Taong Kasalukuyan, Zombie Day 120 +2200 Hours,
"Kyle, ano'ng visuals diyan?" tanong ko kay Kyle habang nakikipag-usap ako sa kanya gamit ang aking two-way radio.
"May limang taong nagbabantay diyan sa mismong likod ng pader ng compound. Looks like busy sila sa pakikipag-usap sa isa't-isa," sagot naman niya. "Walang nagmamasid sa gate maliban sa tatlong guwardiya na nasa mismong guard tower."
"Magagawa mo ba silang patumbahin?" tanong ko.
"Kaya kong patayin ang dalawa mula dito. However, 'yung isa ay medyo natatakpan ng dingding ng mismong tower kaya imposible siyang maasinta dito sa kinatatayuan ko," sagot naman niya.
"Ako na ang bahala sa isang 'yon," sagot ko habang sinisipat ko ang guwardiyang tinutukoy niya mula sa kinatatayuan ko. "Kitang-kita ko siya mula dito."
"Sige. Pagkatapos ko sa dalawang 'yon ay isusunod ko naman ang limang bantay sa likod ng pader. Awaiting your orders," sabi niya.
"You have my approval. Do it," utos ko sa kanya habang inaasinta ko naman ang bantay na bahagyang nakatago sa dingding.
Mga ilang saglit lang ay magkasunod na natumba ang dalawang bantay sa guard tower gawa ng head shots ni Kyle. Pagkatapos naman noon ay ang pagbagsak ng mga bantay sa likod ng pader. Hindi na rin nakabangon pa ang ikatlong bantay gawa na rin ng tinamo niyang head shot mula sa rifle ko.
"Woah. Ang galing ng kinakapatid mo, Ma'am," sabi sa akin ni Angie habang papasok kaming dalawa sa compound. "Nagawa niyang pabagsakin ang mga iyon sa loob ng, erm...ten seconds?"
Napangiti naman ako sa kanya. "Actually ay sinunod ang pangalan niya sa pinakamagaling na SEAL sniper sa American Military History na si Chris Kyle," sabi ko. "By the way, Christine Kyle ang buong name niya, though ayaw niyang tinatawag siya sa buong pangalan niya."
"Ah...kaya pala..." sabi pa ni Angie nang bigla namang sumabog ang lugar na kinaroroonan ni Kyle gawa ng mortar fire sa naturang gusali.
"Kyle!!!" sigaw ko nang bigla naman kaming pinaulanan ng bala ng mga hindi nakikitang kalaban mula sa lahat ng dako. Agad naman kaming naghanap ng cover ni Angie.
"Hindi magagawang makatagal ng cover na 'to, Ma'am," sabi sa akin ni Angie habang nagtatago kami sa mga crate na nasa harap ng compound. "Kailangan nating makaalis dito," sabi pa niya kasabay ng kanyang paghagis sa dalawang smoke grenade mga ilang metro lang ang layo mula sa amin.
Agad namang kaming tumakbo habang pumapailanlang ang makapal na usok na gawa ng smoke grenade sa paligid kaya nagawa naming makatakas sa tiyak na kamatayan. Papaalis na sana kami para rumesponde kay Kyle nang biglang may pumalo ng shotgun sa mukha ni Angie sa dakong tinakbuhan namin, dahilan para bumagsak siya sa lupa habang dumudugo ang kanyang ulo.
Walang kaabug-abog ay agad ko namang binaril sa ulo ang lalaking gumawa noon sa kanya bago ako lumapit kay Angie. "Angie, gumising ka!" sabi ko sa kanya habang niyuyugyog siya. Pero imbes na kumilos ay animo'y lantang gulay siya habang nakadilat ang dalawang mata niya. "Angie..." sabi ko pa kasabay ng paglabas ng mga armadong lalaki mula sa pinagtataguan nila habang nakatutok ang kanilang mga baril sa akin. Wala akong nagawa noon kundi ang yakapin siya habang umiiyak.
Nang makalapit na sa akin ang mga lalaki ay agad nila akong hiniwalay kay Angie kasabay ng pagkuha nila sa mga gamit ko. "Wala kayong gagawing masama sa kanya. Boss needs her," sabi pa ng pinuno nila.
"Ano naman ang gagawin namin sa isang 'to?" sabi naman ng isa pang lalaki habang tinatabig niya si Angie gamit ang sapatos na suot niya.
"Pabayaan na lang ninyo ang isang 'yan. Sa estado niyan ay mamamatay na rin 'yan mamaya," sagot naman ng lalaki. "Let's return to base. Malalim na ang gabi."
BINABASA MO ANG
Undead Chaos: Vendetta (UC Book #3)
Science FictionLEGAL DISCLAIMER: All characters in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead (and in this particular case, UNDEAD), is purely coincidental. "Ngayon ang pinakamasaklap na araw sa buhay ninyo. Wala na nga talaga ang B...