Kathryn's POV
And in this crazy life, and through these crazy times
It's you, it's you, You make me sing.
You're every line, you're every word, you're everything.
You're every song, and I sing along.
'Cause you're my everything.
Yeah, yeah
So, La, La, La, La, La, La, La
So, La, La, La, La, La, La, La, La, La, La, La!~
Lalalalala!~
Ano ba 'yan! Ilang kanta na ang natapos at wala pa rin ang magaling kong kaibigan!
Aish! Sabi niya kanina andito na daw siya. Ako naman etong si tanga, naniwala! Di pa ko nasanay.. Super nagmadali pa naman ako!
Di pa nga ako nakakain ng maayos eh! Ugh!
Puti na ang mga mata ko! Susme!
Ano pa bang magandang gawin bukod sa pagsa-soundtrip?
Magbasa? Maglaro? Magpakilala?
Ok. Tutal wala pa naman si Julia, magpapakilala na lang muna ako sa inyo.
Ako nga pala si Kathryn Bernardo. Kaka 18 ko lang last March 26.. May bestfriend ako. Siya si Julia Montes. Mabait, maganda, matalino,simple.
Simple lang naman din ako.
Simpleng estudyante. Simple sa pananamit. Simple sa lahat ng bagay!
Naniniwala ako sa tadhana. Naniniwala ako na may isang tao talaga na ginawa ang Diyos para sa atin.
Dati naman talaga hindi ako naniniwala sa mga ganyan eh. Kasi ang paniniwala ko dati, tayo ang gumagawa ng kapalaran natin.
May kasabihan nga tayo, Nasa tao ang gawa, Nasa Diyos ang awa. Diba?
Pero dahil nahilig akong magbasa ng mga stories sa Wattpad, ayun! Naniwala ako bigla sa tadhana.
Tsaka nung nakilala ko din siya. Ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Charot lang! Haha
De pero seryoso. Na-love at first sight nga ata ko sa kanya eh.
Gusto niyo malaman kung sino siya?
Siyempre secret ko nalang 'yon!
At siyempre ulit joke lang 'yon! Kahit naman kasi di ko sabihin, malalaman at malalaman niyo din yun eh.
Kaya sige! Sasabihin ko na!
Siya ay si---
"Twin!"
"Ay Peklat!" nagulat ako nang biglang may sumakay sa likod ko. "Ano ba naman yan Julia! May sa kabute ka din minsan eh noh?" Naputol pa tuloy ang malalim na pag-iisip ko! Ay! Hanudaw? Haha
"Sorry Twin! Kanina ka pa dito?"
"Oo! Puti na nga ang mga mata ko kakahintay dito eh! Bakit ba kasi ang tagal mo?"
"Sorry Twin! Na-traffic kasi ako eh!"
"So ano? Laging may traffic sa inyo, ganun? Aynaku talaga! Di tuloy ako nakakakain ng maayos dahil sa'yo!"
"Sorry na Twin! Hayaan mo ililibre nalang kita mamaya!"
"Osige na nga! Pasalamat ka--- OMayGash! O_O Twin!" Ay! Dumating na siya! Ang pinakamamahal kong si Daniel Padilla! Kyaaah! Ang pogi niya talaga!
BINABASA MO ANG
Despised
RandomMahal ko siya.. May mahal siyang iba.. Parang masyado nang common ang love story ko noh? Sige ganito nalang.. I love him but, he doesn't like me.. One word that describes me? I'm DESPISED..