Taong Kasalukuyan, Zombie Day 194 +0320 Hours,
"Be careful, everyone. Hindi natin alam ang posible nating makaharap sa lugar na 'to," sabi ko kina Joshua, Mosqui at Angie habang umiikot kami sa loob ng baseng pinagtataguan ni Dr. Rosseau sa Paphos, isang siyudad sa bansang Cyprus.
Kasabay ng pagkakatuklas nina Lieutenant Emilou na ang pinagkukutaan ng grupo ni Olivier ay nasa Freetown, Sierra Leone, nabanggit din sa akin ni Rhea ang tungkol sa base ni Dr. Rosseau sa Cyprus. At dahil na rin sa hinala kong susundan siya ni Olivier para nakawin ang Sigma Virus mula sa kanya ay nagdesisyon akong doon kami pupunta.
"Mukhang masama ang pakiramdam ko sa lugar na 'to, ah," sabi ni Mosqui habang naglalakad. "Kanina pa tayo naglalakad pero wala pa rin tayong nakakasalubong na kahit sino o ano. Kahit na mga zombie, wala."
Walang mga zombie. This means that this place is well-guarded. Buti naman, naisip ko. Medyo nagsasawa na rin kasi akong makita sila sa lahat ng dako, eh.
"Ma'am Angel, tingnan ninyo," sabi naman sa akin ni Angie sabay turo sa isang dako.
Napalingon naman ako sa dakong tinuturo niya. Doon namin napansin ang mga bangkay na pawang nagtamo ng mga head shot, kasabay ng masamang kutob ko, isang kutob na may nagbabadyang panganib sa aming apat...
"MAGTAGO KAYO!" sigaw ko agad sa kanilang tatlo. Kasabay ng pagtago naming apat ay saka naman nagliparan ang mga bala mula sa iba't-ibang dako papunta sa amin. Dahil na rin sa sobrang dami ng mga balang nagliliparan ay sinenyasan ko sina Mosqui na magtago lang at maghintay nang tahimik.
"Nice reflex you've got there, Agent Angel," narinig kong sigaw sa akin ni Samuel Olivier. "But how long will it last?" tanong niya.
"Well...it's gonna last for as long as i want to, i guess," sagot ko naman sa kanya pabalik.
Humalakhak naman siya habang abala naman ang kanyang mga kasama sa pagsunod sa mga sinesenyas niya. "The truth is, i'm not surprised that you're gonna pursue Rosseau in this God-forsaken place, now that you already know that she has the viral samples along with her," sabi niya. "I'm sorry to tell you this but Rosseau's already dead and i have obtained some viral samples then destroyed the rest," dagdag pa niya.
Pasimple naman akong sumenyas sa mga kasama ko na maghanda. "Actually, i'm not here for the virus that Dr. Rosseau has, Mr. Olivier," sagot ko. "The truth is...i'm here because of you," sagot ko naman sa kanya. Kasunod noon ay sabay-sabay kaming lumabas na apat at agad silang pinagbabaril.
"KILL THEM! KILL THEM ALL!" utos naman ni Olivier sa mga tauhan niya, na sunud-sunod namang nagbagsakan na parang pinagpatung-patong na mga baraha. Binalak nila kaming ikutan noon mula sa likod pero sinenyasan ko sina Mosqui at Joshua, na agad namang pinagbabaril ang mga iyon. Kasunod noon ay biglang namatay ang mga ilaw, na mas lalo namang nagbigay ng combat advantage sa aming apat.
"D****t! USE YOUR NVGs, IDIOTS!" narinig pa naming sigaw ni Olivier pero agad namang inikutan nina Joshua at Mosqui ang mga kasama niya at pinigilan ang mga iyon sa gagawin nila.
Dahil na rin sa alanganin ang lagay nila ay nakita ko namang tumakas si Olivier kasama ng dalawa pa.
"Ma'am Angel! Huwag po ninyo hayaang makatakas si Olivier!" paalala sa akin ni Angie habang nakikipagbarilan kaming dalawa. "Sundan na po ninyo siya! Madali kayo!"
"Hindi ko kayo puwedeng iwan dito," sabi ko naman.
Ngumiti naman si Angie. "Kami na'ng bahala sa mga 'to, Ma'am Angel. Kayang-kaya na namin silang lahat," sagot niya sa akin. "Susunod kami sa'yo pagkatapos namin dito," dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Undead Chaos: Vendetta (UC Book #3)
Science FictionLEGAL DISCLAIMER: All characters in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead (and in this particular case, UNDEAD), is purely coincidental. "Ngayon ang pinakamasaklap na araw sa buhay ninyo. Wala na nga talaga ang B...