Chapter 7: The Transferee

302 9 2
                                    

"Those words you promised, can't set me free."

-Writress

***

"WHAT ARE YOU DOING HERE, YOU LITTLE BASTARD?!"

At dahil na rin siguro---no, sigurado  akong dahil sa gulat, napalakas ang boses ko. Well, unfortunately, it turned into a yell which caught everyone in the room off-guard. Parang nagfreeze ang lahat. Lahat sila nakatingin sa amin, and it was far too late when I realized my mistake.

"U-Um..." hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko.

Just then, Nightmare stood up, and went to my side. Sinamaan niya ng tingin yung lalaki.

"Look, I know you're new here, but I warn you.. DO NOT try anything on this girl." Nagbabanta niyang sabi. Then, he turned to me with questioning eyes, "Jasmine, what happened? Did he hurt you? Why did you......"

Pero hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang makita ang bagay na nasa desk ko. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Nightmare. Alam kong naman kasing nakikilala niya ang pocket knife na ito. He knew it was mine, at iyon ang mas nakapagpa-confuse sa kanya.

This situation is getting out of hand!

Mabilis kong hiblot ang pocket knife ko, na siyang sakto namang oras na nakalapit na si ma'am. She too, had a confused look on her face at alam ko na ang initial na itatanong niya.

"Anong nangyari?"

Binaling niya ang atensyon sa akin. "Jasmine, what's the matter?"

Pero dahil sa wala akong maisip na palusot, I remained silent at umiling na lang.

Tapos, ay tinitigan naman ni ma'am yung lalaking nagtangka kagabi sa buhay ko, a.k.a. si Mr. Key, "Mr. Salcedo... sa introduction mo kanina, as I remembered hindi mo nabanggit na magkakilala pala kayo ni Ms. Cruz?"

"Yeah.. why so, transferee?" Maangas na dagdag naman ni Nightmare.

The guy smiled, almost charmingly. "Well, you see.." tumingin muna siya sa akin at saka kumindat. "..I didn't want to ruin the surprise for my girlfriend."

At gumuho ang mundo ko kasabay ng pag-apaw ng inis sa puso ko. Napuno naman ng hiyawan at pangangantyaw ang buong room! The eff?! This is embarrassing! Si Nightmare naman, parang natuod na ewan!

I took in a deep breathe at tumayo.

Hinawakan ko ang kamay nung transferee at nilingon ang aming adviser.

"Ma'am! Excuse lang po. I really need to have a word with this mentally retarded creature!"

Hindi ko na nga nahintay pa ang sagot ni ma'am, at mabilis kong hinila palabas si Mr. Key, habang dala-dala ko pa sa isang kamay ko ang pocket knife na isinauli niya earlier. Which gave me another idea.. patayin ko na kaya ang lapastangan na 'to, on the spot?!

~*~

Nightmare's POV

At nakita ko kung paanong hinawakan ni Jasmine  ang kamay nung transferee before she dragged him out. Hindi na ako nakakilos dahil hanggang ngayon, nalilito pa rin ako. Why does he have Jasmine's pocket knife? And better yet, that was the same pocket knife I gave her noong nagsisimula pa lang siya sa training last year!

And what the heck is with them?! Bakit parang kilala nila ang isa't isa? Bakit wala namang sinasabi sakin si Jasmine?

"Tsk."

My lips formed into a straight line. "Bahala sila." Ayun lang ang nasabi ko bago ako muling naupo sa pwesto ko. Nagsimula na rin namang magturo si ma'am. At kahit na hindi ganun katagal ang lumilipas, pero hindi ko maawat ang sarili kong sumilip sa oras.

Bakit ang tagal yata nila?! Eh kung sundan ko na kaya? Ang kaso, baka kung anong isipin nila ma'am at ng iba naming chismosong kaklase. Baka isipin nila, nagseselos ako.

'Well, hindi nga ba?'

Oh, shut the fuck up.

'Give me a break, Noctis. Ako ang subconscious mo, kaya alam kong alam mo ang totoo. No use in denying.'

Napasabunot ako sa buhok ko. Bwiset na subconscious ito! Ginugulo na naman ako ang leche. Napahinga na lang tuloy ako nang malalim. Calm down, Nightmare.. wag kang magoverthink.. At kakalma na sana ako, nang bigla akong makasagap ng mga boses ng mga babaeng nakukwentuhan sa likuran ko.

"Ay, grabe! Ang swerte ni Jasmine, 'no? Naakit niya aagad yung poging transferee nang walang kahirap-hirap!"

"Oo nga eh.. at alam mo, in my opinyon, hindi na dapat pakawalan ni Jasmine ang ganung tipo! Di ba nga, he said he was the Student Council's President noong high school niya? For a man, he sure is responsible!"

"Korek! At panigurado, maganda ang reputasyon nun! O, san ka pa? Pogi na nga, mayaman, at good boy pa!"

"Wahahahaha! Trululu.... at saka BAGAY KAYA SILA. Actually, mas bagay pa nga yata sila Jaz at Clex, kesa dun kay Nightmare!"

"Oy, shhh!! Katapat lang natin!"

Naikuyom ko ang dalawa kong mga kamay. Sa higpit pa nga, aakalain mong namumuti na ang mga kamao ko kasabay ng pagbaon ng kuko sa balat ko eh. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang kalmahin muli ang isip ko. Kalma..kalma..kalma..

Kalma.

Kalma.

Kalma..

Kalma..

Kal----

"WAIT! MR. MERCADO, SAAN KA PUPUNTA?!"

"Ma'am! Saglit lang po, may ima-massacre lang po akong kuto! Malaking-malaking kuto! Mabilis lang 'to ma'am, basta magpatawag ka na ng ambulansya para mamaya!"

***

To be continued...

Sold! To The Gangsters 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon