Taong Kasalukuyan, Zombie Day 124 +0000 Hours,
Inaasikaso noon si Girlie ng Medical Team na rumesponde sa kanya sa loob ng Operating Room nang bigla siyang magising...
A-ano'ng nangyayari dito? Tanong niya sa kanyang isip habang nakahiga siya sa operating table. N-nasaan ako?! Tanong pa niya sa sarili habang nagpupumilit siyang kumilos.
Agad naman siyang nilapitan at hinawakan ng dalawang nilalang na may kakaibang itsura sa magkabilang braso niya. "Kumuha kayo ng restraining equipment! Madali kayo!" narinig niyang sigaw ng isang lalaki.
"GUSTO MO BA AKONG MABINGI LALAKI KA!" sigaw niya. "SISIGAW KA NA LANG, SA MISMONG TAINGA KO PA?! Saka para saan ang restraining equipment?" tanong pa niya.
(A/N: Sa totoo lang ay wala naman talagang sumisigaw malapit sa tainga niya. Dahil na rin sa unti-unti na siyang nagiging zombie, lumalakas na rin nang paunti-unti ang kanyang pandinig.)
"Girlie, please lang, kailangan mong makipagtulungan sa amin kung gusto mong gumaling," narinig niyang sinabi sa kanya ng isa sa mga nilalang na may kakaibang itsura.
Nakilala naman niya ang boses. "Doctor Santos, i-ikaw ba 'yan? A-ano'ng nangyari sa mukha mo?" tanong niya sabay lingon sa iba. "B-bakit magkakamukha kayo? Saka bakit kailangan kong gumaling?" sunud-sunod niyang habang patuloy na naguguluhan.
Sinagot naman siya ng nilalang. "Huminahon ka lang, Girlie. Hayaan mo muna kaming gawin ang trabaho namin," sabi sa kanya nito.
Sinunod naman niya ang sinabi nito. Habang nakahiga ay nahawi naman ang kurtina ng bintana ng Operating Room, dahilan para makita niya ang dalawa pang nilalang na may dalang stretcher habang sinusundan ito ng isa pa. At sa loob noon...
May patay na naman pala dahil sa nangyaring zombie attack kanina. Kawawa naman sila, naisip pa niya nang nakita niyang gumalaw ang babae na nasa stretcher. Sa pagkagulat niya ay nakita niya ang pangatlong nilalang na may binunot na kutsilyo sa kanyang tagiliran at sinaksak ang babae sa mismong ulo nito.
"HINDI!!! BAKIT MO SIYA PINATAY?!" sigaw niya nang paulit-ulit hanggang sa may naramdaman siyang tumusok na karayom sa kanyang kaliwang braso, dahilan para makaramdam siya ng pagkahilo. Pero bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay may nakita siyang isang pamilyar na mukha sa loob ng operating room, mukha na pagmamay-ari ng isang babae na hindi niya akalaing makikita pa niya...
"Patrice..." sabi niya dito. Ngumiti naman ito sa kanya. Bagama't nahihilo na talaga siya sa sobrang antok ay malinaw pa rin niyang narinig ang mga sinabi ng kanyang namatay na bestfriend...
"Don't worry, Girl. Magiging maayos na ang lahat pagkagising mo," sabi sa kanya nito.
Pagkarinig sa sinabi ng kanyang matalik na kaibigan ay nginitian din niya ito, bago siya tuluyang nawalan ng malay.
***
Pagkalabas ni Dr. Santos Rosales sa operating room ay agad naman siyang sinalubong ng Pangulo at pati na rin nina Nicole, Jay-r, Rhea at Lieutenant Emilou...
"Dr. Santos, kumusta na si Girlie?" tanong ng Pangulo.
Napabuntung-hininga naman ito. "Nagawan na namin ng paraan upang mapigilan ang pagdurugo ng pulso sa kanang braso niya," sagot nito sa kanya sabay lingon kay Joshua. "However, ang kasama ninyong doktor na si de Martin lang ang makakasagot kung gumana ba kay Girlie ang bakuna o hindi," dagdag pa nito.
"Isang medical doctor si de Martin ng Elijah Unit?" tanong niya.
Tumango naman ito. "Yes, Ma'am. Ipinakita niya sa 'kin ang kanyang medical license nang pumasok sila ng kasama niya sa loob ng operating room. Looks like nagpa-practice siya ng medicine sa U.S. bago nangyari ang lahat ng 'to," sagot nito. "And since legit naman ang kanyang proof, siya na ngayon ang nagsasagawa ng exams kay Girlie, given na mas expert siya sa larangang 'to."
BINABASA MO ANG
Undead Chaos: Vendetta (UC Book #3)
Science FictionLEGAL DISCLAIMER: All characters in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead (and in this particular case, UNDEAD), is purely coincidental. "Ngayon ang pinakamasaklap na araw sa buhay ninyo. Wala na nga talaga ang B...