CHELSY's SECRET

570 8 4
                                    

"Kriiiiiing..kriiiing!!!" Nagising ako sa alarm clock ko na naka set ng 5:30am.


Anu pa ba ang karaniwang ginagawa ng isang studyante pag gising sa umaga... ligo, suot ang uniporme at mag almusal, at pag katapos papasok na sa school... Wait!!! May nakalimutan... ang Baon! Aha..pero for sure ang iba pag gising palang baon na una inaatupag hehe...


Habang naka sakay na ng jeep, may bigla akong na alala at sabi ko sa sarili "oo nga pala, yung sasabihin sakin ni Jomy, yung tungkol kay Chelsy, sana naman maka sabay ko siya sa pag uwi mamaya o kaya naman ay maka salubong ko sa loob ng campus, para naman mawala na ang kung anu-anong pangamba ko".


Nakarating at bumaba na ng jeep sa harap ng school.


"Hoy! Jomy!... Teka lang hintay!" Nakita ko si Jomy papasok na sa loob ng campus at buti naman narinig ako ni Jomy, dahil ng oras na iyon ay may program sa school at may malakas na tugtugin ang maririnig mo. Ang sabi ko kay Jomy ng maabutan ko siya "Buti naman at narinig mo ako Jomy". "Oo naman sa lakas ng boses mo, medyo nahiya nga ako ng kaunti dahil wagas ka kung maka sigaw sa pangalan ko!, halos lahat ng ibang student's lumingon.." sabi ni Jomy.


Habang nag lalakad sa loob ng campus... "Bakit mo ba kasi ako tinawag Renz?" tugon ni Jomy. " hmm.. kasi yung nabanggit mo tungkol kay Chelsy, nung isang araw." Napa isip si Jomy kung ano ang tinatanong ko na tungkol kay Chelsy na dapat sasabihin niya sakin nung isang araw pa kaso naudlot ito dahil sa mga kaibigan niya.


"Ahhh oo yung tungol kay Chelsy, gusto mo nabang malaman?" biglang nag siryoso ang mukha at boses nya sa pag kaka-ala niya sa tanong ko. "Oh sige makinig kang mabuti sakin sasabihin tungkol kay Chelsy Yu." Sabi ni Jomy. At ako naman ay tumahimik at makikinig sa sasabihin niya.


"Alam ko na may lihim na pag tingin ka kay Chelsy." Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman siya classmate, schoolmate ko lang pero bakit niya ito nalaman, kaya hindi nalang ako umimik at hinayaan siya sa mga susunod pang sasabihin tungkol kay Chelsy. "Pero babala ko lang sa iyo, itigil mo na yan", dahil sa pag ka bigla ko sa sinabi nya ay medyo nainis ako, " teka! Anung ibig mo sabihin","Kasi..." hindi pa nya natatapos ang sasabihin nya... "kriiiiing, kriiiiing!!!" Tumunog na ang bell ng school kaya tulad ng na unang attempt niya na sasabihin na niya sakin ang tungkol kay Chelsy ay na udlot na naman ito.


Nasa loob na ako ng classroom at nakita ko na naman ang matalino't maganda na si Chelsy na aking lihim na minamahal.


Hindi tulad ng parating araw-araw ko na pag pasok sa classroom ay, masaya napaka saya, laging buo ang araw ko. Pero ngayon mag mula ng hindi ko malaman laman ang tungkol kay Chelsy ay, lagi na akong napapa isip kung ano ba talaga ang tungkol sa kaniya.


"Hi Renz! Kamusta kana? Para naman hindi ikaw yan. Oo tahimik ka nga pero kahit ganon ay halata parin sayo na may malalim ka na iniisip, anu ba yun?" Ang tanong ng makulit na si Kariz.


"ahh..wala naman, dati pa naman akong ganito diba?, baka ngayon mo lang na pansin" palusot ko kay Kariz para tigilan na ko nito dahil alam ko ay kukulitin niya ako pag nag sabi akong meron. "Weeehh! Nako Renz..tagal na kitang classmate! Ano kaba!...kaya alam ko kung meron oh wala kang problema.." sabi ni Kariz "Abah! Teka?.... kelan pa ako nag sabi sayo ng problema ko? Ni hindi nga ako nag sasalita kung di mo rin ako kaka-usapin ehh..", "grabe syah! capital O.A!!... grabe ka talaga concern citizen of Philippines lang naman sayo oh!" Biro sakin ni Kariz. At ako naman eh medyo natawa...medyo lang, hehehe.


"Oh sige Renz, kung me problema ka oh anu man na kailangan mo ng tulong nandito lang ako! Ok!." Ang pahabol ni Kariz. " oo, sige." Ang matipid kong sagot. " grabe syahh talaga!!, maiwan na nga kita baka akala mo masyado akong mabait..tse! Dyan ka na nga! Bahbush!" Ang maloka-lokang sagot ni Kariz.


"Beep-beep-beep" ang tunog ng relos ko na kaka-set ng 3:30 ng hapon dahil maaga kami makaka uwi dahil sa program na nagaganap sa school.


Muli. Yun na naman ang nasa isip ko. Kaya nag madali akong lumabas ng classroom pag katapod ng closing prayer namin, upang hanapin si Jomy.


Ang sabi ko sa isip ko "sana agad kong makita ko si Jomy!" Kaya hanap dito, hanap doon. Halos pag pawisan na ako ng todo sa kakalad na minsan na titisod-tisod pa. Halos na ikot ko na ang buong campus kaso, walang Jomy akong nakita.


At bigla kong naalala na "oo nga pala program ngayon at kasali sila sa isang part ng program." At dali dali akong nag punta sa gymnasium namin. At ayun nga naroon si Jomy kaso busy sa program kaya ang ginawa ko ay nag hintay hanggang sa matapos sila, kaya na nood muna ako.


Ng matapos na sila sa isang dance at acting no. Nila sa program.


Nilapitan ko agad si Jomy at binigyan ng puri sa napaka galing naman na performance niya sa program nila , "Jomy ang galing mo palanh sumayaw at ang galing mo rin sa part na umakting kayo bravo!". "Hehe..salamat Renz!....kanina ka papala na nood...dba maaga kayong umuwi ngayon pero bakit nandito ka parin? Yung totoo para ba panoorin ako sa magaling kong performance hehe or yung tungkol kay ....teka mamaya na ang dami pang tao sa labas ko nalang sasabihin". Sumang-ayon nalang ako kay Jomy at dumeretso na sa labas ng campus pag katapos nyang mag palit ng damit.


"Oh Jomy sabihin mo na agad ang tungkol kay Chelsy, baka hindi mo na naman matuloy ang sasabihin mo kasi ang daming sagabal eh sa tuwing sasabihin mo na." Ang sabi ko kay Jomy na gigil na gigil na ako sa kung anu ba talaga ang tungkol kay Chelsy. "Oo, eto na wala ng patumpik-tumpik pa Renz...Kasi si Chelsy na lihim mong minamahal eh meron ring lihim sa iyo", sabi ni Jomy "at anu naman ito Jomy! Dali!! Anong lihim sa akin?", ang sabi ko, na para bang hihimatayin na ko sa kaba"hindi lang sa iyo pati sa iba bukod lang sa akin"..."grabe ka Jomy anu nga wag mo na akong bitinin pa!!! Anohh!!!!???", "wag kang mabibigla kasi si Chelsy .......ay isang tomboy".


Para bang nawasak ang pandinig ko at ang aking mundo sa nalaman ko.

-itutuloy...




TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon