CHAPTER 10: feelings

32 2 0
                                    

"Sian!" sigaw ko dito sa hallway. kaasar ang bingi bingi!

"hay naabutan din kita!" hinihingal na sabi ko ng maabutan ko sya.

"uy! ikaw pala Railee, bakit?" tanong nya sakin.

"uhm... ano.. ah.. sabay na tayo pumasok sa room" nahihiyang sabi ko, ginulo naman nya ang buhok ko at hindi naman yun big deal sakin! hahaha kinikilig nga ako eh!

"sure! tara na" sabay akbay nya sakin, aba! chansing to ha! haha

---

"okay class dahil exam nyo na bukas, half day lang kayo para naman makapag review kayo, i hope na mag re-review talaga kayo ha?" sabi ng adviser namin, sumagot naman kami ng..

"yea ma'am" wuuuuh! yes uwian na! kaso exam na bukas -.- hay.. nakakatamad mag reveiw!

"Railee! sabay na tayong umuwi?" pag aaya sakin ni Sian.

"ha? sure!" sagot ko naman, pag kakataon ko na to! na realize ko ang sinabi sakin ni Nat at ayokong gumising na lang isang araw na wala na ang taong mahalaga sakin.

mahal ko nga si Sian.

nakasakay na kami ngayon sa sasakyan nya, himala nag dala sya ng sasakyan ngayon. oo nga pala pupunta ulit kami sa bahay ni Nat! hehe excited ako na natatakot!

"oh? ito na yung bahay mo" nabalik ako sa realidad ng mag salita si Sian.

"ah, salamat ha? nga pala si Sian may sasabihin sana ko sayo.." waaaahh!! kinakabahan ako!! huuu! kaya mo yan Railee!!

"ano yun?" sabay harap nya sakin, waaaahh!! nahihiya ako! pano ba to!

"ano... uhm.. mahal kita.." sabay yuko ko, namumula na naman ako!! waaaaah!!

nanatili naman syang tahimik kaya napa angat ulit ang tingin ko sakanya, nakatulala lang sya sakin, at parang di makapaniwala,

"hey.. seryoso ko dun, mahal talaga kita," pagkukumbinsi ko sakanya, parang ayaw maniwala eh!

unti unti naman syang ngumiti at niyakap ako.

"hoy pda tayo! sa loob pa ng sasakyan mo!" sabay hampas ko sakanya.

"ngayon alam ko na na hindi ito isang panaginip, so? tayo na?" tanong sabay ngiti ng nakakaloko.

"hoy! manligaw ka muna" sigaw ko sakanya!

"hoy din! matagal na kitang nililigawan" ay? oo nga pala! hahahahha

"o edi tayo na!" napatakip naman ako sa bibig ko.

"haha wala ng bawian! sige na pumasok kana, baka hinahanap kana sa inyo."

nagpa alam na ko sakanya. at walang duda, mahal ko nga talaga sya.

my past is my futureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon