KARIZ MONTEMAYOR

786 11 3
                                    

Isa rin sa mga magaganda kong kaklase, oo bilang isa lalake eh di mo maiiwasang mag ka crush sakanya, pero crush yung pag hanga lang sa kagandahan nya, dahil ang mas crush ko at mahal ko talaga ay si Chelsy.


Tulad ni Chelsy yu, mayaman, isa rin sya sa mga na ngunguna sa klase namin, ewan ko ba halos mga kaklase ko ang tatalino bakit kaya hindi ako mahawa sa kanila, sa hindi naman sa bobo ako dahil walang bobong tao sa mundo kung hindi tanga meron. Hindi rin naman ako tanga, pero ewan ko ba parang mani lang sakanila ang Math!, at kung maka pag english wagas!.


Ang dami ng nanliligaw sa kanya pero ni isa wala siyang sinasagot sa mga manliligaw nya. Siguro pihikan talaga sya at mapili sa manliligaw. Pero ang matindi dito ay patuloy padin mga manliligaw niya, kahit alam nilang ma ba-busted lang ang kalalabasan ng panliligaw nila kay Kariz. Kung tutuusin ang sweet nga ng mga nanliligaw sa kanya flowers dito, chocolate doon at sandamakmak na love letter.

May mga iba na ang gagaling mag guitara, kumanta at minsan may video pa silang ginagawa para lang makuha ang matamis na oo ni Kariz, kaso wala paring epekto, nganga parin sila. Yung mga ibinibigay sa kanya na regalo tinatanggap naman nya, kaso minsan yung iba ipinamimigay nalang niya sa ibang kong classmate dahil sawa na siguro ito dahil araw-araw nalang may man liligaw dito.


Tuwing math subject ang katabi ko ay si Kariz, ang aking lihim na minamahal na si Chelsy ay nasa harapan kaya hindi ko makita ang mukha nito dahil kami ay naka pwesto sa pinaka likod. Kaya hate na hate ko ang math dahil di ko na nakikita ng malapitan si Chelsy, nangangamote pa ko sa math hayss!.


Pero may unexpected quiz kami sa math ngayon, itong si Kariz, ay pilit akong pinapa-kopya ng sagot, kaso lang ayokong mandaya pano pag na graduate ka mataas nga grado mo, pag nag apply ka ng work, aasa mga magulang mo maganda makukuha mong trabaho, pero ang totoo mahihirapan ka rin naman sa huli dahil nandaya ka lang naman diba? (Ang bait ko noh?) Hehe.


Pero anyway balik tayo kay Kariz na makulit na pinipilit akong pa kopyahin. Ang sabi ko " bakit ba pinipilit mo akong kumopya sa iyo? Baka mahuli tayo nyan, lagot tayong dalawa baka bumagsak tayo pareho!" Imbes na mag salita pa balik sakin, ang binalik sakin ni Kariz ay isang napaka tamis na ngiti. "Baliw kana ba Kariz!?" Ang sabi ko. "Hindi naman Renz, ayaw mo ba nun hindi ka na mag iisip ng sagot, para hindi kana mahirapan". Ang sabi ni Kariz sa akin.


Pero ako hindi na ako nag salita pa at ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa quiz namen. Ng matapos na ang quiz namin at lumabas na ng classroom, ang sabi ko salamat naka pasa ako kahit hindi perfect 35 ang score ko.


At ng oras na iyon, hindi muna kami mag kakasamang kumain ng tanghalian dahil may mga projects pa kaming tatapusin. Ako naman sana ay pauwi na ng biglang, "Renz!" May tumawag sa pangalan ko at pag lingon ko ay si Kariz. "Oh Kariz!, bakit anung kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya. "Pauwi kana ba Renz?" Tanong ni Kariz. "Hmm, Oo pauwi na nga ako, bkt?" ang sabi ko, "pwede bang sabay na tayong mag lunch? Kasi yung iba nating mates busy sila lahat eh...ikaw ba pwede?" Ang nangungusap na sabi ni Kariz sa akin, na para bang ang dapat kong lang isagot ay OO.


At yun na nga napa oo nalang ako dahil ayoko naman ipahiya sya. Kaya nag punta kami sa isang fast food. Ng maka order na kami nag tungo kami sa second floor ng fast food na kinainan namin. Pag panik namin kakaunti palang ang mga costumer na naroon ng oras na iyon kaya hindi kami nahirapang maka kuha ng pwesto namin.


Pag ka upo namin ay nag simula na agad kaming kumain dahil gutom na gutom na kami dahil sa mga ginawa namin sa school. Habang ako ay busy sa pag kain ko, bigla ko nalang napansin si Kariz na ginagamit niya ang cellphone nya, ofcourse anung pake ko dba!?, Kaso lang biglang tumunog ang phone nya, kaso hindi ring tone niya, kung hindi ung tunog ng camera click!, sabi ko "anong ginagawa mo Kariz?" Bigla nyang ibinababa ang phone nya at binalik nya sa loob ng bag nya.


"Ah, eh, wala naman nag selfie lang ako" para bang na hihiya nyang pag sagot sa akin. " ah.. ganon ba? Oh sige mamaya kana mag selfie..kung gusto mo mag selfie tayu mamaya yung bang wala tayong pake sa ibang tao, ahahaha"ang biro ko sa kaniya, nawala na ng konti yung para bang nahihiya sya sa akin ng hindi ko naman alam kung ano ang dahilan nito.


At ng matapos na kaming kumain, bumaba na kami at nag punta sa isang eco park malapat sa school namin. At doon na kami nag simulang, picture dito, selfie doon!. At ng napagod na kami sa kaka picture kung saan-saang sulok sa loob ng eco park, tinignan ko ang mga kuha sa phone nya, at nagulat ako na may mga picture ako doon, yung kaninang nasa fast food kami at ang matindi pa nito ay may iba pa akong picture sa phone nya na hindi ko alam!, puro stolen lahat ng kuha.


Ng mapansin nya na natahimik ako bigla ang tanong nya"oh Renz anong nangyari sayo bakit bigla kang natahimik?", ang sabi ko naman ay " wala naman Kariz, pero bakit ang dami mong stolen picture ko? At yung kanina sa fast food sabi mo nag selfie ka lang? Pero ako pala yung kinunan mo? Hmmm?" Bigla nalang syang natahimik din at ang palusot nya " ahh wala lang lahat naman ng classmate naten meron akong stolen kasi ilalagay ko yan sa isang photo album", at ako naman napa "ahh ganun ba" nalang ang nasabi ko at baka nga totoo naman yung sinabi nya. Pero sa loob loob ko parang hindi rin na totoo ang sinabi niya dahil nag simula na naman syang mahiya at nabubulul pa pag kinaka usap ako.


Nang matapos na lahat iyon, nag aya na siyang umuwi, na para bang kani-kanina lang ang ang saya-saya niya at para ayaw pang umuwi, pero ngayon ay nag mamadali na at nawala na ang masayang ngiti nya sa maganda at maamo nyang mukha.


Ano kaya ang dahilan kung bakit ang daming stolen pictures ko ang nasa phone nya, lagi nya akong tinutulungan sa mga projects ko at gusto nya lagi akong kasama sa iba nyang mga lakad. Ayaw kong mag isip ng kung anu-ano, pero ngayon sa mga nangyari hindi ko maiwasang magduda sa kanya na, may nililihim siya sa akin.


-itutuloy...

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon