Tawagin nyo na lang akong Mhee. Im just an ordinary girl. Short but not too fat. Chubby pa lang to oyy kaya nga nagpaplano ng magpapayat. Yun lang hanggang plano pa lang. . Pero. . Dadating din tayo diyan. Kung di niyo naitatanong sexy kaya ko dati. Witwiw!!
Kaso sa kasamaang palad nadepress ako. Kaya ayun nagstress eating alam nyo na. . Mas ok tiisin yung hindi ka makahinga sa sakit ng tyan kesa yung hindi ka makahinga dahil sa sakit sa puso. .
Hmmmm. . Drama! Oo madrama kong tao na minsan naman kengkoy. . Ewan hindi ko na alam gusto ko lang naman ishare kung ano yung nasa utak ko kung ano yung nararamdaman ko para naman hindi laging sarili ko yung kausap ko di ba? Mahirap yun hahaha
Anyways. . Im already in mid 20's wag niyo ng alamin yung exact age mukhang bata pa naman ako e. . Mukhang 16 haha sige ipush wag na kayong kumontra. .
I already fullfill some of my dreams yung makatapos ng pag.aaral. Proud akong sabihing working student ako. Hindi madali, mahirap. Yung tipong kahit pagod at puyat galing sa work magrereview ka pa dahil my midterm and final exam. Kahit na inaapoy na ng lagnat papasok pa din sa trabaho dahil wala kang gagamitin pambaon at pang-gastos pag di ka nagtrabaho. Sayang pag-umabsent kaltas sa sweldo. Siguro kung hindi lang sa tulong ni God hindi ko maaabot to ehh. Hindi ako makakatapos kaya Thank you po sa lahat ng pag-alalay mula noon at hanggang ngayon.
Isa pang pangarap ko, maging crew sa jollibee. Oyyy wag niyo ko tawanan ang hirap kayang mag-apply dyan nakatatlong try pa ko bago matanggap haha. Well hindi madali a mahirap. . Dyan ata ako natutong maging plastic kung minsan. . Minsan lang naman, alam nyo kung bakit?? Kasi kahit inis na inis ka na dun sa customer na sobrang arte akala mo personal julalay ka nya kung makautos, e isang meal lang naman ang order niya haaaay kaloka!! Dahil customer no choice ka teh kundi ngumiti at sabihing enjoy your meal Ma'am/Sir!! Kahit na ikaw mismo gutom na masusungitan pa. .
Going to the next dream I fullfill. Being a Cashier/sales lady. Ang gaganda at sesexy kasi nilang tignan kaya pinangarap ko din yung ganong klase ng trabaho isa pa parang gusto kong magbilang ng maraming pera kahit hindi naman sakin.
Pinangarap ko ding magtrabaho sa isang mataas na building, magkaron ng sariling table at computer di ba ang sosyal!!
Lahat ng iyan naabot ko at naranasan ko. . Marami pa kong gustong gawin alam ko wala namang imposible magagawa ko din yung mga yun unti-unti lang.
Isa lang talaga yung nabigo ako. Yung inakala ko na magkakaron ako soon walang imposible at sigurado yun pa yung wala ako. Taas ng fighting spirit ang ganda ko eh hahaha
Nakakatawa at nakakaiyak baka dalawang beses na kong magbirthday ng 16 baka wala pa din. Narealize ko na ito ata talaga ang imposible. Wala sa hinagap ko na mag-iisip ako ng ganito nakakaloka!
Ako kasi yung tipo ng taong naglalagay ng timeline sa mga pinapangarap. Yung mga pangarap ko na iyan na delay man hindi naman nagtagal, pero ito? Ayoko pang mawalan ng pag-asa pero parang malapit na. .
Noon choosy na kung choosy bata pa ko e. Ang atensyon ko ay para lang sa taong gusto ko pero syempre priority ang pag-aaral, mabilang naman siguro ko sa masunuring anak at mag-aaral.
Sabi ko sa sarili ko at the age of 18 siguro pwede na kong magboyfriend with matching kilig pa ko habang iniisip yun.
Pero anyare teh?? Petsa na?? Nahinto na nga ko sa 16 e wala pa din. . Masaklap ang buhay pag-ibig ko mga teh pakunswelo na lang na may maganda kong career. Ganon daw ata yun e hindi ibibigay sayo ang lahat. Kaso gusto ko pa din naman magkapamilya yun ang highlights ng pangarap ko e. Kung baga sa story yun ang climax. .