Chapter 4: The Magic Begins

27 4 0
                                    

Seth's POV

Sobrang sakit talaga ng pagkakasampal nya. Woooooo! Kinuha ko yung bag ko at lumabas muna ako para magpahangin. Nagi-guilty ako sa mga pinag-gagagawa ko kay Bree. Wala na akong ginawa kundi saktan at paiyakin sya. Eh kasi naman eh, ayaw kong may boyfriend sya. Hay naku, kung hindi ko lang sya sinaktan nung bata pa kami hindi sana ganito ngayon. Baka sana naligawan ko na sya. O kaya naman nakapag-confess na ako ng nararamdaman ko sakanya. 

Tumingin ako sa paligid. Buti pa sila may mga bf/gf sabi ko sa isip-isip ko. Bumili ako ng maiinom sa may tindahan. Pampa-refresh ng utak. Habang naglalakad ako pauwi parang may sumusunod sa akin. Tumigil ako tapos pagkalingon ko wala naman. Pinagpatuloy ko paglalakad ko ng kalmado. Medyo kinakabahan ako, baka kung sino yung sumusunod sa akin kaya't tatakbo sana  ako kaso may nabangga ako. 

"Arayyyyy!" daing nito.

"Ay sorry po."

"Ok lang!" sagot nito pagkatapos umalis na sya.

Pagkatayo ko may nakita akong libro. Naku nakalimutan ata nung manong.  Kaya hinabol ko sya.  Di pa naman sya gaanong nakakalayo   kaya naabutan ko agad sya.

"Ma-manong naiwan nyo po." sabay abot sa libro.

"Sa iyo na yan."

"P-po? Ano pong gagawin ko dito" 

"Syempre babasahin! Anu bang ginagawa sa libro? Diba binabasa?" Tignan mo 'to. Namilosopo pa 'tong matandang 'to. Tsk!

"Cupid's Book Tool?" tanung ko habang tinaasan sya ng kilay.

"Oo! Kailangan mo yan." sagot naman nito.

"Ka-kailangan? Te-teka po di ko po kayo maintindihan." napakamot nalang ako sa ulo. Wala ng kasinggulo pa sa buhok ko yung pinagsasasabi nya. Di ko nga maintindihan eh. Ano kayang pinagsasabi ng matandang ito? 

"Oo kailangan mo yan para magawa mo ang task mo."

"Ta-task? Di ko po talaga maintindihan." Nakakainis si kuya eh. Daming sinasabi. Di ko naman maintindihan.

"Isa ka ng cupid." 

"Ho? Ang gulo talaga. Di ko po maintindihan."

"Cupidddd!!!!! Aist, bakit ba kasi ako pa ang nautusan na mag-guide sayo! Ang mga cupid yung nagma-match ng couples!" bulyaw nya sa akin. Aist, eh sa ang gulo nya magpaliwanag eh. Di ko maintindihan! Tsk! Palibhasa kasi matanda na. 

"Po?" sagot ko. Naguguluhan talaga ako. Di naman nya ine-explain ng maayos eh. Cupid daw eh? 

"Aist. Heyyy!!!!!! Cupid! Di mo alam ang cupid?!! Saang lupalop ka ba ng mundo galing? Aist di ko alam kung anung gagawin ko sayo! Basta ang gagawin mo lang maipag-match yung ipapakita ng libro. May limang task ka. Pero ang kailangan lang kahit tatlo. Pero kapag di ka nakapag-match ng tatlo. Di ka na pwedeng umibig pa. Magiging cupid ka na forever. Cupid na loveless. Gets? At oo nga pala. Hindi mo din pwedeng banggitin ang salitang LOVE? Naintindihan mo? Once na sinubukan mong sabihin yun, iba ang lalabas na salita. Kundi mga bastos o kaya bad words."

"H-ho? Loveless? What?!!" Naiinis na ako. Naguguluhan. Di po pwede yun. "Di ako naniniwala sa inyo!" sagot ko. Ano ako baliw tulad nya? Anung cupid pinagsasabi ng matanda na ito? Tskk, cupid daw. Tsaka di daw pwedeng sabihin ang salitang love? Sa fairytale lang yun.

"Kung ayaw mong maniwala buksan mo yang libro."

Binuksan ko naman yung libro. Laking gulat ko ng may nakita akong babae at lalaki. Gumagalaw yung litrato. Agad kong nabitawan ito. Pinulot naman agad ng matanda.

"Yan ang number 1 task mo. Kailangan mong maipag-match yang dalawa."

"Di po ako naniniwala sa iyo. Ako magiging cupid? At anong kalokohan to? Tskkk! "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cupid Who Cannot LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon