Epilogue: Missions and Realizations

78 7 0
                                    

Taong Kasalukuyan, Zombie Day 234 +0630 Hours,

"Nandito ka lang pala, Bhezt. Kanina ka pa hinahanap ng Pangulo, eh," sabi ni Khriz kay Edward habang nakatayo siya at tumitingin sa tabing-dagat sa may dulong bahagi ng Cagraray Island.

Nilingon naman siya ni Edward. "Bakit? Kanina pa ba siya nandito, Bhezt?" tanong sa kanya nito.

Napangiti naman siya. "My bad. What i mean is, tumawag siya kanina kaya ka niya hinahanap," sagot niya. "Himala. Hindi ka yata naka-uniform ngayon?" tanong niya dito.

Umiling naman ito. "Medyo ini-enjoy ko lang muna ang kapayapaan ngayon. That's why naka-civvies ako," nakangiting sagot nito sa kanya. "Eh ikaw? Mukhang hindi ka na nagpapahinga, ah. Baka mamaya, ikaw na ang sumunod niyan kay Angel gawa ng pagpapakapagod mo," puna naman sa kanya nito.

Napakibit-balikat naman siya. It's been forty days magmula nang mamatay si Angel doon sa Cyprus. Hindi man napag-uusapan ang bagay na 'yon ay halata namang devastated pa rin ang lahat dahil sa nangyari. "Lahat naman tayo, nagpapakapagod, eh," depensa niya.

Tiningnan naman siya nito. "Alam ko rin naman 'yan, Bhezt. It's just that, ikaw kasi...hindi ka na halos nagpapahinga, eh," sabi sa kanya nito. "Obvious naman na lubhang naapektuhan ang lahat nang dahil sa nangyari sa kanya. Pero kung patuloy nating iintindihin 'yon, hindi malayong sumunod na tayo sa kanya one of these days. At kapag nangyari 'yon, sino na ang magtatanggol sa mga taong naiwan?"

"Alam ko naman 'yun, eh," sagot niya. "Pero tao din naman ako, eh...nakakaramdam din ako ng panghihina, kahit na ang tingin ninyo sa 'kin eh, ang lakas-lakas ko," dagdag pa niya.

Seryoso namang tumingin sa kanya si Edward. "Precisely, Bhezt. Kahit kailan, hindi kita tiningnan bilang isang superhero kaya nga naninibago ako sa ginagawa mong pagsasarili sa problema mo, eh," sabi naman nito. "I just wanted you to know na nandito lang kami, including me, para makinig sa'yo at sa mga saloobin mo. After all...we're just mere human beings right before we even became soldiers," dagdag pa nito.

Hindi na niya tuluyang napigilan pa ang pagluha sa sinabi sa kanya ni Edward. "Bhezt...ang sakit-sakit pa rin talaga, eh. N-nap-napakasakit maramdaman n-na w-wala akong m-magawa kundi ang panoorin siyang mamatay," sagot niya dito habang nakayakap siya at humahagulgol. "T-tapos 'yung tingin niya sa 'kin, p-para akong dinudurog kasi...kahit na wala akong magawa eh, parang tuwang-tuwa at hangang-hanga p-pa r-rin siya s-s-sa akin. Feeling ko t-tuloy, b-binigo k-ko s-siya," dagdag pa niya.

Hinaplos naman ni Edward ang buhok niya habang tahimik siyang nakayakap dito at naglalabas ng mga hinaing niya. Bagama't hindi ito umiimik ay ramdam na ramdam naman niya ang suporta at pag-aalala sa kanya nito. Doon niya napagtanto na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila, patuloy pa rin ito sa pagiging isang matalik na kaibigan sa kanya.

I'm gonna die. Edward's gonna die. We're all going to die. However, it's not yet time for us to die. Not until peace and order are restored. And certainly not until we enjoy peace and order once again, naisip niya.

***

Sa kabilang banda naman, sa isang classified location...

Kasalukuyang bitbit ng lalaking nakasuot ng specialized battle gear, ang mismong lalaking tumulong kay Khriz na pumunta sa Cyprus Base, ang metal case na bitbit ni Samuel Olivier noong papatakas ito. Papaalis na kasi sana siya ng base noon nang makita niya ang metal na tumalsik malapit sa pinagbagsakan ni Olivier.

Buti na lang at hindi ito naisipang kunin ng kahit na sino sa kanila, naisip niya habang naglalakad papunta sa lugar na pinag-usapan ng kliyente niya.

Mga ilang minuto pa ang mabilis na lumipas...

"Good job. Here's your pay, then," sabi sa kanya ng kanyang kausap, na siyang kumuha sa metal case na bitbit niya at ibinigay sa kanya ang isang attache case na naglalaman ng perang napag-usapan nila. Pagkatapos noon ay sumakay na ito sa kotse at kaagad na umalis.

Pag-alis ng lalaking nakipagkita sa kanya ay agad niyang binuksan ang attache case at binilang ang pera. Pagkatapos niyang makumpirma na walang kulang doon sa halagang napag-usapan nila ay agad naman siyang sumakay sa kanyang Humvee at mabilis ding umalis.

Habang nagmamaneho ay may tinawagan naman siya sa kanyang cellphone. "Things are still okay here so far," sabi niya sa kanyang kausap. "How are you holding up there?" tanong pa niya dito.

"Well...we've experienced much worse, Noir," sagot naman sa kanya ng kanyang kausap habang binabagtas ng kanyang sasakyan ang mainit na daan patungo sa pinakamalapit na airport.

Just like the others, deserving din ako na magkaroon ng medyo mahaba-habang bakasyon, sabi niya sa kanyang sarili.

*** This is the End...for now. ***

Undead Chaos: Vendetta (UC Book #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon