Despised
Isa lang akong simpleng babae
Na may simpleng pangarap.
Iyon ay ang mahalin din ako ng taong mahal ko.
Gagawin ko ang lahat matupad lang ang kaisa-isa kong pangarap.
Pero pano kung ang kaisa-isa kong pina-pangarap ay kinamumuhian ka?
Pano kung ang kaisa-isa mong pina-pangarap ay sinasaktan ka na?
At paano kung ang kaisa-isa mong pina-pangarap ay may MAHAL nang IBA?
At gagawin niya ang lahat para mapasaya niya lang ito? Anong mararamdaman mo?
"Nakakainggit! Sana kahit sandali lang maging kami noh?" yan ang madalas kong hilingin
Pero mukhang may nakarinig yata sa hiling king 'yon!
Kasi nagkatotoo iyon. Pero mas higit pa doon! :))
Kaya lang dahil don mas lalong tumindi ang pagkagalit at ang sakit.
Napasok ako sa relasyong ako lang ang masaya.
SELFISH ko ba?
Alam ko.. At alam kong pinapahirapan ko lang ang sarili ko.
Pero dahil sa paghihirap na iyon, natupad ko din ang matagal ko nang hinihintay.
Ang mahalin niya din ako.
Pero mukhang hindi sang-ayon ang tadhana..
Dahil...
Mukhang..
Huli na ang lahat..
♥
BINABASA MO ANG
Despised
RandomMahal ko siya.. May mahal siyang iba.. Parang masyado nang common ang love story ko noh? Sige ganito nalang.. I love him but, he doesn't like me.. One word that describes me? I'm DESPISED..