<Nathalie's pov>
nakahiga ako ngayon dito sa kama ko 12;00 na, ng tanghali! hay.. katamad
"anak?" tawag ni daddy sabay pasok nya sa kwarto ko.
"aalis na kami ng mommy mo ha? ingat ka dito ha? call us kapag may problem" nagaalalang sabi ni daddy
"hon, kilala mo naman yang anak mo kaya na nya ang sarili nya, hay.. miss ko na yung dati nung baby ka pa? naku naman napaka sungit mo nun! tap--" pinutol na agad ni daddy ang sasabihin ni mommy.
"okay na hon, tara na umalis na tayo ang dami mo pang sinasabi eh!" natawa na lang ako sakanilang dalawa. i wish ganto rin ang magiging asawa ko, yuck! ano ba tong iniisip ko!
"okay mom, dad, ingat kayo!" sabi ko na lang sakanila.
kinuha ko naman ang cellphone ko dahil nag v-vibrate.
"hello? sino to?" bored na tanong ko, unknown number kasi eh.
[tss! ano na? @2:00 pm start na rehearsal natin! bukas na yung event namin pero hanggang ngayon hindi ka umaatend ng rehearsal!] nilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko, kaasar sino ba to! parang babae kung dumaldal!
"ang sabi ko sino ka, hindi sermonan ako!" naiinis na sabi ko, nakaka init ng ulo ang lalaki na to ah! sino ba to!
[hay.. It's kurt, pero ngayon noona si ako to si kevin, please noona, uma-atend ka na, we really need you.] tss, bwisit na mga tao to! sinabi ng ayoko eh!
"tss! saan ba yan!?" tanong ko.
[nandito kami sa school sa gymnasium walang tao dito since sunday ngayon]
"okay, 1 hour" then binaba ko na, tss, ano bang gagawin namin -.-
naligo na ako at nag bihis nag suot na lang ako ng simple lang, tss, katamad mag hanap ng damit eh!
----
"after 10 years! naka punta ka din!" sigaw ni kenrick pag kapasok ko pa lang, so?
"let's start" sabi ni Kurt ng seryoso, ano bang problema ng lalaki na to? sanay ako naman ako na seryoso sya pero hindi ganto, yung kahit seryoso sya nang aasar pa din sya. hay.. hayaan na nga lang sya!
nag practice kami ng mga steps, kung saan p-pwesto, tamang pronunciation buti na lang medyo sanay ako kumanta ng mga korean, tss sabi na eh! itong banda na mga koreano na to hindi man lang kumanta ng english o kaya tagalog!
nakakaasar din yung kanta! tss! bwisit sila! kaasar!
"okay, 6:00 pm na din, goodluck satin bukas, ikaw naman Nathalie" sabay harap sakin ni Kurt tinignan ko lang sya with my bored look saying..
"what?"
"ipakita mo namn na masaya ka sa ginagawa mo! whole practice natin naka simangot ka! kahit fake ngumiti ka naman!" sigaw nya kumarap naman ako at nginitian sya.
"okay na ba to?" tanong ko sakanya at inirapan sya, natahimik naman sya.
"hoy!" tawag ko saknya. pero nakatitig parin sya sakin
"hoy! ewan ko sayo! bahala ka na dyan!" sabi ko at iniwan na sila dun,
"haha, inlove na naman si leader!" sigaw ni kenrick bago ako tuluyang makalabas ng gymnasium.
haha mga baliw talaga, naku naman Nathalie wag na wag ka ngang ngingiti! tss! dapat bored look lang lagi, hayy... performance bukas! hindi naman ako kinakabahan, sanay na ko eh! haha ako pa ba? for sure naman kayo ko yan! go! fighting!
BINABASA MO ANG
my past is my future
RandomRailee Creak fell in love with Sian Blake but he was already married with railee's friend Chloe.