My first real relationship.
Hindi katulad ng relasyong pinapangarap ko. Hindi long courtship. . Para lang akong tumalon sa malalim na lawa kahit na alam kong hindi ako marunong lumangoy.
Kako bahala na. Nagsimula man sa mali dahil hindi ko naman siya mahal pipilitin kong gawing tama. Lahat ng nararamdaman kong pagmamahal ay ibubuhos ko na lamang sa kanya.
Para hindi niya maramdaman na rebound siya. Para maramdan niyang mahalaga siya sakin.
I tell him everything wala kong tinago. Kasi iniisip ko kung sakaling alam niya lahat ng nakaraan ko iingatan na niya na hindi ako masaktan.
I did my best. To be the best girlfriend for him. Were in a long distance relationship and I make a way to keep in touch. Parang huling baraha ko na to e.
Pero wala pa din he's far yet his too far. .
Oo alam kong malayo. Pero hindi naman ako pumalya. Ako na nga gumagawa ng paraan para magkausap kami araw-araw. I want to make things right.
Pero parang ako na lang. Parang pinipilit kong buksan yung pintong wala naman akong susi. Na kahit anong gawin mong katok hindi ka pagbubuksan. Basta ang alam ko lang pinto yon.
Gets nyo ba? I open everything to him pero ako bintana lang yung binuksan niya para sakin. I cant see whats inside. I dont know what he think or what he feel.
Kahit pala ginawa mo na yung best mo yung makakaya mo wala pa din. . Hindi pala sapat yung ginawa mo lahat. Hindi sapat yung ikaw lang dapat parehas kayo.
Ako na lang pala yung pilit na humahawak pero siya matagal ng bumitaw.
Whats wrong with me? Why they always hurt me? Hindi ba ko kamahal mahal na tao? Am I not enough?
Nagmahal naman ako ng buo pero bakit ganon? Bakit? Paulit-ulit kong tinatanong sa isip ko yan.
Im searching for an answer. .
Bakit hindi ako maging masaya ng lubos? Ano ang kulang? Anong mali? Anong dapat baguhin?
Hanggang sa isang araw nakausap ko ulit yung tinuring kong kaibigan. .
Sabi niya ang sarap ko daw kasing lokohin dahil masyado daw akong mabait. Ang sarap kong tangahin.
Grabe after kong magmahal yun ang isusukli nila sakin. Sasaktan na lang nila ko ng ganon.
Ang unfair sobrang unfair.
So I stop. I should learn now. Marami din naman akong natutunan.
Masasabi kong mas matibay na ko ngayon. Sa ilang beses na pagkabasag ng puso ko tumibay na din sa dami ng pandikit na ginawa ko.
Its much better to expect the worst than hoping for the best.
I know better now.