YAM 4

18 0 0
                                    

"H-huh? Anu ka? Sineswerte?!" nabigla ako sa sinabi netong mokong na to.

"Biro lang. To naman. Para namang hindi ka pa sanay sakin." sabi niya habang nakayakap pa rin saakin.

"Hindi kasi maganda e. Alam mo naman na ayaw ko ng mga ganyan." sabi ko at nag-cross arms. Loka lang? Ikaw nga yung nagpasimuno ng pangaakit sa pinapanood niyo tapos sasabihin mong ayaw mo? Gaga lang amp.

"Sorry na po..." pinatong ang ulo nya sa left shoulder ko. Naramdaman ko naman ung muka ko na uminit. Ok, kinikilig. Haha!

"Tabi nga dyan!" sinubukan kong alisin yung braso niyang nakayakap pero hindi effective. Wala e. Lalake siya. Mas malakas sakin.

"No. I won't let you go unless you forgive me." Ang drama ah.

"Ang drama mo ah. Best actor of the day?" sarkastikong sabi ko.

"Pwede." sabi niya at tumango-tango habang nakapatong parin ang ulo sa balikat ko.

"Alam mo, pwede mo ng alisin yung kamay mo tapos punta ka nalang sa living room at manood." sabi ko sakanya habang tinatapik tapik ang braso niya.

"E ikaw? Ano gagawin mo?" tanong naman niya sakin.

"Gagawin ko lang sandali yung isa kong assignment." sagot ko which is totoo naman.

"Gusto mo tulungan na kita?" Tumingin siya sakin.

"Wag na. Madali lang naman yun e, kaya ko na yun." paliwanag ko.

"Sige. Ikaw bahala. Dun nalang muna ako sa sala. Tawagin mo nalang ako kapag may kelangan ka." paalam niya sakin at ngumisi.

"Osige." pagkasabi ko nun, lumabas na siya ng kwarto at sinara ang pinto. WAAAAH! SHEEEMAAAYYY! BAKIT ANG CUTE NYA? kung ang kilig nakakamatay, kanina pa ko nakaburol. Lakas ata ng tama ko sakanya mga dre.

Tapos ko na gawin ung assignment ko. Medyo napagod kamay ko dun a. Ikaw ba naman magsulat ng 3 stanzas with 10 sentences tapos 3 items pa un, so all-in-all 9 stanzas with 90 sentences :3 hay buhay... Anong oras na ba? 4:00pm? ang tagal ko naman ata magsagot? sa bagay, tama lang yung oras dahil nga sa puro sulat na ginawa ko. Masilip nga muna si Jake sa sala.

"Jake?" tawag ko sakanya. Walang sumagot. Nasan kaya yun?

"Jake?" lumapit naman ako sa sofa para tignan kung nandun lang siya, kaso wala. Asan yung lalakeng yun?

"Oh Alyssa. Hanap mo ko?" napalingon ako sa may cr at ayun sya... HALF NAKED! Ang bango ng amoy niya! Malamang, bagong ligo e.

"Tapos kana sa assignment mo?" tanong niya sakin habang ginugulo ang buhok niya para matuyo.

"Ah.. Oo, kakatapos lang." sagot ko.

"Upo ka muna diyan sa sofa. Magbibihis lang ako sandali at gagawan kita ng merienda." Tumango lang ako at pumasok na siya sa kwarto. Oh please! Wag ka na magbihis! Abs mo palang yummy na! Ano ba brain? Mga sinasabi mo a. Pero ang hot niya kasi talaga tignan e. Saka, yung smile niya nung sinabi niyang 'merienda' Shillaté! Ang gwapo!

Umupo nalang ako sa sofa. Wala eh. Gwapo eh. Na-starstruck ako. NGANGA! Lumabas na siya ng kwarto na nakasuot lang ng basket ball shorts and he is still naked at the top! Those abs! Nakakapaglaway na! Oh tukso. Layuan mo ako plith? Gumaganti ka ah.

"Ako nalang magluluto. Kakaligo mo lang tapos pagpapawisan ka na agad." sabi ko sakanya at pumunta sa kusina. Sinalang ko na ang lutuan at hotdog nalang ang lulutuin ko. Ehem, jumbo hotdog kaya mo ba to? Ang green!

"Alyssa, ako na." sabi niya at pinilit niyang kunin ang lutuan galing sa likod ko. Napaharap tuloy ako sakanya.

"Ako na Jake." pilit kong hinila sakanya yung lutuan, pero ang lakas niya.

"Ako na Alyssa." at tuluyan na nga niyang nahila yung lutuan, at hindi sinasadyang napatid ang paa ko sa paa niya kaya muntikan na kong sumubsob pero nasalo ako agad ni Jake.

Yung pwesto namin ngayon? Eto, nakabend yung katawan ko tapos yung kamay niya nasa likod ko nakaalalay baka mahulog ako, tapos ung mukha namin? Konting konti nalang, malapit na yung lips namin sa isa't isa. Naaamoy ko na ung minty breath niya, ang bango bango! Wala kaming imik dalawa, nagtititigan lang kami hanggang sa tinayo na niya ako ng maayos.

"Ako na magluluto." sabi ko sakanya ng bitiwan niya ako. Tumango nalang siya at pumunta sa sala.

Tug tug..

Tug tug..

Tug tug..

Ano nanaman ba itong nararamdaman ko? Nahuhulog na talaga ako sakanya. Feeling ko nasa may bangin ako sa nahulog pero hindi tuluyan. Yun bang nakakapit pa ko sa isang ugat na malaki ng puno na nakalitaw sa bangin. Ayaw kong mahulog ng tuluyan at baka masaktan lang ako sa huli. Ayaw kong umasa na mahalin din ako ng taong hindi naman ako mahal.

You're mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon