Chapter 07

194 8 2
                                    

ang lakas pa rin ng ulan ano bayan ! nandito lang ako sa harap ng pintuan namin .. mag akyat bahay na lang kaya ako ? akyatin ko sarili kong bahay eh kaso ang taas ehh hindi ko kaya .. Huhu malas naman nu bayan .. napaupo na lang ako sa sahig sa harap ng pinto namin lalo pang lumakas ang ulan haist ano ba naman toh .. medyo sumasakit na ulo ko magkakasakit ako nito ehh waaaah ! napatingin ako bigla sa bahay nila Jhan MArk nandyan na kaya sya ? teka bakit ko ba iniisip yung lalaking yun ? pake ko ba dun ? walang kwenta yun ang dapat kong isipin ay kung paano ako makakapasok sa loob napatahimik ako ng saglit sobrang nilalamig na kasi ako tapos basang basa pa ako ano na gagawin ko ? napayuko na lang ako ng may paparating na motor ang tumigil sa harapan ko tinanggal nya ang helmet nya wow ang Astig haha ! wait si Jhan Mark ?

"ano ginagawa mo dyan ? "Tanong nya sa akin 

"obvious ba ? nagpapabasa sa ulan ng mamatay na !"

"mamamatay ka ba pag nabasa ka sa ulan ? sana tumalon ka sa ilog o kaya mag bigti ka na lang para deretcho patay !"

ayos din toh ahh ! gustong gusto na talaga ako mamatay !

"cheee ! umalis ka na nga bwiset !"

lumapit sya sa akin at hinila ako 

"teka ano bang ginagawa mo ? bitawan mo nga ako !"

"wag ka nang mag inarte !"

hinila nya ako papasok ng bahay nila .. nakatayo lang ako sa pinto kumuha sya ng towel at ibinato sa akin ..

"aray ! "

"punasan mo na yang sarili mo at pumasok ka na ! alam ko namang may katangahan ka na namang ginawa kaya nasa labas ka lang ng bahay nyo !"

aba alam na alam ahh

"makatanga ka naman ! kasalanan ko bang mawala ang susi ng bahay habang naglalakad at mabasa sa ulan ? ginusto ko ?"

"eh tanga ka naman talaga ehh .. haist wala na naman akong choice kundi dito ka patulugin "

"bakit ? ok lang sa akin kahit sa labas ng bahay matulog kahiya naman sayo ehh !"

"wag ka na mag inarte pa ! binilin ka ng nanay mo sa akin alangan namang pabayaan kita TANGA !"

Aray ! Tanga daw

"pagkatapos mo dyan umakyat ka dun sa isang kwarto may mga lumang damit ate ko dun sootin mo muna tapos dun ka na rin matulog ! ikaw na mag asikaso sa sarili mo!"

sabay tayo at walk out ! suplado talaga kahit kailan kala mo kung sino ! umakyat na rin ako at dun ako pumasok sa sinasabi nyang kwarto .. may ate pala sya binuksan ko ang cabinet ay naghanap ng damit ! at ayun nagpalit na ako ansakit ng ulo ko ahh sinisipon pa ako ! letcheng ulan yan ! makatulog na nga !

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.........................

Tik tilaok ! 

nagising ako dahil may manok na nag iingay ! teka may manok ba dito ? ayun pala alarm clock yun kala ko naman totoong manok ! nag Cr muna ako bago bumaba kaso wala pang tao sa baba saan kaya si JHan mark ? umakyat uli ako baka kasi nandun pa sya sa kwarto nya .. kumatok ako pero walang sumagot kaya binuksan ko na at bukas naman ito .. pagkabukas ko walang tao tsk asan na kaya sya ?

wala naman sya kaya may lulook around muna ako dito sa kwarto nya .. sinara ko ang pinto at nagsimulang  mag tingin tingin dito sa kwarto nya .. may gitara sya oppps marunong sya ? tapos may pictures nya , ng family nya at friends .. teka ano kaya tong box na ito ? kinuha ko ang box at binuksan .. may mga gamit ng babae at pictures .

tinignan ko ang mga pictures , sino kaya sya ?  meron na magkasama silang dalawa ni Jhan Mark .. Girlfriend nya ? may Gf sya ? DI nga ? luh ! parang di ako makapaniwala ! sino sya ? tinignan ko ang likod ng picture at may nakasulat na

"I Love you forever My Jhan Mark :)) "

parang nabasag ang puso ko ng mabasa ko ito . dont tell me .. waaaaah ! wait bakit ba ako affected ? wait hindi ako affected pake ko naman kung may Gf sya haist ! binalik ko na ang mga gamit sa box at lumbas kaso saktong paglabas ko nakasalubong ko sya

"uiii !"

"anong ginagawa mo sa kwarto ko ?"

oppps ..

Kidnap my Heart ♥ (SlowUpdate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon