YAM 5

17 0 0
                                    

Jake Martinez's Point of View

"Eeeeeeeeng Eeeeeeeeeng Eeeeeeeeng!" urgh. Ang ingay naman netong alarm clock na to. Pinindot ko yung dismiss button at umupo sa side ng bed. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at tumingin ako sa alarm clock, it's now 4am. Nga pala, monday na po ngayon ah. Ang HATEST DAY nating mga estudyante.

Tumingin ako kay Alyssa na mahimbing pa rin ang tulog. Inayos ko ang ibang buhok na nakaharang sa mukha niya. Pinagmasdan ko muna siya sandali. Ang ganda niya talaga. Mala-anghel talaga ang kanyang mukha, lalo na pag tulog. Kung madali lang umamin, dati ko pa inamin sakanya na siya lang ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Kaso, hindi mo naman masasabi kung ano ang mangyayari susunod. Baka layuan niya ako o kaya naman lumayo na siya ng lumayo at hindi na magpakita sakin habang buhay. Hindi ko pa naiipon ang lakas ng loob ko.

Tumayo na ako at kinumutan muna ng maayos si Alyssa bago lumabas ng kwarto. Kinapa kapa ko yung switch ng ilaw sa may bandang sala habang lulugo lugong naglalakad. Medyo mahirap to. Haha. Magluluto na ako ng breakfast at titimplahin ko na ang favorite hot choco niya. Ihahanda ko na rin ang mga gamit namin para mamaya sa school at ang mga uniform namin para alis nalang kami mamaya.

Pumunta ako sa loob ng kwarto at lumapit sa side ng kama tabi kay Alyssa at umupo. Tinapat ko ang hot chocolate sa may bandang ilong niya para maamoy niya ang aroma nito. Iyon lagi ang panggising ko sakanya. Galing no? Parang nasa mga commercial lang diba? Gumalaw siya ng konti at medyo napapaupo na dahil sinusundan niya yung amoy ng hot choco niya. Tapos balik ulit sa pagkakahiga. Kinusot kusot niya ang mga mata niya at dumilat konti.

"Good morning bespren." she said with a smile on her lovely face that made me smile too.

"Good morning. Here's your choco. Careful, it's hot." I said and binigay ko na sakanya ang hot choco. Hinipan niya muna ito at ininom.

"Thank you." sabi niya at binalik muna saakin ang hot choco niya. Tumayo siya at sinuot ang tsinelas niya. Then, hindi ko expected ang nangyari sunod. Niyakap nya ako. Bayan! Nakakabakla naman tong nararamdaman kong kilig. Umagang umaga, papakiligin na niya agad ako. Berigud!

"Maliligo ka na ba o kakain ka muna?" tanong ko sakanya. Tumayo na ako at pumunta sa may pintuan.

"Sabayan na kita kumain. Maghihilamos lang ako sandali." Tumango lang ako at nagpunta na sa dining area. Nilapag ko na yung hot choco niya at hinanda ko na ang mga plato, baso ko, kutyara at tinidor. Naglagay narin ako ng walang kamatayang sinangag sa plato niya. Bahala na siya kung ano ang uulamin niya, kung hotdog ba o itlog. Ako naman tiga ubos sa huli e.

Tapos na kami kumain at pinauna na ko maligo ni Alyssa. Siya nalang daw maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Pumasok na ako sa kwarto at kumuka ng brief at towel. Maliligo muna ako ah? Wag mamboso! Bawal yan.

Alyssa Mendez's Point of View

Pinauna ko ng paliguin si Jake tapos ako nalang ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Para makatulong naman ako. Siya na gumising ng maaga, nagluto't lahat lahat, kaya babawi ako. Bait ko no? Dinalaw lang ng kasipagan sa umaga.

Tapos na ako maghugas ng plato at narinig kong tumigil na ang pag-agos ng tubig sa cr. Tamang tama ang pagtapos ni Jake. Ako naman sunod. Pumasok ako sa kwarto para kumuha ng bra at undies ng makita ko si Jake nasa tapat ng aparador, nakatalikod. Nakasuot na siya ng pants pero hindi pa siya nakasuot ng sando. Kitang kita mo ang kalakihan ng katawan nya. My ghad. Nakakapaglaway talaga ang katawan netong mokong na to.

"Hindi ka pa ba nabusog sa kinain natin at nakanganga ka nanaman sa mga abs ko? Tulo pa lawaymo oh." nabalik ako sa katinuan ng marinig ko siyang nagsalita. Agad kong kinapa ang bibig ko kung may laway nga talaga.

"A-ah? Eh? Nabusog ako noh. Tabi nga dyan! Maliligo na ko." sabi ko sakanya at tinulak siya para tumabi. Pero yung saktong tulak lang, parang sagi, ganun. Nakaharang kasi eh. Taray effect.

"Hahaha. Ito naman. Biro lang eh." sabi niya at ginulo gulo ang buhok ko at hinalikan ako sa ulo. I know it's just a friendly kiss. Hindi naman niya ako magagawang halikan na puno ng pagmamahal dahil magbestfriends lang kami.

Pumasok na ako sa cr at naghubad. Malamang, alangan namang maliligo ka ng naka pajama pa? Gera nanaman to para sakin. Magkakaharap nanaman kami ng mortal kong kaaway, ANG MALAMIG NA TUBIG SA UMAGA! SUGOD! SUGOD ALYSSA! SUGOD!

Matapos ang 30 years natapos rin maligo. Ang tagal ko diba? Pahirapan kasi eh! Nagtoothbrush muna ako at lumabas na ako ng cr. Umupo muna ako sandali sa kama habang naka robe. Alangan namang nakahubad? Ehem... boys... Alam kong sexy ako pero bawal pagnasaan. Kung may gusto mang pagnasaan ako, si Jake lang. Bahala kayo diyan.

Nagpatuyo muna ako ng buhok gamit ang hair dryer. Ang haba ng hair, kahit hindi rejoice shampoo ko. Wala lang, trip ko lang kumanta. Pagkatapos ko magpatuyo ng buhok, sinuot ko na ang palda ko. Narinig kong bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Jake at dumiretcho sa may desk. Kinuha niya yung relos niya at tumingin siya sakin.

"Sexy mo talaga bespren." sabi niya habang nakangisi at lumabas na ng kwarto. Chills run down my spine. Pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko. Dahil ba sa kilig o dahil ba sa hiya? Ay basta. Nakaexpose kadi ang taas ko. Lalo na ang hinaharap ko.

Sinuot ko na ang uniform ko pang taas at binutones na ito. Sinuot ko na din ang relos, necktie, at ang aking magandang ID. Bumalik ulit ako sa may salamin kung san ako nagpatuyo ng buhok kanina. Naglagay ako ng powder at nagpabango. Hindi ko kailangan mag make-up katulad ng ibang girls sa school. Nagmamake-up nga, hipon naman. Ang kapal kapal pa. Ok na ang powder.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Jake na nakaupo sa sofa nanonood ng tv. Like a boss pa yung upo niya ah. Nakaspread pa yung kamay niya sa taas ng sofa. Lumingon siya saakin at niyayang umupo muna. Mamaya pa naman kami aalis eh, mga 6:30. Maaga lang talaga kami gumigising kasi may pinapanood kaming dalawa. Lovestory, tuwing umaga yan. Ang daming mais.

"Angel, will you be my forever?" tanong nung lalaking character sa pinapanood namin.

"Oh James. Yes! I will be your forever!" sabi nung babaeng character sa pinapanood namin. sa sobrang tuwa nilang dalawa, napa-Don Zulueta yung dalawa. Kinarga ni boy si girl sa sobrang tuwa. Nakakatawang nakakakilig. Haha.

Jake Martinez's Point of View

Nakakatuwa naman tignan netong scene na to. Parang kasal lang e, may slow motion pa. Napaisip tuloy ako, kelan kaya magiging kami ni Alyssa? Kelan ko ba maaamin sakanya na dati ko pa siyang mahal?

"Ikaw Alyssa? Kelan ka ba magkakaron ng boyfriend? Diba nililigawan ka ni Hibiki?" Bigla kong natanong sakanya. Oo, may nanliligaw sakanya. Kaya minasan badtrip ako pag nakikita yung butikeng yun e.

"Ewan ko. Oo nga eh, di ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi? Sa tingin mo, o-oo ako?" Tanong niya. Sandali, bakit ako ang tinatanong mo eh ikaw ang tinatanong ko.

"Ikaw ang bahala magdesisyon. Ikaw ang nililigawan, hindi naman ako." sabi ko.

Alyssa Mendez's Point of View

"Ikaw bahala magdesisyon. Ikaw ang nililigawan, hindi naman ako." tignan mo tong lalakeng to. Nagtatanong ako ng maayos e.

Oo nga pala, si Hibiki, siya ang magiting kong manliligaw. Ang tagal na niyang nanliligaw sakin kaso hindi ko pa sinasagot. Almost a year na din ata? Hindi naman sa ayaw ko sakanya. Gwapo naman din sya, kaso mas gwapo si Jake. Caring, pero mas caring pa rin si Jake. Sweet, mas sweet naman si Jake. Matalino, ganun din si Jake. Football player, pero mas lamang si Jake, star player yun eh! QB kasi. Alam kong mali na ipagcompare silang dalawa dahil magkaibang tao talaga sila.

Ano napapansin niyo? Diba ALL-AROUND si Jake. Ganyan talaga siya. Kahit na mangkakama pa yan. Si Jake lang ang nagiisang mahal ko. Sakin lang siya. He is my Forever. Sana.

You're mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon