TADHANA

2.2K 22 3
                                    

Ako nga pala si Renz Villiaflor, 20 years old, 4th year college sa International Institute College. Computer programming ang Course ko. May gusto akong isang babae na talaga namang hindi mo masasabing maganda lang, as in super ganda, talented, matalino, laging uno ang grado at higit sa lahat may kaya sa buhay, siya si Chelsy Yu.

Tahimik lang ako sa klase, kung hindi mo ako kausapin talagang di mo maririnig ang gwapo kong boses, biro lang haha. Hindi man ako tulad ni Chelsy na laging uno ang grado, nakakapasa naman ako, kung baga average lang grades ko pero atleast pasado.

Tuwing nag C.S. kami (Community Service) yung sa subject na N.S.T.P. . Nag lilinis kami ng kapaligiran sa iba't-ibang barangay. Imbes na sa pag lilinis ang focus ko, lagi ko syang pinag mamasdan at pa minsan na huhuli ako pero gagawa nalang ako ng senario para hindi ako mahalatang lagi ko siyang pinag mamasdan.

Kapag lunch break, sabay kaming lahat na mag kakaklase na kumain sa isang karinderya, kaya si aleng tindera ng ulam at kanin, kota araw-araw hehe. Kapag umo-order kami ng ulam minsan isang putahe lang, ang favorite naming lahat na mag kakaklase na ulam ay sisig w/extra rice!.. Haha lagi yun lalo na pag unxpected na quiz, mga heptic na project's o assigment's, review dito, review doon. Sakit sa ulo hahaha..

Kapag na serve na samin ung mga inorder namin, kukuha ako ng isang basong malamig na tubig (nag titipid, di lang ako kami lahat! Aha) pero hindi lang para sakin ang kinukuha kong malamig na tubig, lahat sila i seserve ko. Pero ang lagi kong inuuna, aba syempre ang matagal ko ng minamahal na di niya alam, si Chelsy. Kaya silang lahat kasi para di halata na pinag sisilbihan ko siya dahil nga mahal ko sya gusto ko siya sa buhay ko.

At kapag bumibili ako ng pag kain sa grocery, paborito ko ang cheese cake, at bumibili pa ko ng isa nito dahil nalaman ko na isa ito sa mga paborito ni Chelsy, yun lang di ma solo ni Chelsy ang binili kong cheese cake para sa kaniya dahil sa mga kaklase kong mga rated SPG "Super Patay Gutom". Mula nung nalaman ko iyon, aba ang inyong bida kinilig ng sobra dahil na isip ko na destiny ko talaga si Chelsy kaya pag sisikapan ko't lakasan ang aking loob, maalis ang pag ka torpe ko ng masabi kong mahal ko sya at maligawan.

Sa klase lagi ko rin syang pinag mamasdan, lalo syang gumaganda kapag naka ngiti, at ako naman ay parang nasa langit tuwing na sisilayan ko ang kaniyang napakagandang mga ngiti. Kaya ang na isip kong gawin ay kuhanan siya ng picture gamit ang aking cellphone, syempre ng hindi nya alam.

Ang ginagawa ko sa mga nakuha kong larawan nya ay pini-print ko iyon at nilalagay sa isang photo album, dun ko lahat nilalagay ang mga kuha ko sa kaniya ng di nya alam. At meron ding ako wallet size picture niya at para di makita nino man lalo na si Chelsy, imbes na naka harap ito naka talikod ko itong inilagay, parang walang sense kung iisipin pero ok lang atleast pwede kong ito tignan kahit saan dahil nasa wallet ko lang naman ito.

Siya lagi ang ginagawa kong inspirasyon sa mga araw-araw na mga pagsubok na ibinibigay sa akin. At ng dahil sa kaniya nalalampasan ko lahat iyon. Ang saya ko na nakita kita, nakilala at nakasama, kahit sa classroom lang. Dahil hindi naman ako pwedeng pumunta sa inyo dahil hindi mo naman ako boyfriend, na anytime welcome ako sa bahay nyo. Dahil kaklase mo lang ako nakakapunta lang ako pag may project's tayo na sa inyo ginagawa dahil kayo kompleto lahat ng gamit nyo sa bahay tulad ng computer, internet, at halos ng kailangan natin for our projects sa school.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon