Chapter 2: Everybody Hurts

462 14 0
                                    

Chapter 2: Everybody Hurts

"Just when you thought it was all good, someone just has to come crashing down on your walls. Leaving you unprotected."

-Writress

***

"Hindi ka pa ba matutulog? We still have classes tomorrow, kiddo."

Umiling ako kay Noctis. "Hindi ka pa ba aalis? Baka isipin nilang ni-rape mo na ako dito."

Huminga siya nang malalim at saka lumakad papalapit sa'kin. Nakaupo kasi ako ngayon sa kama. Kagagaling lang namin sa Tarlac, kung saan namin pinatay ang iba pang mga miyembro ng Black Empire kanina. Sina mama nasa baba lang, nanonood ng TV.

I was taken aback when Nightmare placed a hand on my cheek.

Napatingin ako sa kanya, and again, I was drowned by those enchanting dark orbs.

Ang amo ngayon ng mukha niya. Hindi mo aakalaing nakapatay siya kanina.

He smiled, "Hindi mo pa ba ako sasagutin? Para naman malaman mong hinding-hindi kita pagsasamantalahan. May respeto ako sa'yo, Jasmine."

My heart skipped a beat. Alam niyo yung pinakanakaka-touch? The fact that he's trying to be the perfect guy, pero ang hindi niya alam, he's more than perfect to me.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakalapat sa pisngi ko at pumikit. I need to feel this moment.

"Noctis, hindi mo na kailangang patunayan. Dahil alam kong nirerespeto mo ako.. that's what I like about you."

Pagbukas ng mga mata ko, I saw him leaning down on me. Pakirandam ko nagtutubig na naman ang gilid ng mga mata ko lalo na noong hinalikan niya ang noo ko.

Ang sarap sa pakiramdam.

"As much as I want to sleep beside you tonight, magagalit sina daddy sa'kin dahil hindi ako nakapagpaalam." Tapos ay tumawa ito ng bahagya. I smiled at him. Mabuti naman talaga at mababait din ang umampon sa kanya.

"Sunduin mo 'ko dito bukas?" I asked, hopeful.

Pero imbes na sagutin ang tanong ko, he just winked at me and patted my head. Then, lumabas na siya ng kwarto ko through the window.

Napapailing ako. Well, he's Noctis. Somethings will just never change.

Tumayo ako at sinilip ang wallclock. It's 11:30 pm. Wala ba akong planong matulog. Hindi pa ako inaantok...

I looked at my wrist. Yung bracelet.

Yes, this is still that piece of jewelry he gave me noong mga bata pa kami. Noon, he's my savior. He promised to protect me, and believe me he did...

Slightly.

Why?

Simply because,

"Hindi niya ako papo-protektahan sa sarili ko." Hindi ko na namalayang, nakaharap na pala ako sa salamin. Unti-unting bumalik sa akin ang mga masasakit na ala-ala.

It's been a year since all those crap happened to me.

Oo, ganun katagal na ang lumipas pero nasasaktan pa rin ako kada makikita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ganun na rin katagal akong nililigawan ni Nightmare. Actually, graduate na kami ng high school. We're already in college at parehong kurso din ang kinuha ni Noctis aside from going to the same school as I do. Business Ad.

Anyway,

I felt tears rolling down my eyes again.

Paano ba naman kasi, nandito pa rin ang pilat ng nakaraan? At oo, isa na ako ngayong gangster. Sumali ako sa Dark Roses nang makarecover ako noon from my trauma.

~

"I want to be a gangster."

Nang sabihin ko yun, ay agad na nanlaki ang mga mata ni Nightmare. Anong mali sa sinabi ko? Wala naman yata. After a few seconds, he asked me, "Bakit?" Seryoso siya nun, pero ngumiti ako.

"Bakit, masama bang gustuhing maprotektahan ang sarili? Baka mamaya niyan balikan ako nila Lee, di ba? Atleast may laban na ako the next time na babuyin nila ako----"

"JASMINE! Wag ka ngang magsasalita ng ganyan! I won't let that happen to you again, okay?! So, just stop it. Stop saying nonsense...hindi mo na kailangan pang protektahan ang sarili mo dahil nandito lang ako. Ako ang po-protekta sa'yo. I promise."

He gripped my shoulder at diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya, pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong umiyak.

I cried, in front of him.. again.

"N-Noctis... please.. kailangan ko 'to. I fucking need to be a gangster!"

Napasimangot siya. "Why? Para maghiganti? Tapatin mo ako, you want to have revenge on them... on him, don't you?"

Umiwas ako ng tingin. How did he know? Yes, a part of me wants to be a gangster to protect myself... but what Night said is also true. Gusto kong maghiganti. Gusto kong patayin yung hayop na Tyler na yun! Gusto kong pugutan ng ulo si Lee!

At higit sa lahat, gusto kong durugin ang puso ng walang-awang si Marcelo Franco.

I want this pain to go away.

"O-Oo.... would you help me? Please, Nightmare! Please... hirap na hirap na ako! You don't know how it feels like to be weak! It feels like hell.." I sobbed. Wala eh. Mahina nga ako di ba?

But what surprised me more is when he let out a sigh and smiled at me.

"Sige."

~

All those hardships. All those pain.

Lahat na yata ng klase ng pagpapahirap, naranasan ko nang magtraining ako para maging isang gangster. Naaalala ko pa noon, they chase me in the woods at night.. with guns. They even threw knives at me! Takot na takot ako noong mga panahon na iyon.

Pero totoo ang sinabi nila. If you wanna be strong, you need to face death itself. Kailangan mong pakipagpatintero kay kamatayan para mahanap mo ang natatago mong tapang.

I took in a deep breathe.

And now heto ako. Stronger than before..

Maghintay lang kayo, Mars. Dahil ako na mismo ang tatapos sa buhay ninyo.

Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa akin.

Marahan kong pinunasan ang mga luha ko with my hand at saka hinubad ang suot kong bracelet bago nagtungo sa banyo. I need to take a shower.

~*~

Timecheck: 12:10 am.

Lumabas ako ng CR, fully dressed in my pajamas.

Nagpupunas ako ng buhok ko noon nang mapansin kong nakabukas pa rin ang bintana ang kwarto ko. I closed it at napatingin sa night stand ko.

As expected.....

Naglakad ako papunta roon at kinuha ang kulay pulang rosas na nakapatong dun. Another red rose. Gabi-gabi na lang. Pinagmasdan ko lang ito sandali bago napagdesisyunang ilagay ito kasama ng iba..

..sa basurahan.

Nahiga na ako sa kama at naghintay ng pagdalaw ng antok. But I still can't help but be bothered about that rose.

Everynight, mula nang makarecover na ako sa trauma ko, laging may nag-iiwan ng rose sa may night stand ko. Gabi-gabi. Walang palya. Kada 12 midnight.

At sa gabi-gabing iyon, lagi ko ring sinasara ang bintana kong makikita ko na lamang na bukas.

Creepy.

But that would never change the fact that, deep inside I'm still hurting.

***

Sold! To The Gangsters 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon