Day 5
" Paalam "
Iisang salita pero malalim ang ibig sabihin. Minsan eto yung salitang mahirap bigkasin lalo na sa taong ayaw mong iwan at ayaw mong pakawalan.
Salitang nagiging hudyat upang matapos ang isang relasyon na kay tagal mong iningatan. .
Mahirap magpaalam sa taong nakasanayan mo ng palaging nasa tabi mo.
Mahirap magpaalam sa mga kaibigang nakasama mo sa hirap at saya
At mahirap magpaalam sa taong minahal mo at minahal ka.
Maaaring ito na ang wakas ng kung anomang pinagsamahan niyo sa buhay.
Kung maaari lang na hawakan mo pa ito ng mahigpit. Kung pwede lang na manatili na lang kayo sa kung anoman ang meron kayo. Gagawin mo wag lang siyang mawala kundi manatili sa tabi mo.
Wala naman kasing forever. Walang happily ever and after.
Lahat ng bagay, tao man, hayop o sitwasyon dadating sa hangganan niya.
Ang bagay nasisira, humahantong sa kanyang pagkawasak kahit gaano mo pa ito ingatan.
Ang mga may buhay may kamatayan.
At ang mga pinagsamahan ay may katapusan.
Wala tayong magagawa kung dumating na yung katapusan.
Ang tanging magagawa mo lang ay umiyak at tanggapin na wala na.. na tapos na.
You dont have a choice but to move forward. Buhay ka pa at kailangan mong magpatuloy sa buhay. . .
Ano man yung natapos, Ano man yung nawala. .
May panibagong simula at panibagong makikita.