FRESH, NEW START

385 9 0
                                    

       Makalipas ang apat na buwan, mula noong na reject...oo na busted na, well kahit papa ano eh naka move on na ako. At isang buwan nalang ay mag gragraduate na kami. Naka pasa sa lahat ng exams, at isa nalang ang kulang ang maka pasa sa THESIS!.

      Grabe talaga ang thesis!...halos mapuyat kami gabi-gabi. Pero kung itatanong ninyo kung magka group kami eh.. hindi. Pero atleast maganda na hindi kami mag ka grupo at maka focus ako sa thesis namin.

      Sa mga naka lipas na buwan, ito ang mga nangyari....

      Ng malaman ng buong klase ang nangyari sa amin sa basketball court, ay agad agad na naging laman kami ng mga usap-usapan ng mga tsimoso't tsimosa kong mga kaklase.

      "Renz!!! Nako ang hina mo pala eh!..hindi mo na pa lambot ang puso ni Chelsy!..hindi ka marunong, hindi ka tunay na lalaki, yan tuloy busted! Ahahaha" ang pang asar nilang sinasabi sa akin, na talaga namang nakaka asar, dahil na nanahimik lang ako pero ayaw nila ako tigilan sa pangungutya sa nangyaring pag busted sa akin ni Chelsy.

      Pero dahil mahaba ang akin pasensya, ang akin ginagawa nalang ay ang hindi pag pansin sa mga ito.

      Dahil sa palaging pang asar o pang inis nila sa akin araw-araw ng mga isip bata kong mga kaklase na 4th year college na, na nakakahiya sa mga pinag gagawa nila, hindi na napigilan ng isa kong ka klase ang pang bubully nila sa akin kaya...

      "Hoy! Mag si tigil na nga kayong mga isip bata!", natahimik ang lahat pati na ang mga nag bu-bully sa akin.

      "Araw-araw nyo na lamang ina-asar si Renz, ang tagal na nangyarin yun. Bakit hindi parin kayo matigil sa kalokohan ninyo huh!?, para kayong mga isip bata! , bakit ano bang ginawa sa inyo ni Renz? Huh? Bakit hindi kayo matigil!? Ang sabi ni Kariz na galit na galit na animoy siya ang pinag didiskitahan ng mga loko-lokong kaklase ko. "Kariz salamat sa pag tatangol sa akin huh.." ang pag-papasalamat ko kay Kariz sa ginawa niyang pag tangol sa akin. "Anu ka ba Renz..wala yun basta ikaw" ang naka ngiting sabi sa akin ni Kariz.

      At ako naman nag sabing, " Kariz hayaan mo nalang sila." At si Kariz naman at sumunod sa sinabi ko at umupo. At pag katapos ng klase....

      "Renz! Tara samahan mo ulit ako sa eco-park plsss!!!" Ang pag mamaka awa niya habang naka ngiti na para bang nakaka loko.

      Ako naman ay sumunod nalang dahil wala na rin akong gagawin.

      Ng makarating sa eco-park...

      "Oh! Anung gagawin natin dito? Lalo ka na ikaw ang nag-aya dito na pumunta." Ang sabi ko kay Kariz. "Hmmm....tara kain tayo!...bili tayo ng fish ball at ng malamig na malamig na palamig!! Hehehe". Sabi ni Kariz na nakaka-loko parin ang itsura at pag kakasabi nito sa akin. "Oh..sige, kaso pamasahe na lang ang dala ko eh..kaya sasamahan nalang kita" ang sabi ko nalang sa kanya. "Iiihhhhh...nakaka inis ka!...ang dalang lang nito...parang ito palang nga ang unang papasyal tayo dito ma may kasamang food trip...hmm well wag kana mag alala.... ako na ang bahala sayo." Naka ngiti niyang sagot sa akin na hindi na nakaka-loko oa ang itsura nito.

      Kaya bili dito ng fish ball, bili doon ng cotton candy na parang bata lang na medyo nahihiya na ako sa mga pinag gagawa niya. At kung anu-ano pa ang mga binili niya may stuff toy, shades, earings na silver at marami pa.

      Marami pa siyang binili at halos dalawa't kalahating oras na kaming nag li-libot sa loob ng eco-park. Ang dami niya rin binili para sa akin, hindi ko naman ito matanggihan dahil nag pa-pabebe ito pag hindi o umaayaw ako sa binibili niya para sakin, dahil na iinis talaga ako sa mga babaeng pabebe at ang daming taong nakaka kita, kaya tinatanggap ko nalang para manahimik na lang siya, pero ang lahat ng pinamili ay gastos niya lahat. Well may kaya siya sa buhay pero hindi ko siya pene-perahan dahil gusto daw niya yun kaya tanggapin ko nalang daw.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon