Chapter 8: Clexion Clyde Salcedo

311 10 3
                                    

Chapter 8: Clexion Clyde Salcedo

"There's a thin line between the positive and negative."

-Writress

***
Jasmine's POV

Hinatak ko ang misteryosong lalaki hanggang sa makarating kami sa mini-park ng campus. Mabuti na lang din at wala gaanong tao dito dahil karamihan ng mga estudyante pumasok sa kani-kanilang mga klase.

And the moment na sigurado akong walang makakapanggulo sa amin, binitiwan ko ang kamay ng lalaki at humarap dito sabay tutok ng pocket knife sa leeg.

I glared at him pero parang di man lang siya natinag. But even so, nakikita ko sa mga mata niya ang kaba.

"Now, again.. what the fck are you doing here? Sinusundan mo ba ako? Sinong nagpadala sa'yo?"

He smirked at kumindat uli sa akin.

"Woah, woah... one at a time, Ms. Cruz. Mahina kalaban.. HAHAHA!"

At dahil nairita ako, ginalusan ko siya sa may braso. It was a shallow wound, pero alam kong may natamaan akong ugat base sa dugong nag-uunahang tumulo mula sa parteng may sugat.

"SHIT! Ano ba?!" daig niya  habang hawak ang braso niya.

"Oh, ano?! Kikindat ka pa? Sige, try me! Susunod, tatanggalan kita ng mata." Pagbabanta ko rito.

Huminga muna siya ng malalim bago niya ako tinitigan sa mga mata. And only then did I realized na gwapo ang nilalang na ito. He looks handsome with his messy brown hair at green eyes. He looks like those princes you'd read in fairytales.

But I knew better.

Kasi nga di ba? Prince Charming is just a product of a pitiful, hopeless romantic's imagination.

"Well, first thing's first---"

"Malamang. Bilisan mo nga!"

"Jasmine Cruz----"

"Tanga. I already know my name, thank you very much. Ang gusto kong malaman ay kung sino ka at anong pakay mo. Pwedeng more, and I'd kill you if you tell me less."

Napailing siya. Amused? At gumuhit na naman ang isang arrogant smirk sa labi niya.

He held out one hand.

"My name is Clexion Clyde Salcedo. Ang taong nagpapadala lagi sa'yo ng red roses every night. I am your watcher at ang tungkulin ko, bantayan ka sa mga kilos mo."

I remained emotionless.

So all this time.. siya pala ang nag-iiwan ng mga rosas sa nightstand ko? Tsk. And to think na akala ko, SIYA ang nagpapadala ng mga yun. And to add to that, he's my watcher. Kaya pala minsan nararamdaman kong may nakamasid sa akin eh. Nagpapasalamat ako't hindi ko nararamdaman yung feeling na yun kapag naliligo ako or else kanina ko pa pinasabog ang bungo ng lalaking ito.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niyang may sugat at saka ko pinilipit.

"Argh!"

"Kailan mo pa ako binabantayan, ha?! At sinong nagpadala sa'yo! Is it the Black Empire?!"

"Aray ko! Babe, masakit! Masakit!"

"WHAT DID YOU JUST CALL ME?!"

=___= seryoso. Nawawalan na ako ng pasensya sa taong ito. Kaya naman binitawan ko na siya at hinayaang magpatuloy sa pagpapaliwanag.

"Phew! Akala ko talaga babaliin mo na yung braso ko.. ajujuju! And yes, the Black Empire sent me. Binabantayan kita mula pa noong nakaraang taon at inirereport sa kanila ang mga nalalaman ko.. but that all ended three months ago."

Nagbuhol na ang mga kilay ko. "So, you're not a part of them anymore?" Umiling si Clexion---a weird name for a weird person. "I was never a part of them." At saka siya tumingin sa malayo.

"Kaya lang naman ako pumayag na maging sunud-sunuran nila ay dahil hawak nila noon ang Daddy ko. Sabi nila, palalayain nila, pero ang mga ahas na yun... Tangina talaga!" At nagulat na lang ako nang bigla niyang sinuntok ang punong nasa malapit.

Sa sobrang lakas ng impact, nakita kong dumugo ang kamao niya.

At ang mas ikinagulat ko?

He's crying.

Well, everyone has a soft side. It was just waiting to be triggered. At sa kaso ni Clexion Clyde, ngayon lang niya naibuhos ang lahat sa mga luha niyang iyon. Nilapitan ko siya at hinagod ang likod. Still, I'm hesitant kasi unang-una sa lahat, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba talaga ang taong ito.

"T-They killed him... three months ago.. at sabi nila isusunod daw nila ang Mommy ko kapag nagrebelde ako. Buti na lang talaga at tinulungan ako nung kaibigan ko para itago sina Mommy somewhere in Payatas."

"Kaibigan?"

Mabilis niyang pinunasan ng kamay ang mga luha niya sa mata at ngumiti sa akin.

"Yes... ang kaibigan ko at ang taong laging nakikiusap na mag-iwan ako ng rosas gabi-gabi sa kwarto mo."

I was taken aback. Gulung-gulo na ako..

"T-Teka, akala ko ba galing sa'yo yung mga rosas?"

He shook his head.

"I only said that I was the one who delivered it. Wala akong sinabing sa akin nanggaling ang mga iyon."

Napayuko ako nang di oras. Ayokong i-entertain itong hula sa isip ko at pakiramdam ko kumukulo na uli ang dugo ko by just thinking of HIM. An evidence na hanggang ngayon, hindi pa rin siya natatanggal sa sistema ko. Hindi na sana ako iimik, nang sinagot ni Clex ang silent question na nabubuo sa utak ko.

"Yes.. kay Mars nanggagaling ang lahat ng red roses na ipinapadala ko sayo. He was the only Black Empire member who became a friend to me. Noong nalaman niyang ako ang inutusan nila Lee na bantayan ka, lumapit siya sa akin nung gabing iyon at nakiusap na ibigay ko sa'yo yung mga rosas ng palihim. He couldn't give them himself, dahil alam niyang mapapatay mo lang siya sa tindi ng galit mo. But even so, I think he still loves you, Jasmine-----"

Nagpintig ang tainga ko at hindi ko na pinigilan pa ang pagbuhos ng emosyon ko.

"LOVES ME?! Ha! Nice joke. He's a monster.. he doesn't know how to love. And that's the worst part of it. He told me he loved me when the fact is, he just used me! I fuckin' hate that man.. No, I despise him to the core!"

And with what I said, Clexion smiled bitterly.

"Jasmine, sometimes we just have to see the person through another view. It helps you judge them fully."

***

Sold! To The Gangsters 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon