Naghahanda na kami ngayon sa pagdating ng boss namin. Medyo kinakabahan syempre. Buong pamilya nya kasama. At syempre kailangan ko din magpalakas para naman ma-promote ako. HAHA promote pa ang gusto ng gago. Haha pero seryoso. Pagod na akong maging utusan nung manager namin. Nakakainis din palagi nalang ako ang pinag-iinitan. Justice men! Justice! HAHA OA ko. Pero seryoso, kailan naman kaya aangat ang buhay ko. Yung gaya ng dati? Sikat, kilala, hinahangaan ng marami. Yung nasa entablado ako, kumakanta kasama mga ka banda ko dati. Tapos inaalayan ng kanta ang pinaka mamahal kong Bree.
"Hoy!" sabi sakin ni Trina sabay batok sakin. "Ano daydreaming ulet? Bilisan mo dyan at andyan na daw sina boss. Naku pag ikaw natyempuhan nung Coqueta lagot ka na naman." Coqueta tawag namin sa manager namin. Spanish ng malandi. HAHA si Trina talaga nagpangalan sakanya nun. Para daw pag pinag-uusapan di nya mahalata na sya yung tinutukoy.
"Oo na nga diba? Tsaka patapos nadin naman na tong ginagawa ko. Konting kintab nalang para perfect!" sabi ko sabay kindat sakanya. Ang totoo nyan kanina pa ako sa table na to eh. HAHA sa kakapunas ko paubos na pamunas ko HAHA.
"Punyeta!"
"Ay palakang malibog!" sigaw ni Trina. Lagot na talaga nahuli na naman kami ni Coqueta.
"Sino ang palakang malibog?!" taas kilay na tanong nya kay Trina.
"Ah sir sorry nadulas lang po bibig ko." sagot nya.
"Oh sya mag-ayos na kayo andyan na sila." sabi neto tapos umalis agad. Akala ko pa naman sesermonan na naman ako.
Pumwesto agad kami ni Art sa may harap ng pinto para salubungin ang may-ari. Syempre kami dun kasi pareho kami ni Art na pogi :> Wala pang ilang minuto may tumigil na dalawang kotse sa harap ng restaurant. Bumaba ang isang babae. Halata sa mukha na may edad na ito. Ito siguro ang asawa ng may-ari. Di ko kilala kasi di pa naman bumibisita dito ang asawa ng may-ari. Pagkatapos nun may bumaba uli na babae. Di ko masyadong makita kasi nakaharang ang bwisit na Coqueta. Kaya lumapit ako para mag good evening. Pagka kita ko sa babae ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero habang papalapit ako sakanya mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakakape ba ako? Bakit parang maha-highblood ako ng wala sa oras? Binati ko nalang sila para di mahalata ang kaba ko.
"Good Evening Ma'am, Sir. It's a pleasure to have you here. " sabi ko with matching smile syempre. Tapos nginitian lang din ako ng babae. Maganda sya. Matangkad, maputi , kulay brown ang mata at mas bumagay dito ang kulot nyang buhok. Pero bakit bigla akong kinabahan kanina? Posible kayang nalove at first sight ako? Aist! Baka nalove at first sight! HAHA Dami na naman laman ng utak ko. Kung anu-ano iniisip ko.
"Seth! Seth! Sabi sakin ni Art. Kanina ka pa tawag ni Coqueta." bulong sakin ni Art. Shit! Lagot na naman ako neto.
"Ahm Seth? Hintayin mo pala yung anak ni Boss may kausap lang sya sa telepono. And then samahan mo na sya papunta mamaya sa Function Room." malumanay na sabi nya. Wow ha. First time na ganon nya ako kinausap. Uhmp! Nagbabait-baitan na naman! Tskkk >_< ! "At umayos ka ha!" pabulong nya. Tignan mo. Demonyo talaga!
Kanina pa ako naghihintay dito sa labas. Nilalamok na nga din ako eh. Ang tagal naman nya makipag-usap. Naku, kung di lang sya anak ng boss namin iniwan ko na! Buset! Di ba nya kayang mag-isa? Sabagay, sino ba naman ako para magreklamo. Waiter lang ako dito. Hay, buhay nga naman oo. Pero ok na to kesa naman mag istambay lang ako diba? Tsaka gusto ko magtapos para naman may maipagmalaki ako sa sarili ko. Ayokong gumaya sa iba dyan na nang-isnatch, holdap o anu pa man. Gusto ko ng marangal na trabaho. Kahit ano basta marangal at mabubuhay ako. Kaya kahit waiter lang ok na ako.
BINABASA MO ANG
The Cupid Who Cannot Love
Teen FictionSean Keith Federico Aragon is a famous guy during his high school days. And he is the kind of guy who do not believe in love. But when he is gone to college, his life begun to change. And that is when he became a cupid! A cupid, where in he cannot l...