tss! kaibigan ko ba talaga yun?
*kriiiiiiiiiing*
"ay kalabaw si Sian!" ay! ano ba yan! nakakagulat namn kasi yung cellphone ko! sino ba tong epal na tumatawag na to?
"HELLO?" sigaw ko.
[wag kang sumigaw di ako binge!] naiinis na sabi ng kabilang linya. Nabosesan ko naman sya.
"uy! ikaw pala dad! hehe sorry! saan na kayo? wala na kong kasama dito nakauwi na!" susunduin nya kasi ko dahil tinatamad ako mag commute. Hahaha. Tsaka di ako sanay mag commute mag isa. Hahahaha.
[hehe yun na nga anak eh! busy pa ko, may tinatapos pa ko dito sa office, sumabay ka na lang sa bestfriend mong si Nathalie] napa face palm naman ako sa sinabi nya. hello on earth? umalis na ang demonyitang si Nathalie!
"dad! umalis na sya eh!" pagmamaktol ko, nakakainis kasi!
[sorry nak i have to go na bye love you hehe] sabay baba nya, tss!
"argh! Kainis!" sigaw ko sabay bato ng cellphone ko sa loob ng bag.
"mukhang super badtrip ka ah?" sabi ng isang boses sa likod ko na ikinagulat ko.
"ay kalabaw talaga si Sian!" sigaw ko
"haha ako talaga naalala mo eh!" sabay tawa ng lolo nyo.
"aatakihin naman ako sayo sa puso eh! Pano kasi mukha kang kalabaw!" sabay suntok ko sakanya pero mahina lang nu!
"haha uuwi kana ba?" tanong nya.
"ah! oo, kaso iniwan na ko ng magaling kong mga kaibigan at hindi ako masusundo ng magaling kong tatay" sabi ko sakanya.
"sumabay ka na lang sakin" pag aalok nya
"weh? for real?" tanong ko at ngumiti.
"oo tara ihahatid na kita" sabay para nya ng tricycle. waaaah! may makakasabay na ko at makakauwi na ko! Tsaka, mayaman to ah? Bakit nag co-commute sya?
Eh ikaw din naman Railee eh, bakit di ka na mag kotse.
---------------------------
"salamat sa pag hatid at pag sabay" nahihiyang sabi ko kay Sian kasi naman sanay ako na lagi ko lang syang kaasaran tas ngayon.. argh! awkward!
"hehe wala yun! sabi ko naman sayo malakas ka sakin!" nakayukong sabi nya na tila nahihiya. Mukha syang bading. Hahahaha.
"sige Sian salamat ulit! ingat sa pag uwi!" sabi ko at binuksan na yung gate ng bahay namin, tss! wala na namang tao! Nakakatakot pa naman dito.
"teka lang!" sabay hawak nya sa braso ko.
"bakit?" tanong ko
"may sasabihin sana ko sayo" sabi nya at namumula yung mukha nya.. bigla naman akong kinabahan, ano kaya yun? Aamin na ba syang bading nga sya? Hala! Omjiiii!
"ano yun?" tanong ko ulit.
"i like you." sabi nya ng seryoso.
wait? ano daw? He.likes.me.?
BINABASA MO ANG
my past is my future
RandomRailee Creak fell in love with Sian Blake but he was already married with railee's friend Chloe.