Chapter 3!~

19 0 0
                                    

Chapter 3

Kathryn's POV


Tumatawag si mama. Bakit kaya?

"Hello ma?"

"Anaaaaak! Tapos na ba ang klase mo?!"


"Huh? Hindi pa po eh? Bakit po ma?"

"Anak pagkatapos ng klase mo, umuwi ka kaagad ha? Dalian mo, wag ka nang magpatumpik tumpik pa! Karaka-raka anak! Sige yun lang! Byiiee anakis!~"

"Pero ma, ba---"

*toot* *toot* *toot*

Ay, bastos! Babaan daw ba ako? -_-

Pero ano nanaman kayang meron? Ano nanamang kalokohan gagawin ni mama?

One time kasi, nangyari na din to eh. Ay hindi lang pala one time. Many times.

Nung una pinagmadali niya din akong umuwi kasi daw bigla niya nalang akong namiss. Tapos isang beses pa nga pagdating ko umiiyak siya. Nung tinanong ko naman kung bakit, sabi niya nawawala daw kasi yung salamin na binili sa kanya ni daddy, kesyo kanina pa daw siya naghahanap di niya daw makita. Eh suot niya lang naman yung salamin. Tapos nung sinabi kong suot niya yung salamin, bigla nalang tumakbo sa kwarto at nagsisigaw ng "Waah! Nakakahiya! HOMAYGAS!"

Oh diba? Hay nako! Ulyanin. Matanda na kasi eh. Haha

Pero kahit ganun 'yon, mahal na mahal ko yun!

Pero anong kalokohan nanaman kaya ang gagawin niya this time? Hmm

Ay teka, mamaya ko na iisipin yan. Nakakaramdam ako ng tawag ng kalikasan eh. Nawiwiwi ako.  Buti na lang at nandito na ako sa banyo kaya pumasok na ako sa isang cubicle.

Palabas na sana ako ng cubicle kaya lang nagulat ako sa mga babaeng kinikilig na pumasok ng banyo. At siyempre dahil ang banyo ang lugar kung saan laging may nadidiskubre ang mga babaeng bida sa mga nababasa or napapanuod ko, napagpasyahan ko na ding makinig. Haha. Paki niyo ba. Feeling bida ako eh.

"Ang swerte talaga ni Julia no?" G1

"Oo nga eh. Ang ganda niya na nga, nasa kanya pa ang pinakamamahal nating si Daniel. Huhu" G2

"Ang sweet talaga ni Daniel no? Ang suwerte nung babaeng papakasalan niya no?" G3

"True! Ang swerte ni Julia sa kanya." G1

"Ang sabihin mo, ang swerte nila sa isa't-isa." G2

"Malay mo hindi sila ang magkatuluyan. Di natin masasabi girls." G3

"Sabagay!" G1 at G2

"Haay, Kayo talaga! Tara na nga! Baka ma-late pa tayo sa next class natin." G3

DespisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon