CHAPTER 30: recording

22 0 0
                                    

[dalian mo ah!] sabay baba nya sa tawag.


tss, dalian ko daw ba? eh kakagising ko pa lang! may recording kasi kami ngayon, syempre bukas na yung performance namin nag focus kasi kami masyado dun sa sayaw kaya ito baka hindi kami makakanta ng ayos kaya mag rerecord na lang kami.


hayy.. 8:00 pa lang ng umaga! kay aga aga pa! mamaya pa namang 10:00 yung recording eh! excited kasi tong si Tiffany! pero wala akong magagawa kailangan ko ng mag ayos -.-

------


"dalian nyo! mag papakulay pa ko ng buhok ko!" nagmamadali naman tong si Nathalie! sabagay! 10:00 na din eh.


ang taas ng building na to! paano ba to nalaman  ni Nathalie! nag aartista ba sya? tapos yung kanta namin korean pa! sus! goodluck samin!


"finally! dumating na kayo! let's start." sabi nung isang lalaki na nakaharap sa laptop.


"okay" sagot namin at pumwesto na.


wuuuu! nakakakaba!



"yes! natapos din!" tuwang tuwa si Chloe! paano ba naman! tawa ng tawa kahit kumakanta kami! parang luka luka.


"oh? aalis na ko ha? mag papakulay pa ko ng buhok!" sabi ni Nathalie at umalis na, haha baliw kasi! bakit kasi nag pa pink ng buhok!


"ako din uuwi na mag s-skype pa kami ni Bryan eh! Nath wait lang sabay na tayo!" sigaw nya at tumakbo loko kasi tong si Nathalie! hindi man lang pinansin dire-diretso pa din!


"mall tayo?" pag aaya ni tiffany.


"game!" samantha.


"me too!" sabi ko din.


"sorry tinatamad ako" sabi ni Sidney at ngumiti samin pag katapos ay umalis, bwisit talaga ang babae na yun! napaka kj talaga ng babae na yun!


"tara, hayaan  na natin ang kj na yun!" sabay irap ni Tiffany. hahaha mga baliw nga naman.

my past is my futureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon