TRUTH

472 7 0
                                    

      Sa loob ng classroom......


      Lumapit si Kariz kay, "Renz! May gusto sana akong sabihin sayo..." sabi ni Kariz.


      "Bakit Kariz anung sasabihin mo?" ang tanong ko kay Kariz. Umupo si Kariz sa tabi ko at, "ang gusto ko kasi sabihin sayo ay yung tungkol nung nakaraang isang linggo, yung tanong mo saken tungkol sa mga stolen picture's mo sa phone ko na hindi mo alam". 

   

      At ako naman ay biglang napa-isip at naalala yung nalaman noong isang linggo na ang nakaraan, ang mga stolen picture's ko sa phone nya at yung mga ibang bagay na lagi nyang ginagawa saken na hindi naman normal bilang isang mag-kaklase at mag-kaibigan narin.


      "Gusto ko sanang humingi ng sorry, dahil lagi kitang pini-pitsuran ng hindi mo alam." Sabi ni Kariz na parang hanggang ngayon ay nahihiya parin sakin. "Ano kaba Kariz, ok lang lang yun stolen piture's ko lang naman iyon eh...pwera nalang kung gagawan mo ako ng meme sa social media, at pagtatawanan ehh talagang magagalit ako, kaya ok lang...wag kanang humingi ng sorry, wala yun!". Sabi ko kay Kariz. Hindi nalang nagsalita si Kariz at bumalik na sa kanyang upuan.


      Pero dahil sa sinabi niya na nag sorry siya sa akin na hindi naman talaga ako nagalit noon ng makita ko na may stolen picture's ako sa phone niya at tinanong ko kung bakit meron siya nun, na siya rin ang nag sabi na hindi lang ako ang kinukunan niya ng mga stolen picture's pati iba ko pang classmate dahil daw ilalagay niya daw ito sa isang photo album for remembrance daw. 


      Dahil nga sa nagtaka ako bakit siya nag sorry na parang nahihiya parin, heto na naman ako na pa isip na naman kung bakit kailangan niyang mag sorry? Siguro dahil privacy ko ang naapakan dahil picture ko ang mga yun dahil pwedeng magamit sa kalokohan o ang matindi sa krimen? Siguro nga, pero bakit kailangan pang nahihiya siya sa ginawa nya?


      Puro tanong ang nasa isip ko, kaya ang napag disisyunan ko ay kaka-usapin ko siya pag katapos ng klase.


      Ng matapos na ang klase. Hindi ko pa man nalalapitan si Kariz dahil nga kaka-usapin ko sya, ay na una na siyang lumapit sa akin at nag sabing....


      "Renz samahan mo ako sa eco-park." Yun lang ang sinabi niya sa akin na ang itsura nito ay poker face, walang anu mang reaction ang mukha niya at sabay labas ng classroom. Ako naman ay sumunod nalang at hindi na nag tanong kung ano ang gagawin namin doon. At higit sa lahat eh gusto ko rin syang kausapin ng maayos tungkol sa mga nalaman at nakita ko, para matapos na itong lahat, para hindi na ako iisip pa ng kung anu-ano, para manum- balik na ang lahat sa dati na tahimik lang ako na walang iniisip kung hindi eskwela bahay, bahay eskwela. Lalu na nalaman ko ang lihim ni Chelsy.


      Ng makarating na kami sa eco-park. Hindi agad kami nakapag usap dahil, ang paligid namin ay parang naging napa awkward na hindi ko malaman kung bakit.


      Kaya una na akong nag salita at nag-tanong..."Kariz, bakit nag pasama ka dito sa park, anu bang gagawin mo, napaka init pa ng araw ohh 3:47 palang ng hapon, baka ma sunburn ka nyan sayang naman ang puti mo hehe". Biro ko sa kanya dahil wala parin siyang imik kahit konti. " meron lang kasi akong gusto talagang sabihin sayo eh...sana wag kang magagalit". Ang paki usap ni Kariz. " ahh..ehh.. oo naman sige, anu yun Kariz??". "Kasi Renz...may gusto na talaga akong sabihin sayo matagal kaso...", "kaso ano Kariz?", "nahihiya kasi ako, kasi hindi kasi normal sa isang babae na, na gagawa nito".


      "Anu nga ba talaga ang gagawin mo? Sabihin mo na, wala ng paligoy-ligoy pa Kariz". Ang sabi kong naka simangot dahil sa sobrang init ng araw. Renz....may..may gusss..to ako sa..sa iyo Renz!". Ang kabadong sagot ni Kariz. "Huh!?... anong ibig mong sabihin? Gusto!? Meron kang gusto sa akin Kariz? Yung totoo! Baka gutom lang yan..ahaha". Pag ka bigla kong sagot kay Kariz.


      " Oo..Renz! May gusto ako sayo! Matagal na!...kaya sana pag bigyan mo ako, kasi sa panahon ngayon pwede na rin ang babae ang manligaw dba?....kaya Renz, pwede ba akong manligaw sayo? Renz..."

     

      Gulat na gulat ako sa narinig ko...kaya ang nasabi ko nalang ay..


      "Kariz, teka lang para namang biglaan at ikaw pa talaga ang manliligaw sa akin, at teka lang medyo na bigla ako at naguguluhan."


      At nanumbalik na naman ang awkwardness sa paligid naming dalawa...


-itutuloy...

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon