YAM 2

28 0 0
                                    

Alyssa Mendez's Point of View

Good morning world! Ah.. sarap talaga kapag bagong gising. Buti at nakatulog ako agad kagabi, kundi mage-gera ko pa si Jake. Speaking of Jake, where is he? Wala na siya sa tabi ko. E 10 palang naman? Himala! Ang aga gumising ni manyak a! Makapagayos na nga ng sarili at makapagluto ng brunch.

Doing my daily routine. Toothbrush, hilamos, magsuklay, then tapos na. Mukha nanaman akong diyosa. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Jake sa paborito niyang sofa, natutulog. Haha. Nilamig siguro kaya natulog nalang dito sa labas. Lumapit ako sa kanya at yumuko habang tinititigan ko ang mukha niya. "Ang cute mo talaga pag natutulog. Well kahit naman hindi ka tulog, cute ka pa rin." sabi ko sa utak ko.

Tumayo na ako at nagisip ng maluluto na lunch. Ano kaya masarap lutuin? Sinigang nalang kaya? Paborito naman niya yun eh. So I guess yun na nga lang. Nagsuot nalang ako ng white t-shirt at short shorts at kinuha ang wallet ko para bumili ng mga lulutuin. Pabayaan ko nalang muna siya doon matulog. Gigisingin ko nalang siya mamaya.

Jake Martinez's Point of View

Morning. Ang hirap talaga matulog dito sa sofa. Ang lamig sa kwarto, hindi ko kinaya. Lalo na't hati lang kami ni Alyssa sa kumot. Sa sobrang likot niyang matulog inangkin na niya yung kumot namin. Pinulupot niya sa sarili niya. Nasa labahan kasi yung kumot ko eh, lalaban palang mamaya. Masilip nga muna si bespren, gustong gusto nakikita ang mukha niya kapag natutulog. Pang angel talaga.

Pagbukas ko ng pinto, nanlaki ang mga mata ko. Wala sya dun! Nasan na un?! Hindi umaalis yun hanggat hindi nagpapaalam. Tumakbo ako sa kusina, wala din! Sa cr, wala din! Sa guest room, wala din! Sa recording room? wala din! HALA?! Nasaan na siya? Biglang nagbukas yung pinto at nakita ko siyang pumasok. Tumakbo ako sa harap niya at niyakap siya ng mahigpit. Nakahinga na rin ako ng maayos.

"Oh? Gising ka na pala. Ano problema mo at napayakap ka ata ng mahigpit? Nightmare ba?" tanong niya sakin habang nakangiti at hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Saan ka nanggaling? Bakit hindi ka nagpaalam?" tanong ko sakanya ng seryoso. Bakit kasi hindi sya nagpaalam? Nagalala tuloy ako. Oo na, I admit. Medyo naging OA nga ako.

"Nagpunta lang ako sa market sandali para bumili ng pangulam natin. Hindi na ako nagpaalam kasi mahimbing pa tulog mo kanina, ayaw kitang istorbohin." paliwanag niya sakin at nagpunta na sa kusina para masimulan ng magluto.

Bahala siya dyan. Pwede naman niya akong storbohin sa pagtulog ng sandali para magpaalam eh. Nagpunta muna ako sa cr at magt-toothbrush at maghihilamos lang sandali. Pagkatapos ko gawin yun, nagpunta muna ako sa recording room namin. Sosyal e no? Condo lang meron pang recording room? Mahilig kasi kami kumanta at magcompose ng songs ni bespren. Pero pang trip lang, parang hobby, ganun. Pero kung may kumuha samin, edi sige! Pwede kami sumikat!

Alyssa Mendez's Point of View

Ano problema nun? Baka nagalala siguro. Magluluto na nga lang ako para makakain na kami ni prince charming ko. Este, ni bespren pala. Habang nagluluto, nakarinig ako ng tunog ng gitara galing sa recording room. May nire-record nanaman siguro si bespren, mapuntahan nga.

"Cause there'll be no sunlight if I lose you, baby

There'll be no clear skiesif I lose you, baby

Just like the clouds,my eyes will do the same if you walk away

Everyday, it will rain,rain, rain, rain..."

Ang ganda talaga ng boses netong lalaking to kapag kumakanta. I admit, nakaka-inlove talaga! Pero bakit yan ang kinakanta niya ngayon? May pinaghuhugutan?

"Isa pa nga bespren!" sabi ko sakanya nung pumasok ako sa loob ng kwarto.

"Ayoko na. Ikaw nalang kung gusto mo." sabi niya sakin na parang malungkot na naiinis yung boses niya. Bakit ganun?

Lumapit ako sakanya at niyakap siya mula likod. "Sorry kung hindi ako nakapag-paalam. Ayoko lang talaga istorbohin yung tulog mo e. Sorry na OA kong bespren."

Humarap sya sakin at niyakap din ako. Kapag ako yumakap sakanya, yayakap din siya agad. Walang makakatiis na hindi ako yakapin no.

"Sorry din. Gusto lang naman kitang protektahan, baka kasi kung ano mangyari sayo eh. Saka baka mamaya iwan mo ko dito." paliwanag niya sakin.

"Gusto mo na ba kumain? Hahanda ko lang sandali yung mga plato." tanong ko sakanya at bumitaw na sa pagyakap.

"Pwede bang ikaw nalang lunch ko?" tanong niya sakin habang nakangisi ng nakakaloko. Mukha ba kong pagkain sakanya?! Ganda ganda ko tapos paghihinalaan mo kong pagkain?! Wag ganun.

"Gusto mong sipain ko yang junjun mo?" sabi ko sakanya.

"Wag. Masakit yan! Halika na nga." sabi niya sakin at inakbayan na ko at lumabas na kami ng kwarto.

You're mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon