Chapter 11: Risk

331 13 0
                                    

Chapter 11: Risk

"She's hurting. Not from the wounds and cuts.. she's hurting because of an inner scar."

-Writress

***

Jasmine's POV

Naitikom ko ang bibig ko nang maglabas na ng baril si Nightmare. The others looked bothered too. Hindi naman kasi madalas maglabas ng baril si Night, at sa minsang ginawa niya iyon ay grabeng naging resulta sa mga biktima. The last guy Night used a gun with, had his skull bursted several times. Nakakatakot gumamit ng baril si Nightmare Mercado, I'd tell you.

I saw him glared at Clexion na para bang di pa rin natitinag kahit na may baril nang nakatutok sa noo niya.

What the heck?

"Ikaw na naman? Tsk. What are you doing here, you fucking spy?"

Spat Dark Roses' leader.

Humikab lang ang lalaki at may inilabas sa likuran niya. "Here, dude. Nahulog niyo kanina. Ang baho ah! WAHAHAHA! Cinderella dude! Kasya pa ba sa'yo?! HAHAHA!"

Oh my...

Nakita kong tulad ko, nagpipigil din ng tawa sina Dream, Chase at Sky nang iabot ni Clexion ang sapatos na nalaglag kanina ni Nightmare! Si Night naman, parang naiiritang nahihiya nang inagaw niya ang sapatos niya't kinwelyuhan si Clex.

"Gago! Cut this crap, transferee!"

Clexion held his hands in up in defeat at ngumiti ng pilyo kay Nightmare. "Chill, bro! Hahaha! I was just kidding... at hoy, my name is Clexion. No need to state the obvious na transfer student lang ako dito. Pft!"

Napailing ako.

Then, bago pa ako makalapit, inunahan na ako ni Dream. He smiled devilishly at Clexion at saka niya ito kinausap matapos makaalis sa hawak ni Night.

"First thing's first.. Bakit ka nandito? Isang tanong, isang sagot, bata."

And then, everything became serious as Clexion answered him,

"Gusto kong tumulong."

Nagkatinginan silang apat, pero in the end, si Nightmare ang mabilis na nakarecover. "Paano mo kami matutulungan, ha? At tsaka bakit ka ba buntot ng buntot kay Jasmine!?" Napairap ako. Wow, he still has some jealousy issues.

Yeah. Hindi ako naniniwalang 'territorial' siya. Territorial, my ass. Mind you, I'm not his.

Ako na ang nagsalita. "He's a watcher from Black Empire. Inassign nila Lee para bantayan ang kilos ko."

Lumapit ako kay Clexion at sinipa siya sa may binti. Napamura naman siya sa sakit lalo na't may sugat pa siyang iniinda sa braso. "Explain." I said at parang tutang sumunod naman siya at ipinaliwanag sa iba pang miyembro ang lahat.

The guys look deep in thought.

"...And I can help you guys with your operation in Valenzuela! Alam ko ang mga tinataguan nila doon, lalo na sa brgy. Punturin! I can be of use! Hayaan niyong sumama ako sa inyo bukas." Pagtatapos ni Clexion.

Chase, Dream and Nightmare remained silent. Habang si Skyler naman, sa unang pagkakataon magmula nang magkwento si Clex, nagsalita na, "Well.. kung ako ang tatanungin, sige."

Nanlaki ang mga mata ko.

"WHAT?!"

He smiled. "I said, I approve. Kailangan natin ng tulong, and so here it is.. what's wrong, Jaz?"

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at nameywang sa direksyon niya. ganun-ganun na lang 'yun?! "Dude, mag-usap tayo!" At saka ko mabilis na hinatak si Skyler palayo sa grupo.

Sold! To The Gangsters 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon