YAM 7
Nandito na kami sa bar. Umupo na kami sa isang table tapos may mga lumapit na na mga babae samin. Apat sila at ang sesexy, yung iba may kagandahan naman din. Lumapit na ang waiter samin at kinuha ang order. Kumuha kami ng tigdalawang beer. Hindi na kailangan ng pagkain na pulutan. Itong mga babaeng lumapit samin, sapat na para maging pulutan ngayong gabi.
"Hey babe." sabi nung isa na tumabi sa kaliwa ko. Kung ang salitang 'babe' ang laging tawag sakin ng mga babae, siguro mayaman na ko ngayon kung katumbas nun ay pera.
"Hey." sabi ko lang at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ako sa labi. Medyo matagal tagal yung kiss na ginawa niya.
"Hoy pre! Mamaya na yan!" biglang sigaw naman nitong si Drake.
"Anak ng singit ka naman e! Haha. Sige ladies, alis muna kayo may paguusapan lang kami." sabi ko dun sa apat na babae at nagsitayuan na sila. Pero yung isang babaeng humalik sakin kanina, hinalikan nanaman ako ulit at umalis na.
"Sandali lang pre. Babe pa-kiss pa nga ng isa." tinawag niya yung isang babae na lumapit sakanya kanina at hinalikan din ito. Tignan mo to, loko loko din eh. Nainggit. Haha.
"May pahabol ka pa talaga a? Hahaha."
"Syempre, para may ikakama na ko mamaya. Matik na yun pre." Ayos a. Naunahan pa ko.
Dumating na ang mga inorder namin at naginuman na. Ang sarap uminom! Lalo na pag nasasaktan ka. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari kanina at tungkol dun sa "SINAGOT KO NA SI HIBIKI" thingy sht.
"Ano na ngayon gagawin mo pre at taken na siya?" tanong sakin ni Drake.
"Ewan ko. Siguro magkukunwari nalang ako na masaya ako para sa kanilang dalawa. Medyo nakakatuwa naman din para kay Alyssa na magkaron na ng first boyfriend. Pero masakit dahil hindi ako yun."
"Hay nako pre. Kung dati mo pa sana kasi inamin sakanya." Sabi niya at umiling uling.
"Ano ka ba? Tao ka ba na nakakaintindi at dadamayan nalang ako o isang taong hindi nakikinig sa lahat ng sinasabi ng buddy niya? MAHIRAP NGA EH! NAKAKAINTINDI KA BA NG SALITANG M-A-H-I-R-A-P?! HA?!"
"Wala namang mawawala e! Kulit! Haha!"
"Eh nangyare na eh! Gawa ka time machine tas balik tayo sa past!" Nagtawanan nalang kami at nagusap ulit sa kung ano ano pang mga bagay. Tumitingin na din kami ng mga babae sa dance floor at humuhanap ng target. Pang kama ba.
Nagpaalam muna si Drake na pupunta sa restroom. Ako naman, magisang naiwan dito sa table namin, umiinom, tumitingin kung saan saan. Iniisip ko kung pano ako magf-flow lalo na kay Alyssa.
Maya-maya, may narinig akong sigaw ng babae. Napukaw iyon ng atensyon ko at napalingon ako sa pinanggalingan nito. Nakita ko yung babae malapit sa labasan at kinakaladkad ito nung lalake. Walang tumutulong sa babae. Lahat ng taong nadaanan at nadadaan ay walang pakelam sakanila. Biglang uminit ang dugo ko, hindi ko man kilala yung babae basta ang alam ko kahit sinong babae, hindi dapat ginaganyan. Tao yan hindi hayop na kinakaladkad pag ayaw!
Tumakbo ako palapit sakanila at pumunta sa harap nung lalake. Sinapak ko siya at napaupo siya sa ginawa ko. Pumunta yung babae sa may likuran ko at nagtago. Gawin ba naman akong shield? Tinanong ko kung ayos lang siya at tumango tango lang ito habang nakahawak sa laylayan ng damit ko. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa mga ilang strands ng buhok niyang nakaharang.
Tumayo yung lalaki at akmang susuntukin ako pero umiwas ako agad at hinawakan ang kamao niya at pinagtutuhod ko yung tyan niya. Binitawan ko yung kamao niya at siniko ko siya sa batok. PLAKDA SI KUYA! NAKATAYO PA KO! Ang hina naman pala nun eh. Tumingin ako dun sa babae, mukhang gulat na gulat siya sa mga nangyayari. Nilapitan ko siya at umaatras naman siya. Nang tumigil siya sa pagatras, hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Ginawa mo pa kong shield kung lalayo ka naman din? Ayos a. Pasalamat ka at maganda ka, hindi kita binara.
BINABASA MO ANG
You're mine
General FictionPaano kung may nararamdaman ka sa isang tao? Pero paano kapag sinapian ka ng kaTORPEhan? Aaminin mo pa ba bago mahuli ang lahat?