Chapter 4: The Bitchest Of Them All

368 13 0
                                    

Chapter 4: the BITCHEST of them All

"Lipstick, make-up, on the wall..
Whose the bitchest of them all?"

-Writress

***

Matapos naming kumain ni Nightmare sa lugawan ni Aling Delay, ay bumalik na rin kami ng school. Hindi na nga pinabayaran ni manang ang kinain namin dahil nalamang birthday ko pala.

And seriously, I'm glad that walking-distance lang ang university namin mula dito.

"Noctis, masakit ang paa ko.. buhatin mo ako, dali!" Reklamo ko habang binabagalan ang lakad.

Nakuha ko ang atensyon ng gangster kaya naman lumingon ito sa'kin. He had a puzzled look on his face.

"Bubuhatin kita???"

Umirap ako. "Ay, hindi, hindi! Kakaladkarin mo uli ako! MALAMANG, bubuhatin mo ako tulad nung sa mga koreanovela."

He gave me a poker face at hinawakan ang kamay ko. Naalarma ako. "Oy! Anong gagawin mo?!"

"Edi kakaladkarin ka.. seriously, Jasmine.. we're not in some lame TV show. Ang bigat mo kaya!" He said that with a lop-sidded smile. Frustrated kong inagaw ang kamay ko. Tumawa siya. He really loves annoying me at times.

"Aish! Noctis Mercado! Sige na... please?"

"Sagutin mo muna ako, Ms. Cruz."

Namula ako sa sinabi niya. Sasagutin ko na ba siya? Bigla tuloy akong napaisip. Pero hindi. Hindi pa. This isn't the right time. Hindi ko pa nabubuo ang sarili ko.. Truthfully, Nightmare may not be the perfect guy, pero he makes every moment with you simply perfect.

But I can't answer his courtship now.

Maybe soon.. kapag alam kong kaya ko nang ibigay sa kanya ang buo ko. Because right now, I'm still fixing these broken pieces of me.

Ngumiti ako ng peke. Hindi ko alam kung mahahalata niya ito o ano. Bahala na.

"Sus! Ikaw ha.. Hokage ka na rin? Hahaha! Halika na nga, baka mamaya nag-aalala na sila Rose doon."

I playfully said at mahinang hinampas ang kanyang braso bago ako nagpatiuna sa paglalakad. Soon enough, naramdaman kong sumunod sa akin si Night, pero natahimik na yata dahil di na siya muling sumagot.

Just wait for me.. Nightmare.

~*~

Riiiiiiinnnngggg.....

Naglalakad ako sa may hallway papunta sa second to the last period ko. Sabi ni Rose magkita na lang daw kami sa classroom eh. And unfortunately, nabati na yata ako ng lahat pero ni hindi ko na naman mahagilap ang iba pang members ng Dark Roses.

Hindi ko nga rin alam kung nasaan si Nightmare eh.

"Hey, Jassy."

I cringed and stopped walking, books still in hand. Sa boses pa lang, naba-badvibes na ako. Paano na lang kaya kung harapin ko siya?

"Ano na naman, Jessica?" Iritableng sabi ko nang di lumilingon.

I heard the witch laughed kaya naman no choice na ako kundi ang tingnan siya. Nagtaas ako ng kilay sa direksyon niya. "Are you just gonna laugh there like a lunatic? Kasi kung oo, pupunta na lang ako sa room ko."

At sa sinabi kong iyon, napatigil siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang amusement.

"It's your birthday, right?" I didn't answer. "..Hm.... okay Jasmine. Didiretsahin na kita. How was Nightmare?"

Sold! To The Gangsters 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon