YAM 6

32 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa football field. Nagpapahangin at nanonood ng training ng team. Vacant ko naman ngayon kaya ok lang. Di kalayuan, nakita ko si Hibiki papalapit sakin. Hmp. Manliligaw lang naman to malamang.

Bakit ako nagpapaligaw kahit gusto ko si Jake? Kasi ganito yun... Ayaw ko masawi lang ang pagmamahal ko. May gusto nga ako, pero baka siya wala, kaya yun, nagpapaligaw ako. Landi ko ba? :( sorry naman po.

Jake Martinez's Point of View

"1....2....3... prrt!" pumito na si coach at tumakbo na kami. Ang hirap talaga ng training pero sanay na ko. Ano magagawa ko? Football player ako eh.

"KYAAAAH! GO JAKE!"

"GO BABY JAKE KO!"

"OMYGOOOOSH! ANG LAKAS NI JAKE MY LABS!"

Rinig kong tilian ng mga malalanding babae na nasa upuan ng mga audience na pumukaw ng atensyon ko. Nang makita ko ang mga ito, may sumingit sa paningin ko. Sino pa ba? Edi ang buhay kong si Alyssa. Nandun lang siya nakaupo at nanonood. Pero may lumalapit sakanya at bigla akong nakaramdam ng inis at lungkot. Si Hibiki yung tinutukoy ko, yung manliligaw niyang syokoy. Siguro napansin ni Alyssa na nakatingin ako sakanya at ngumiti siya na may kasamang kaway sakin. Ako naman, nag fake smile nalang. Hindi ako makangiti ng maayos pag nakikita ko silang magkasama.

Tapos na ang training namin at nandito ako ngayon sa shower room. Magsh-shower muna ako, ang inet eh saka ang lagkit ko na. Saka dagdag pogi points din kaya to. Kinuha ko ang towel ko at shampoo at sabon. Pumasok na ako sa isang room na hanggang balikat ko ang harang.

"Ano pre? Kelan mo ba talaga aaminin kay Alyssa?" tanong sakin ni Drake. Siya ang bestfriend ko bukod kay Alyssa.

"Ewan ko nga pre eh. Saka na.." sagot ko at binuksan ang shower.

"Anong saka na? Kailangan mo ng aminin yan! Baka maunahan ka pa ni Hibiki."

"Ok lang un. Gusto naman din ni Alyssa si Hibiki eh. Saka, si Alyssa? Magkakagusto sakin? Hmp. Di na ako aasa. Ayaw niya nga sa ugali kong nangkakama e. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Hanggang bestfriends lang talaga kami."

"Kaya nga aminin mo na sakanya at kausapin mo siyang maigi. Malay mo, may tinatago din pala siyang pagmamahal diba?"

"Ewan... Ako na bahala pre. Sige mauna na ako sayo ah." paalam ko at umalis na.

Naglagay na ako ng t-shirt at naglagay na rin ako ng pantalon. Sinuot ko na din ang sapatos ko, relos, at necklace. Wala lang, padagdag pogi points lang. Inayos ko na rin ang buhok ko at nilagyan ng gel. Taas dito. Taas dun. At tapos na! Gwapo nanaman ako.

Lumabas na ako ng shower room namin at magpapahangin nalang muna ako dun sa may field. Vacant ko naman ngayon. Habang naglalakad, may nasalubong akong mga babae. Tumili sila at niyakap ako. Etong mga babaeng to ang mga dakilang malalandi dito sa school namin. Inferness a... napanindigan talaga nila maging malandi.

"Jake, kelan ba tayo magaano?" tanong sakin nung isang malanding hipon.

"Ah? Eh?" Di ko natapos ang sasabihin ko kasi hinila nung isa ung braso ko.

"Eh tayo? Kelan ba magiging tayo?" tanong sakin nung isang malanding sugpo. NEVER! HINDI MAGIGING TAYO! NEVER! AS IN HINDI KUNG HINDI MO ALAM ANG ENGLISH!

"Sorry ladies. Di ko muna masasagot yang mga tanong niyo. May pupuntahan pa ko." sabi ko at agad kong kinalas ang braso ko sa isa at naglakad ng mabilis palayo. Kapag nag-stay pa ako, wala na akong kawala sa mga yan. At wala talaga akong balak ligawan yung mga pugitang iyon.

"Sige babe. Seeyah! Mwuah." rinig kong sabi nung isa at may kasama pang flying kiss. Urgh! Kadiri ang mga flying kisses na galing sakanila! Mas kadiri pa sa flying ipis!

Nakarating na ako dito sa field at umupo muna. Nagisip ako kung kelan ko nga ba talaga aaminin. Natatakot kasi ako. Paano kung hindi niya tanggap? Sayang lang ang pagmamahal na ginawa at ginagawa ko para sakanya. Paano kapag lumayo siya ng lumayo sakin? Hindi ko kakayanin yun. Napayuko nalang ako at napakunot ang noo. Natandaan ko yung kanina, yung lumapit si Hibiki kay Alyssa tas mukha pa siyang masaya. Ganun niya ata talaga kagusto si Hibiki. Sakit.

Bahala na talaga. Kung siya ang gusto ni Alyssa, edi siya. Ayaw kong sumingit sa magkarelasyon dahil masasaktan lang ako. Wait wait wait? Wait nga lang?! Magkarelasyon? Hindi pa naman sila diba? Oo nga no! Final na to! Ngayon ko na talaga aaminin sakanya! Bakit ba ngayon ko lang naisip? Ay tanga!

Dali dali akong tumakbo at hinanap siya. Dismissal na niya ngayon at tamang tama lang. Nakasalubong ko siya at halatang nagulat siya. Hindi kasi kami sabay ng dismisal, maya maya pa ang akin.

"Bespren, may sasabihin ako sayo." panimula ko sakanya. Eto na talaga. Lahat ng confidence ko nandito na sa puso ko. Wala ng urungan to pare koy!

"Ako din bespren e! Matutuwa ka dito malamang!" Matutuwa? Wow. Curiosity attacks.

"Sige. Ikaw muna." syempre ladies first diba.

"Ok." Huminga siya ng malalim "SINAGOT KO NA SI HIBIKI!" sabi niya at nagtatatalon sa tuwa at niyakap ako. Matutuwa pala a? Eh bakit may kumirot dito sa puso ko?

"Ah. Ganun ba. Congrats." sabi ko at ngumiti nalang para hindi ako halatang malungkot.

"Oh? Bakit parang di ka ata masaya?" Tanong niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinarap niya ako sakanya pero hindi ko siya matignan ng direkta sa mata.

"Ako? Hindi masaya? Masaya kaya ako para sayo! Sainyo! Haha!" tawa tawa nalang din kahit masakit. Kahit mukha akong tanga dito dahil halatang plastik ang tawa ko.

"Eh ikaw? Ano ba yung sasabihin mo?" tanong naman niya sakin.

"Uhm? Wala wala. Nakalimutan ko na eh. Saka nalang pag natandaan ko na ulit." sagot ko. Hindi ko nalang sasabihin. Itatago ko nalang ulit ang nararamdaman ko sakanya. Kahit naman na sabihin ko yun, no use naman din. Eh sila na ni Hibiki eh. Para san pa ang pagamin kung wala naman itong patutunguhuan.

"Sige bespren. Tawagan nalang kita mamaya. May klase pa ako. Hintayin mo nalang ako sa may hintayan natin ha?" paalam ko sakanya at umalis na. Hindi ko kayang mag-stay sa harapan niya lalo na't masakit ang nararamdaman ko.

Pumasok na ako sa classroom at tumabi kay Drake. Sasabihin ko sakanya ang nangyari.

"Oh. Ano? Nasabi mo na ba? Inamin mo na ba sakanya?" tanong niya agad sakin pagkaupong pagkaupo ko.

"Dapat." simpleng sagot ko.

"Dapat? Eh anong nangyari?" tanong niya ulit. Huminga ako ng malalim para makaya kong magsalita. Pakiramdam ko parang may binubuhat ako na sobrang bigat na parang hindi ko kaya.

"May sinabi din kasi siya sakin eh. Sinabi niya sakin na matutuwa ako pero nasaktan ako."

"Putcha naman pre eh! Ang daming satsat. Ano ngang nangyari?!" medyo tumaas ng konti ang boses niya.

"Sila na ni Hibiki."

"A-ano?! Sila na? Kelan pa?"

"Kanina lang. Sinagot na niya daw kanina eh. Grabe, natuwa ako dun ah!" *insert sarcasm here*

"Ha?! Ano?! Bakit?!"

"Hay nako. Labas nalang tayo mamayang gabi." suggest ko.

"Sige. Sasamahan nalang kita."

Nagsimula na ang klase namin pero habang nagtuturo ang prof namin, hindi ako nakikinig. Distracted talaga ako dun sa sinabi ni Alyssa. Lupaypay ang utak. Lilipad lipad.

SINAGOT KO NA SI HIBIKI....

SINAGOT KO NA SI HIBIKI....

SINAGOT KO NA SI HIBIKI....

SINAGOT KO NA SI HIBIKI....

Parang isang sirang plaka ang nagp-play sa utak ko ngayon. Ang sakit putcha! Doon ko nalang bubuhos ang sakit ng nararamdaman ko. Sa paginom. Sa mga babae. At sa kung ano ano pa. Ako din naman may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ng ganito e. Ang katangahan ko ang nauna. Sabi nila, wala namang mawawala kung it-try mo. Hindi ko nga tinry, may nawala naman. Hay nako Lord! Ibuhos niyo nalang ang buong dagat sa Hibiki na yun para anurin na. Para sakin nalang si Alyssa!

You're mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon