Bree's POV
May date ako ngayon kailangan kong mag-ayos. My 23rd date actually. At dahil yun kay Seth. Akala nya siguro hindi ko alam pinag-gagawa nya sa mga nagiging date ko. I'm not that dumb not to notice. Naalala ko tuloy mga pinag-gagagawa nya sa mga kadate ko. Ilan lang naman yung mga worse na pinag-gagagawa nya. Una si.....
Josh---- Sinamahan nya akong magmall. It was very fun to go out with him. Nakiki-go with the flow sya. Pumasok nga din kami sa may underwear section ng mga babae. Kahit puro mga babae lang andun sinamahan nya padin ako. Nakakakilig syempre. Kahit tinginan sa kanya mga babae, wala syang pake.
"Are you okay Josh? Baka kasi nahiya ka na. Tinginan pa naman sayo mga tao." tanong ko.
"Yeah im fine. As long as kasama kita!" sagot neto. Gosh kinilig naman ako. Sa mga nakadate ko isa sya sa mga nakakapag-pakilig sakin ng sobra.
Pagkatapos naming mamili we went to many different places. Habang naglalakad kami may nangbato sa kanya ng plastic bottles. Di namin alam kung sino nagbato. Pero di lang namin pinansin. Bumili naman kami saglit ng ice cream. Habang bumibili ako may nagbato na naman sa kanya ng plastic bottle. Di na maipinta sa mukha nya yung galit. Hinahanap nya sa paligid yung nagbato pero di nya ito makita. Madami din kasing naglalakad. Then bigla nalang syang sumigaw.
"Kung sino ka mang peste kang nambabato sakin! Magpakita kang gago ka!" sigaw neto. Tinginan sakanya ang mga tao pero wala padin syang pake. Nag-iinit na ang ulo nya.
"Calm down Josh. Maybe it's just a kid na pinagtitripan ka. I'm sure di na nya uulitin yun!" pagpapakalma ko sakanya. But the truth is may mas malala pang ginawa sakanya. Habang tumitingin ako ng mga bracelet sa daan may bumato uli sakanya. Pero this time its not a plastic bottle. Kundi plastic cup na may lamang ewan. Pero ang baho nya. Grabe! Sobra! I can't even look at him.
"Shit! Sino ka bang gago ka?! Magpakita ka sakin! Duwag ka pala eh! Gago ka! Magpakita ka!" sigaw neto na sobrang galit na. Sino ba kasing di magagalit ng bongga. Hello? Binato kaya sya ng plastic cup na may laman na tubig sa canal. Natalsikan nga din ako eh. Maya-maya may bumato uli sakanya kaso papel iyon. Pinulot ko ito at may nakasulat. Ng babasahin ko na sana biglang hinablot ni Josh yung papel.
{Layuan mo si Bree. Kundi, di lang yan ang aabutin mo!}
Yeah. Yan ang nakasulat. Pagkabasa nya nun tinignan nya ako.
"Do you know this guy?!" tanong nya sakin ng pataas ang boses. Halatang galit na galit.
"H-hindi!" sagot ko. Eh sa hindi ko naman kasi talaga kilala kung sino to.
Wahhhh, galit na sya.
"Damn! Siguro isa sya sa mga ex mo! You know what? I quit!" sabi neto sabay alis.
Quit? Ganon ganon nalang? Binato lang sya, quit na? Lahat ng magagandang moments namin? Mawawala nalang? Pano na yung pangako nya sakin? Hindi ko maiwasang mapaluha.
"Akala ko ba walang iwanan? Ganito nalang ba palagi? Binato ka lang quit na agad? Wala ka naman pala eh. Kagaya ka din nila! Nang-iiwan! Napaka simpleng bagay lang para makipaghiwalay ka sakin!" di ko na kaya. Di ko na ding mapigilang mapahagulgol sa gilid ng daan.
"Hoy! Wag mo akong talikuran! Siguro ginusto mo to no? Ikaw din may pakana nito? Siguro in the first place naghihintay ka lang ng time na pwede mo nalang akong iwan ng basta-basta! Bumalik ka dito!" sigaw ko. Wala na! Lahat ng effort ko para maging maayos ang relasyon namin. Nawala na dahil sa lintik na plastic cup na yan. Or maybe it's not about the plastic cup after all. Maybe noon pa man gusto nga nyang makipag-break pa saakin.
BINABASA MO ANG
The Cupid Who Cannot Love
Teen FictionSean Keith Federico Aragon is a famous guy during his high school days. And he is the kind of guy who do not believe in love. But when he is gone to college, his life begun to change. And that is when he became a cupid! A cupid, where in he cannot l...